CHAPTER 3

256 4 0
                                    

Ngayon mukha akong tangang nakaupo sa gilid hiniling na sana makaalis na sa lugar na ito.

Naghihintay ako kay Emily habang nagpapahair color siya and all. Nagpapacolor sa kuko niya habang ako ay bored na bored na dito at sobrang nauumay na ako sapagkat dikit ng dikit sakin ang mga bakla.

Kanina lang ay enjoy na enjoy ako sapagkat ayaw niyang e consider na magkakilala kami dahil nga pangalan lang ang alam namin sa isat-isat, pero pinipilit ko na magkakilala kami dahil magkakilala naman talaga kami. Kaya ang resulta nabato ako ng suklay habang ang kapatid ko ay tawang tawa sa aming dalawa.

Hindi ko na lamang pinansin pa ang nasa tabi ko  at nag cellphone nalang kaso inaagaw ng babaeng to ang atensyon ko. Napaka natural lang naman ng kanyang ganda pero hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan ng ganito. I was looking at her kung paano siya kumilos, kung paano niya pinagalaw ang kanyang mga kamay sa buhok at mukha ng kapatid ko. It was amazing.

"Kuya baka matunaw."nauntag ako ng biglang nagsalita ang aking kapatid. Tiningnan ko siya at pinandilatan ng mga mata. Nakatingin siya sa salamin kaya pala nakita niya ako. Tsk.  Isang pahamak na bata. Tinawanan lang naman ako.

"Alam mo kuya, ang babae parang pagkain hindi mo makukuha kong tititigan mo nalang, kailangan mo itong lapitan."- nakangisi niyang sabi.

"Tumahimik ka dyan."- sagot ko. Tiningnan naman ako ni Angela at inirapan. Napaka talaga ng babaeng to, bakit ba ang init-init ng dugo niya sakin kahit wala naman akong ginawang masama sa kanya. Dahil ba inalok ko siyang maging girlfriend? Anong masama 'don? Buti nga inalok ko siya, yong iba nga hinihiling na alukin ko.

"Matagal pa ba 'yan?"- nakasimangot kong tanong.

"Malapit na Senyor, tsk aporado."- sabi ni Angela.

"Di naman ikaw tinanong ko."

"La akong paki, eh nagmamadali ka eh. Ikaw kaya gumawa nito. Tsk."

"Bakit ako, alam ko ba 'yan?"- sagot ko. Nice away bata.

"La parin akong paki, malay ko ba bakla ka dinadaan mo lang sa pagiging babaero."- sabi nito.

"Aba! Ako bakla? Try me Angela, I can make you scream."-nakangisi kong sabi.

"Bastos ka talagang lalaki ka!"- sigaw niya at agad lumipad ang isang bagay. Sapol na sapol sa mukha ko, buti nalang yong malambot tumama sakin.

"Aray! Bakit ka ba nambabato?!"

"Kala ko kasi hayop eh."- sagot nito. Napamaang ako at hindi nakapagsalita. Bakit ang salbahis ng babaeng to? Tsk!

Umalis kami ng nakasimangot ako. Diko matanggap na ginaganon ganon ako ng isang babae. For pete's sake, itong mukhang to hinahabol ng maraming babae tapos babatuhin lang? No way!

"Anong ginawa mo kuya?"- tanong niya ng kami ay makaalis.

"Anong ginawa ko? Wala akong ginawa Princess, kita mong nakaupo lang ako 'don nabato pa ako."-inosente kong sagot. Ano ba naman tong kapatid ko ako na nga na agrabyado. Paano kong matigas ibinato niya edi sira mukha ko.

"Anong ginawa mo at parang ayaw na ayaw sayo ni Ate ganda?  Wag kang magsisinungaling."- tanong niya matapos ko siyang pagbuksan ng pinto sa kotse. Talaga lang!

"Wala nga sabi-fine tsk."- tugon ko ng pandilatan niya ako sa mata. Talo talaga ako pagdating sa kapatid ko.

"She saw me kissing at the parking lot weeks ago, that's the first time we saw each other malay ko ba siya ang ate Ganda mo."- sagot ko nang ako ay makasakay.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now