CHAPTER 36 (First Date)

198 2 0
                                    

"What's with the face?" Natatawa niyang sabi. Inambahan ko lang siya ng suntok mabilis naman siyang napailag.

"Bakit hindi mo man lang sinabi na pangalan pala yong ano...yong... basta yong pangalan ng babaeng yon." Iniwas ko ang paningin ko kunwari tumingin ako sa dagat. Nakakahiya talaga. May paiyak-iyak pa ako.

"Anong pangalan niya?" Tiningnan ko siya ng masama.

"Ohh bakit? Ano bang pangalan niya?"

"Honey!" Nakasimangot kong sabi.

"Yes Honey?" Sagot niya. Napamaang nalang ako. Ok na sana eh, smooth kaso nakakainis yong mukha niya.

"Ewan ko sayo."

"Ok, I'm sorry. Please, don't make it hard for me. This my first time setting a date and I need a help from a friend you know, this is not my thing." He explained. Bigla naman akong nakonsensya. I should be more appreciative. He's Anthon, everything he does right now is out of his line. Maybe I'm lucky, in some aspect.

"Sorry." I replied. He smiled and offered his hand. Tiningnan ko ang kamay niya bago ko iyon tanggapin.

"I don't know what do so I asked her to help me." Tumango ako, nahihiya. Dinala niya ako sa isang cabin at bumungad sa akin ang isang naka set-up na mesa. May mga kandelang nakasindi at isang bugkos ng rosas na kagaya nang natanggap ko kanina. May nakatakip ding hula ko ay mga pagkain. Hindi rin ganoong kaliwanag ang lugar dahilan upang maging romantic itong tingnan. Napakaganda at parang hinaplos nang ilang ulit ang puso ko. Dahil sa ginagawa niya ay mas lalong nahuhulog ang aking loob. Hinihiling ko lang na sana, simula na ito nang kanyang pagbabago. Na tinupad niya ang sinabi niyang gusto niyang magbago para maging karapat-dapat sa pagmamahal ko.

Sana nga dahil mas masasaktan ako kung sa bandang huli mababaliwa lang ang lahat ng ito.

"Do you like it?" Tanong niya. Tiningnan ko siya at ngumiti.

Tumango ako ng ilang ulit bago sumagot. "Nagustuhan ko, salamat ang ganda." Sagot ko. Napangiti naman siya.

"Glad to know that. Shall we?"

"Okay." Sagot ko. Akala ko ay uupo na kami ngunit bigla nalang akong nakarinig ng tugtog at namalayan ko na lamang na nakahawak na pala siya sa aking bewang upang ako ay isayaw. I don't really know what happened, I am on a date with him. A man who doesn't know about this thing. A man who doesn't know how to please a girl. A man who can get a girl without a mere effort.

Nakatitig siya sakin at para akong tinutunaw sa paraan niya. Walang nagsasalita sa pagitan namin at parehong dinamdam ang pagkakataon hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"Your eyes...." he said. Naguluhan naman ako.

"Huh?"

"I can see a lot of emotion in your eyes. It's so beautiful. " Dagdag niya.

"Talaga? Anong emosyon naman?" Tanong ko at ngumiti.

"Pagkamangha, pagmamahal, saya, lungkot at pag-aalinlangan." Sagot niya. Napalunok naman ako. How can he say that?

"I don't know how to remove all the doubt you're feeling right now...." He said. Inikot niya ako at napunta kami sa posisyon na nakayakap na siya sakin sa likod habang sumasayaw parin.  "But.... can you trust me?" He added.

"Please......, don't ask me to trust you. Let me trust you instead. Trust should be given and should not be ask, Anthon" mahina kong sabi. Ipinatong niya ang baba niya sa aking balikat. Though I'm saying it, I know to myself that I'm slowy trusting him. The fact that I'm holding on to the idea that he'll change, I already exerted trust in him. I hope he will not disappoint me and I hope....I will never regret trusting him.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now