42: HELLO OFFICE WORLD

95 14 3
                                    

Dave's POV

EXCITED

Yun lang ang alam kong salita ngayon na makakasama ko si Ate Saxia sa office.

It's been a years since kuya left this huge responsibility to me and I'm glad that finally I can make time for myself.

Thanks to my forever Ate Saxia!

"Sir, nandito na po si Ms. Saxia"
Ani ng secretary ko

"papasukin mo"
Natango naman ako at natayo sa kinauupuan ko

"Dave"
Bungad niya ng makapasok sa office ko

Malawak na ngiti ang pinakawalan ko ng makita ko siyang handa na talagang sumabak sa trabaho dito sa office.

Sumenyas ako sa secretary ko na lumabas para makapag usap kami.

"welcome to your new home Ate! Grabe hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nandito ka sa harapan ko, thank you ate"
Naiiyak kong sabi

Ang saya lang sa puso ko na nandito pa din siya para sa akin kahit wala na si kuya.

"okay lang ano ka ba, thank you din dahil nag titiwala ka sakin."
Nakangiti niyang sabi

"I thank you for always understanding me kahit wala na si kuya hindi mo pa din ako pinababayaan"
I said

Hinampas naman niya ako sa braso dahil sa kadramahan ko

Bakit ba e sobrang saya ko lang dahil kahit papaano ay alam ko na nasa mabuting kamay ang kumpanya pag umalis ako.

Hindi na bago si Ate Saxia dito dahil minsan na din sila nagkasama ni kuya dito, madalas tumutulong siya kay Kuya.

"No worries okay, mahal kita bilang kapatid at nawala man si Erick nandito pa din kami nila Mommy para sayo kasi pamilya tayo, kaya pwede ba itigil mo na kadramahan mo at mag umpisa na tayo mag work"
Malambing niyang sabi

Hay naku kaya hindi ako mag tataka kung bakit nagustuhan ni Kuya si Ate Saxia, parang si Tita Rehina siya sobrang mag mahal at mag alaga.

I clear my throat and wiped my eyes

"tayo na Ate, I'll show you your office na minahal mo din dati pa"
Maloko kong sabi

Natawa nalang siya sa sinabi ko at nag patiuna ng lumabas ng office ko

She already knew that office dahil madalas silang mag meeting ni kuya Erick doon lalo na pag may show sila.

Most of the time dito sila nag i-stay lalo na kapag busy si kuya sa office then isasabay pa ang kanilang mga gigs and tours.

Ang pag kakaalam ko yan ang isang lugar kung saan nag kakaroon sila ng time.

"Mukhang hindi na kita kailangan pang i-tour at turuan dito kasi batak kana haha I remember when you and kuya settled the problem in the office grabe akala ko talaga sasabit pero mas magaling ka kay kuya kasi without you baka matagal na kaming lugi"
I said while staring at the window

I know kuya is watching us, watching her.

"You never fail us to believe in you Ate, thank you and I guess you are our lucky charm"
I added

She chuckled

"I don't think so, that day si Erick talaga ang nakapag ayos ng lahat. Tinuro ko lang kung ano ang mga alam ko. He's very passionate about his work that he has done. He never fails us to believe that even without him right now he made sure that you are well prepared to take responsibility to everything that he left"
She said

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now