CHAPTER 28

190 2 0
                                    

Wala ako sa sariling lumabas. Pagod ako, hindi ko alam kung katawan ko ba ang napagod o ang isip ko. Nakayuko lamang ako sa gilid ng daan naghihintay ng masasakyan.

"Ate ganda! Yohooo, here!"- rinig kong sigaw. Napaangat naman ako at nakita ko siyang nakadungaw sa isang sasakyang nakaparada. Anong ginagawa niya? Lumapit ako at ngumiti.

"Hey, what are you doing here? And who's with you?"- tanong ko at bahagyang yumuko upang tingnan ang nasa loob pero nagulat ako.

"I know that...you don't want me to fetch you but... Emily's here is so makulit. Gusto niyang magpasama sayong pumili ng isusuot sa birthday niya."- paliwanag niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil sa pagiging conyo niya o malulungkot dahil hindi niya talaga ako susunduin dahil iyon ang sinabi ko.

Tiningnan ko si Emily at nakangiti na siya sakin. "Can you help me about that, ate?" I badly need help, you know I can't choose."- sabi niya.

"Ano....kasi-

"Please?"

Napabuntong hininga naman ako. "Sige." - sagot ko. Lumawak pa lalo ang ngiti niya.

"Kuya pagbuksan mo si ate ng pinto bilis. Hehehe."-sabi niya. Agad naman lumabas si Anthon para pagbuksan ako.

"Sigurado kabang ok lang sayong sumama?" - tanong niya.

"Oo, pero kung ayaw mo akong makasama ay ayos lang naman saking hindi sumama."- sagot ko.

"What? I didn't say that."

"Baka kasi may makakita satin don. Well, you can always deny me."-sabi ko.

"Angela-

"Just kidding. Buksan mo na ang pinto."- natatawa kong sabi. Sumunod naman siya kaya agad akong sumakay, muli pa akong bumuntong hininga tsaka ko ibinaling ang aking atensyon sa kanyang kapatid. "You want a gown or a dress?"- tanong ko kay Emily.

"I love gown, ate."- sagot niya.

"Then let's go for the gown."- sagot ko. Nag-usap lang kami ni Emily habang hindi naman umiimik si Anthon hanggang sa dumating kami sa mall.

"Can you go there first, princess?Mag-uusap lang kami sandali ng ate Angela mo."- Sabi niya, tiningnan ko naman siya.

"Ofcourse kuya, ate sumunod kayo agad ahh."- sabi niya kaya tumango na lang ako.

"Bakit?"

"I'm sorry for what happened this morning."

"Ayos na yon."

"You know, I'm taking it slow for myself."

"Ayos na nga. Sinabi ko namang ayos na yon diba?"

"Oo nga pero kasi...."

"Shhhh...ayos na wag mo nang intindihin 'yon ok?"- sagot ko. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. "Mahal kita at handa akong intindihin ka sa ano mang dahilan mo pero hindi ibig sabihin non ay hindi ako masasaktan. Masakit at patuloy akong masasaktan hangga't mahal kita, kaya kapag naulit 'yon sana hindi ko nalang marinig. You will deny me, it's ok. Just please, don't make me hear it when you deny me because it breaks my heart."-sabi ko. Ngumiti ako,
"Tara na, Emily is waiting."- dagdag ko tsaka binuksan ang pinto. I waited for him before I started to walk pero bahagya akong nagulat nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong kinuryente sa hawak niya. Kakaibang pakiramdam.

"Anong ginagawa mo?"

"Let me hold your hand."

"Sira ka ba? Baka may makakita satin dito."

"So? I said I'm taking it slow for myself then let me start on this one."- sagot niya at tsaka ngumiti. Iyong ngiting nakakabighani, iyong ngiting makapagpalingon ng mga kababaehan. Damn, if being that handsome is a crime then he'll be in prison right now.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now