CHAPTER 32

205 1 4
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga rin akong naghanda, hindi naman ako ganon ka excited eh, medyo lang. God, that's Palawan! And I'll be spending my two days with him alone. Nagdala ako ng mga damit na sa tingin ko ay babagay sa lugar na iyon at sapat sa dalawang araw. Nagdala na rin ako ng extra, in case may abirya. Syempre nagdala rin ako ng two piece. I got it from Lily. Damn! She's so excited for me to wear it. Sinadya pa niya akong bilhan ng ganon kahit hindi ko naman magagamit. Well, sa tingin ko ay dapat akong magpasalamat sa bestfriend ko. Kung hindi niya ako binilhan ng maraming two piece ay wala sana akong isusuot pang swimming and it is very awkward and shameful if I wear t-shirt and shorts.

Quarter to 5 nang tawagan niya ako.

"Hey, good morning. Nasa labas ako ng bahay niyo, ready kana ba?"

"Good morning, oo bababa na ako. Paalam lang ako kila mama at papa sandali." Sagot ko.

"Hmm, I'll wait you here."

"Sige." Sabi ko. Agad akong nagmadali. Dinaanan ko muna sila mama sa kwarto para magpaalam.

"Ma? Pa? Alis napo kami." Paalam ko.

"Mag-iingat kayo. Tawagan mo kami pagkarating niyo doon." Sagot ni mama.

"Opo ma." Sagot ko tsaka ako bumaba.

"Pababa na ako."

"Hmm, I can hear your footsteps." Sagot niya at narinig ko pa siyang maghikab kaya napangiti ako. Nagmadali akong lumabas at nang buksan ko ang pinto ay nag-aabang na siya kaya agad kong pinataya ang tawag.

"Good morning ulit." Sabi niya.

"Morning, tara na?" Tanong ko tsaka siya tiningnan ngunit tinitigan lamang niya ako.

"Bakit?" Tanong ko pero ngumiti lamang siya at umiling. Kinuha niya ang bag ko at siya na ang naglagay sa likod ng kotse. Binuksan niya ang passenger seat at inalalayan akong sumakay. Anong nangyari sa kanya? Pagkasakay niya ay agad niya akong binalingan.

"Where's my good morning kiss?"

Nagulat ako. "Ehh?"

"Where's my kiss?"

Hanep inulit pa.

"Wala sakin yong kiss mo." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Tsk, nasa labi mo." Sabi niya at agad hinawakan ang baba ko at hiniharap sa kanya.

"Now, kiss me." He commanded. Pakiramdam koy sobrang init ng mukha ko buti nalang at madilim pa kaya hindi masyadong halata. Jusq bakit naman siya ganyan?

"Bitawan mo ako sasapakin kita." Sabi ko, napasimangot naman siya.

"Ang aga-aga sadista ka. Halikan mo 'ko." Sagot niya, putek nato ang awkward.

"Eh... b-bakit ako?" Kinakabahan kong tanong.

"Bakit hindi ikaw?" Tanong niya rin. Umiling ako.

"Ayaw ko nga." Sagot ko at iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Loko to, bakit ako pinapahalik niya? Ipapakain ko kaya itong kamao ko? Isinuot ko ang seatbelt ko, nanginginig pa ang aking kamay dahil sa lamig at kaba. Sino ang hindi kakabahan, bigla-bigla nalang naghihingi ng halik jusko naman.

"Ready?" Tanong niya.

"Hindi dahil hindi kita hahalikan." Agad kong sagot, bigla naman siyang natawa.

"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin eh. Tinatanong ko kung handa ka na ba at aalis na tayo." Natatawa niyang sabi. Napanguso ako. Nag-iinit ulo ko sa isang to. Pati mukha ko pakiramdam ko'y nag-aapoy ako.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now