31: 1 MONTH

154 15 0
                                    

Santi's POV

Ano pa bang sasaya sa buhay na kasama mo ang taong pinaka mamahal mo. Taong handa mong bigyan ng magandang kinabukasan at taong handa mong mahalin sa tagal ng buhay mo.

I love Saxia higit pa sa buhay ko and to our little one na mag iisang buwan ng nagtatago sa tiyan ni Mommy niya.

Parang isa nalang ang gusto kong hilingin kay God,yun ay ang maging legal na akin ang mag ina ko.

Life is somehow became my favorite life.

"Anak"
Nalingon naman ako ng tawagin ako ni Mama

"Po Ma"
I asked

"Naku pumunta ka muna sa taas at hinahanap ka ni Saxia gusto ka daw katabi"
Naiiritang sabi ni Mama

Ewan ko kung pinalabas siya ni Saxia sa room o talagang mainit ang ulo niya.

Kasi si Mama minsan sobrang daldal e si Saxia naman minsan gusto lang mag isa para makapag pahinga sana lalo na pag galing sa gig.

We can't blame them naman kasi si Mama gusto and sobrang excited sa pag bubuntis ni Saxia.

"bakit naman parang nag lilihi kayo"
Maloko kong sabi

"Tigilan mo ako Santi ha manang mana ka sa Daddy mo"
Inis niyang sabi

Mukhang naglilihi nga laging mainit ang ulo e HAHAHA joke lang!

"Mama naman masyadong iritable ano ba kasing nangyari"
Natatawa kong sabi bago siya niyakap

Bumuntong hininga pa siya bago ako sagutin

"Eh yang Daddy niyo kasi ang kulit kulit gusto patigilin muna ako pansamantala sa pag punta sa office para daw maalagaan ko si Saxia"
Nakanguso na niyang sabi

Hay naku may pinag manahan talaga si Love oh kitang kita kung kanino.

Tama nga si Mommy baka ako ang nagmana sa Tito Oscar

"Oh Mommy bakit ayaw mo ba na alagaan si Saxia eh hindi ba yun naman ang gusto mo na mabantayan siya sa pag bubuntis niya"
Nag tataka kong tanong

Kasi yun talaga ang gusto ni Mommy pero bakit parang ayaw niya na?

"Hindi naman sa ayaw ko anak ha,pero kasi si Saxia ang gusto ikaw ang magbantay sa kaniya. Gustong gusto ko nga kaso nakakatampo naman pag minsan pinapalabas ako ng kwarto hayst naintindihan ko naman na minsan may topak ang mga buntis"
Natatawa pa niyang sabi

Oh hindi ba natawa din siya sa pinag sasabi niya.

Natingin nalang ako sa kaniya dahil napansin ko na nag seselos pala si Mommy sa akin.

Hays manang mana nga si Saxia kay Mommy!

"Mommy naman....hayaan mo sasabihin ko kay Saxia pero alam ko naman na naiintindihan mo siya. Baka talagang ganyan lang pag buntis"
Paumanhin ko pa

"oo nga ganyan napag daanan ko din e haha ako kaya ina niya! Mas malala nga lang siya sa akin"
Maloko pa niyang sabi

Oh loko din! HAHA

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now