24: JUST YOU AND ME

236 18 1
                                    

Santi's POV

Habang nag aasikaso si Love sa kwarto nagtungo muna ako dito sa kusina para ipagluto siya ng breakfast.

Well mabuti nalang na nagkaroon pa ako ng time para mas maihanda ang lugar na ito para sa biglaang punta namin ni love.

Halos lahat naman dito ay kumpleto dahil lahat ay inasikaso kasi gusto ko na pag dinala ko siya dito ay makaka pag stay at relax siya bago muling mag trabaho.

"Good morning my love"
Sigaw pa niya ng makababa

Kaagad ko naman siyang sinalubong at binigyan ng mahigpit na yakap at halik sa noo

"Good morning my tomato"
Bati ko pa dito

Grabe sobrang ganda ng mahal ko.

"Nakatitig ka na naman niyan sa akin baka hindi mo na ako makalimutan ha"
Maloko pa niyang sabi

Sino ba namang makakalimot sa magandang ito!

"Alam mo love kahit kailan hinding hindi kita makakalimutan. Kahit pa nga siguro mag ka amnesia ako hindi kita makakalimutan e,kasi love mahal na mahal kita at kung magkataon man na tumanda ako at makalimot sisiguraduhin ko na yung puso ko titibok para lang sayo"
Madamdamin ko pang sabi

Bakit ba nasabi ko ang kadramahan na yun kahit alam ko na walang makakapag pabago sa isip ko na makalimutan siya.

"Ang lalim love ha muntik na akong malunod"
Natatawa pa nitong sabi

"Syempre naman ako ang karagatan na kahit pa anong lalim ng puntahan mo ay hindi kita hahayaang malunod,siguro malulunod ka lang sa pag mamahal ko"
I said

Medyo ang corny ko sa part na yun ha!

"Love ano ba ang seryoso I mean bakit kakaiba ang mga banat mo?"
Kunot noo niyang sabi pero hindi nawawala ang ngiti

Sa totoo lang hindi ko din alam e HAHAHA ganito ata ang epekto ng pagtikim ko kay love

"Ewan ko ba basta pag kasama kita nagiging jejemonster ako"
Maloko ko pang sabi

"Pero seryoso love?,mahal na mahal kita at kahit pa man makalimot ka sa pagtanda natin lahat gagawin ko para lang maipaalala sayo na ako yung taong minamahal mo na kasama mo pa din sa dulo ng buhay natin"
Malambing na niyang sabi

Kita ko naman ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata niya

Baliw din e nagseryoso tuloy hahaha pero bakit ba parang iba ang nararamdaman ko ngayon.

"I love you"
Aniko bago inangkin ang labi niya.

"I love you too"
She said

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at hinili palapit sa upuan

"Kain na tayo ako nagluto nito lahat para sa asawa ko"
Aniko

Nangiti naman siya sa sinabi ko

"Asawa talaga?"
Taas kilay pa niyang sabi

Oo bakit hindi e doon din naman ang punta nitong relasyon namin e.

"Oo ayaw mo ba?"
Nakanguso kong tanong dito

"Syempre gusto alam mo naman na pag ikaw lahat ng gustuhin mo gusto ko din."
Malambing ko pang sabi sa kaniya

"Asawa ko"
Dagdag ko pa

Kinikilig ako!!!!

Bakit hindi ba hindi lang babae ang kinikilig pati rin mga lalaki tulad ko!

Ewan ko ba pero nakikiliti ang tiyan ko pag sumasang ayon siya sa mga gusto ko. Like wala ng mas hihigit pa sa katulad niya.

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now