CHAPTER 40

169 2 0
                                    

"You guys are coming? C'mon, Lily! Masyado ka nang nagmumukmok diyan sa mansion niyong bahay, pati ba naman pagpunta dito samin for dinner ayaw mo akong pagbigyan? Hayss nakakapagtampo kana."

"Hoyy! Naka drugs kana naman ba?" Sagot niya dahilan para mapasimangot ako.

"Salbahis ka talaga kahit kailan, panira ka ng trip."

"Kalog ka naman kahit kailan. Hindi pa nga ako nakakapagsalita eh ganyan na sinasabi mo, kaloka." Sabi niya at alam kong nakahawak na siya sa kanyang bewang habang sinasabi niya ito.

"Hehehe sorry, anyway pupunta ka or pupunta ka?"

"As if I have a choice. "

"Oo nga naman, wala kang choice hehe. Dalhin mo asawa mo ah. "Sabi ko. Plano ko talagang gawin 'to matagal na kaso palaging walang oras.  I want to formally introduce him to someone I valued the most.

"Bakit?"

"Anong bakit, Lily? Pupunta ka kaya dapat ding pumunta ang asawa mo. Ang lagay niyan ay ikaw lang makakain sa masarap na luto ko tapos ang asawa mo hindi? Abay, hindi pwede yan." Pagmamalaki ko.

"Duh, as if naman masarap yong luto mo."

"Aba, sabihin mong hindi?"

"Hehe, biro lang. Bakit nga?"

"Anong bakit nga?! Magluluto nga kasi ako kaya dito na kayo maghapunan."

"Oo nga alam ko ano ka ba, ang ibig kong sabihin eh bakit ka magluluto! Anong meron ah?"

"Wala, gusto ko lang magluto hehe."

"Ahhh, do you think you can lie to me again?"

"Ahh, hinawaan kana ng asawa mong englishero kaya nag Eenglish kana sakin."

"Ayy talaga? As if naman hindi ka nag Eenglish kaharap iyang jowabels mo." Sagot niya dahilan para matawa ako. Hindi talaga siya magpapatalo HAHAHA but I admire her for being like that. She's a fighter, yes!

"Okay dai Lily dai! I'll expect you guys tonight okay?

"Sure, we'll be there. See you."

"Yes! See you! I'm so excited!" Sigaw ko.

"Hoy babae! May kailangan kapang ipaliwanag sakin!" Sigaw niya sa kabilang linya dahilan para mapapikit ako.

Shit! Ayan na!

"Hehe anong ipaliwanag? Wala akong ginawa beh?"

"Ah talaga? Sige, hindi pala kami pwedeng pumunta may gaga-"

"Fine! Huhuhu, ang salbahis mo talaga." Napasimangot kong sabi na sinagot niya lang naman ng tawa.

"You know that I'm happy for you right?"

"Lily..."

"I'm so happy for you, Angela. As long as you're happy, it's okay. Hindi ako nanghihingi ng explanation mo kung bakit siya, I just want to know your story, you know chismosa thing?"

"Yon ohh, umamin din!" Sagot ko pero naluluha ako. Tumawa naman siya.

"I'll see you later okay, I love you." She said.

"See you and I love you too beh! Bye!" Sagot ko tsaka ko pinatay ang tawag.

Napangiti ako. This will be fun for sure.

"Anong oras sila darating anak?" Tanong ni mama.

"Mamaya pa ma, dinner yong sabi ko eh alas 2 palang." Sagot ko kaya natawa siya.

"Oo nga pala."

*****

"Baby, just eat your dinner later okay? Wag mo na akong hintayin, hindi ako sa bahay maghahapunan. " Sabi ko sa kapatid ko. Kailangan kong magpaalam dahil alam kong maghihintay siya sakin.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now