CHAPTER 19

250 2 0
                                    

Nang magising ako kinabukasan ay agad akong yumakap sa tabi ko ngunit napadilat ako ng wala akong makapa.

Luminga ako pero wala siya sa loob. Muli akong tumingin sa kama at napangiti.

Nandon ang bakas ng kanyang pagiging puri. Hindi ko alam kung bakit ako masaya sa isiping iyon pero masaya ako at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Nagbihis ako at nakangiting bumangon.

"Good morning sunshine!" sabi ko. Damn, nababakla ako.

It's 9 am already, marahil nasa labas siya nagluluto, muli na naman akong napangiti. Dali- dali akong lumabas pero natigilan ako dahil maging sa sala ay wala siya.

"Where the hell is she?" -nakakunot noo kong tanong sa sarili.

Dali-dali akong bumalik sa kwarto para maligo ngunit may nahagip ang mata ko na isang note na nakapatong sa bed side table.

"Don't look for me, in case you will. Consider it as a one night stand just like any others girls you had before. And in case we see each other please act like there's nothing happened between us."

Sumama ang mukha ko matapos kong basahin ang note na iniwan niya.

"Act like there's nothing happened? Sure, gawain ko naman 'yan eh."- sabi ko matapos kong lukutin ang papel at itinapon iyon sa kung saan.

Naligo ako at nagbihis.
"Damn, stop thinking of her!" -singhal ko sa sarili ko.

***

"Hey guys, is Angela's here?"- nakangiti kong tanong nang makarating ako sa Beauty Salon. I can't accept na ganon ganon nalang 'yon. Sh*t, hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa, mukha akong naghahabol.

"Owwweemmji, hi fafa. Sayang di pumasok si Anghel eh."

"Bakit daw?"- nakangiti kong tanong bagaman alam ko na kung bakit.

"Masakit daw katawan niya ehh, ewan ko ba at ano nangyari 'don."- maarte nitong sagot.

"Ohh thank you guys. Btw, nagpalit ba siya ng number?"

"Actually nanakawan siya ng phone last week, di pa siya nakakabili ng bago."- sabat noong isa.

"Nanakawan?"- pag-uulit ko habang tango lang ang kanilang sagot.

"Bakit nga mo pala siya hinahanap? I can tell her when she get back to work."- suhesyon noong isa.

"Ahh nothing, thank you guys. Have a nice day a head."- paalam ko at agad umalis. Buti nalang may pagka pormal iyong mga baklang iyon hindi ako nahirapan masyado.

Napagdesisyonan kong dumaan muna ako sa mall bago siya puntahan sa kanilang bahay. Now, I can't fucking imagine myself doing this.

"Ahh, good afternoon po nay pwede po ba ako magtanong?"- nakangiti kong sabi sa babaeng may edad na.

"Ano 'yon iho?" - sabi niya.

"Kilala niyo po si Angela? Dito po kasi daw ang kanilang bahay hindi ko lang alam kung saang banda."- kwento ko. Tiningnan niya ako at sinuri.

"Bakit, ano pong kailangan niyo sa kanya?"

"May importante lang po sana akong sadya sa kanya."-magalang kong sagot.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now