36: THE FALL

111 16 5
                                    

Saxia's POV

What is life without you?

Who is Saxia Velasquez without Santi?

What is love without your care?

Puro tanong na hindi nasasagot.

Puro ikaw na dumudurog sa akin.

Hindi ko alam kung kakayanin ko na wala ka.... Pero isa lang ang alam ko na baka sumunod ako sayo pag hindi ko na kinaya.

"anak.. kumain ka naman"
its mommy on the other side of the bed

Nakahiga lang ako buong mag hapon habang yakap ang damit ni Erick

Mga gamit niya na gusto kong hawak ko katabi ko lang. Yung pabango niya na ginawa kong pabango sa kwarto namin.

Pakiramdam ko pag ganito lagi ko lang siyang kasama.

"Wala po akong gana"
Mahina kong sabi

"Anak hindi pwedeng wala kang ganang kumain lagi.... Paano ang sanggol na nasa sinapupunan mo, anak kailangan mo lakasan ang loob mo para sa kaniya"
Nag aalala nitong sabi

Tumabi si Mommy sa pag kakahiga ko pero hindi ko yun pinansin

Naiyak nalang din ako sa sinabi niya.

Tama meron ngang sanggol na umaasa sa akin pero baby paano lalaban si Mommy tulungan mo si Mommy please.

"Anak tatagan mo ang loob mo para sa anak niyo ni Santi. Kasi yan nalang yung isang magandang nangyari sa inyong dalawa. Anak mahirap pero nandito kami para gabayan at alalayan ka. Mahal ka namin at higit pa dun ang pwedeng makuha mo sa batang yan, sa anak niyo ni Erick. Anak ilang buwan na ang nakakalipas ng mawala siya at ganun din ang pag laki ng tiyan mo. "
Mahaba pa niyang lintaya

Nasapo ko nalang ang aking tiyan at gayon nga kabilog ang tiyan ko. Ang laki mo na baby limang buwan kana.

Tatlong buwan na ang nakalipas ng mawala si Erick pero parang kahapon lang. Sariwang sariwa pa sa puso at isip ko ang lahat.

Lahat ng nalaman ko.

Ang hirap tanggapin na wala na ang taong mahal na mahal mo.

Yung taong lagi mong kasangga kahit ang hirap at ang sakit sakit ng mga pinag daanan niyo pero nakaya niyo pa din lumaban at iligtas ang pag mamahalan na minsan ng muntik masira.

Pero siya siya yung hindi ko nailigtas.

Dapat kasi talaga hindi ko na siya pinaalis baka ngayon kasama ko pa si Erick.

"siguro kung hindi ko siya pinayagan umalis ng araw na yun Mommy baka buhay pa si Erick"
Naiyak kong sabi habang yakap yakap ang polo niya

Ito yung polo na suot niya sa pinaka masayang araw ng bubay namin.

Yung araw na parang ayoko ng matapos dahil kasama ko siya.

"Shhh anak ano ka ba hindi mo kasalanan yun, aksidente ang nangyari. Anak tandaan mo na baka ito ang plano ng Diyos at please anak huwag mong iisipin na kasalanan mo dahil HINDI okay."
May inis ang boses niyang sabi bago pinihit ang aking kamay

Ewan ko pero baka kasi kung hindi ko siya pinaalis noon baka mag kakasama kami ngayon.

Baka kasama ko siya ngayon na kinakausap si babay sa tummy ni Mommy.

" miss na miss ko na siya Mommy"
Naiyak kong sabi

Miss na kita love.

Hindi ko ata kaya.

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now