15: I BEG YOU

176 16 0
                                    

Rehina's POV

Ka-birthday niya pala si Saxia for sure kung magkakilala sila magkakasundo sila.Baka nga maging mag bestfriend pa sila

Gusto ko pa sana mag stay doon para makipag kwentuhan kay Ange kaso dumating na si Oscar.

"Ano bang meron?"
Ani ko ng matigil kami sa kakalakad

Nagkatitigan pa kami at wala siyang imik na nakatayo sa harap ko

Akala ko ba naman ay mag i-stay kami dito para i-celebrate ang birthday ni Saxia ko pero parang ewan itong si Oscar na hinila nalang ako kaagad at dinala sa may coffee shop ng resort

"Re-hina i think makikita na natin si Saxia dito"
He said

Nakunot noo naman ako sa sinabi niya dahil paano? I mean sino at bakit?

Nakita na ba niya ulit sila Bobbie nandito ba sila?

Nagpalinga linga ako sa shop at napag tanto na nandito sila Bobbie at Carlos na mag kasamang nag kakape

Pero paano?

Aksidente lang ba na nandito din sila?..

Baka kasama nila si Saxia.

"kailangan ko silang makausap baka kasama nila si Saxia"
Ani ko ng mag patiunang maglakad palapit sa dalawa

Gustong gusto ko na siya makita at makasama kaya sana manlang kahit ngayong gabi ngayong araw ng birthday niya makita ko siya kahit na hindi niya ako tanggapin at magalit siya okay lang basta mahawakan at mabati siya ni Mommy.

"Rehina ano bang gagawin mo?"
Pag pigil pa ni Oscar sa akin

"Kukunin ko ang akin Oscar kahit mag makaawa ako sa harap niya gagawin ko makita ko lang ang anak natin"
Medyo galit kong sabi pero yung mga luha ko parang wari koy hindi na natigil

Bumitaw ako sa pagkakahawa niya at mabilis na lumapit kanila Bobbie at Carlos

Laking gulat nila ng bumungad ako sa harapan nila pero wala dun ang aking isipan nasa kung ano ang kailangan ko at yun ay ang aking anak.

"Bobbie....alam ko kasama niyo siya pwede ko bang makita ang anak ko!"
Galit ang tono kong sabi habang tinutuyo ang mga luha ko

Dapat hindi ako mag mukhang mahina sa harapan nila at lalo na ni Bobbie dahil baka gamitin niya ang kahinaang yun para mas ilayo sa akin ang anak ko.

"Hindi Rehina pwede ba tantanan mo na ako at wala kang anak wala na siya Rehina matagal na niyang pinatay ang ikaw sa buhay niya."
Pasigaw pa nitong sabi habang nakatayo sa harapan ko para mag kapantay ang mukha namin

Matagal ko ng tiniis ang ugali ni Bobbie pero hindi na ngayon walang pag dadalawang isip na sinampal ko siya

"Rehina tama na"
Pag saway ni Carlos sa akin

"At ikaw Carlos I trusted you kami ni Oscar pinagkatiwalaan ka namin pero anong ginawa mo? Kinunsinti mo ang panloloko ni Bobbie katulad ka din niya nilayo mo ang anak ko"
i yelled knowing na maraming tao ang nakikinig sa amin

"Bakit ano bang ginawa ko sa inyo para pasakitan ako ng ganito ha? Naging mabuting kaibigan mo ako Bobbie lahat naman ng meron ako binahagi ko sayo,lahat bobbie kaya hindi ko lubos maisip kung bakit.....kung ba-kit sa dinami dami ng tao ikaw pala ang sisira sa buhay ko"
Naiyak ko ng sabi kahit na pilitin kong mag pakatatag sa harap nila nandun pa rin yung hirap at sakit na binigay nila

"Rehina"
Bobbie whispered

Natitigan ko nalang siya habang lumuluhod sa harapan niya. Oo mag papakababa ako para lang sa anak ko. Para lang makita at makasama ko na siya.

I STILL LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon