CHAPTER 9

258 4 0
                                    

Nakapagtrabaho ako sa isang salon malapit sa palengke namin. Natustusan ko ang pangangailangan ng aking pamilya. Naging maganda ang trabaho ko doon at unti-unti kong nakasanayan ang mga iyon.

Nagsisimula rin akong mag desenyo ng mga damit.

Naging regular ako at nakasundo ko ang may-ari at mga trabahante. May naging suki ako, may mga naghahanap na sa akin dahil nagustuhan nila ang aking serbisyo. Lumaki ang aking sahod ngunit sapat lang para sa pangangailan namin, ni hindi ko maibigay ang kanilang mga gusto buti nalang at may mga mayayaman akong naging suki na binibigyan ako ng tip sa tuwing bibisita sila sa salon lalo na yong isang dalagita na talagang gustong gusto na ako ang gagawa sa kanyang kuko at pagkukulay ng kanyang buhok na talagang binibigyan ako.

"Ate ganda, alam mo may kuya ako bagay kayo hehehe."- sabi niya habang ako at kinukulayan siya ng buhok. Siya ang sinasabi ko.

"Nako Emily wag mo na yang e reto at may minamahal na 'yan. Samin nalang kuya mo. Ahmm."- sabi ng kaibigan kong bakla at nakipag appear pa sa kapwa nitong bakla. Yeah, they knew. Well, pinilit nila akong sabihin. Kasihudang hindi sila naniniwalang wala akong boyfriend sa itsura ko kaya napipilitan akong sabihin sa kanila. Mga walangya, napaamin ako ng di oras mga baklang to.

"Boyfriend mo?"- nakasimangot niyang tanong habang nakatingin sa akin gamit ang salamin.

"Hindi."- sagot ko.

"Ohhh cool. Pakilala ko sayo kapatid ko sooner."- nakangiti niyang sabi kaya nginitian ko siya.

"Ilang taon na ba ang kapatid mo beh?"

"28. He's turning 29 already tapos walang girlfriend."

"Ohh, why? Baka torpe?"-nakangiti kong tugon.

"No way! Hindi 'yon torpe, sadyang allergy siya sa commitment. Fling fling lang siya like that, ewan ko ba at kailan 'yon magbabago."-nakasimangot na naman niyang sabi. "Kaya nga gusto kitang ipakilala sa kanya at baka sayo yon mainlab."- nakangiti na niyang dagdag sa sinabi.

Napatigil ako sa aking ginagawa. Fling²?

"Paiba-iba ng babae?"-tanong ko dahilan upang mabaling ang atensyon ng mga bakla sa akin.

"Yeah, he's so babaero but don't get me wrong he is the best kuya ever. I can't ask for more. Talagang ayaw niya lang sa commitment."

"And, mga babaeng dinadala niya sa house di ko gusto napaka maarte and clingy kaya ni rereal talk ko. "-pairap niyang sabi.

"Just like him."- mahina kong sabi.

"What do you mean?"

"Uhhh, nothing. Just forget it."- sagot ko at nginitian siya.

Week passed, my routine is just the same. Trabaho, uuwi sa bahay, magtatrabaho ulit kinabukasan. I haven't heard about him already not even with Andrew. He's so busy and so I am. Lily is also busy hence we don't have time to bond. Ngayon nga hindi ko alam kong ano na nangyari kay Lily. Diko naman matawagan dahil di yon nag cellphone. Si Andrew naman, di na nadalaw sa bahay. Mukha sinisipagan talaga ang pag-aaral para kay Lily. Iba pag in love. Napangiti ako sa aking iniisip.

Napadaan ako sa parking lot ng mall. Usually dito ako dumadaan, di kasi matao less hassle. I was about to pass the parking lot when I heard a moan. What the hell is that? Hinanap ko kung saan nanggaling 'yon at agad napasigaw.

"AYY PUT*NG *NA!"- sigaw ko. Biruin mong naglaplapan sa parking lot? Ayy respeto naman, pero nagulat ako ng makita ko kung sino ang lalaking kaharap ko ngayon. Tila natigil ang pag-ikot ng mundo. Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. There's still pain. I'm still hurt. For so long, ngayon ko nalang siya nakita ulit and talagang ito pa makikita ko.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now