CHAPTER 11

220 3 0
                                    

Naka pagmessage ako ng di oras, kinakabahan man ay nagawa kong maging maayos ang pagsasalita ko at muntik pa akong magkalat.

Matapos kong magsalita at mabati ng maayos ang best friend ko ay agad akong naglakad papunta sa bartender upang uminom ng wine. Tila kinakapos ako ng laway sa ginawa ko gayong nagsasalita lang naman ako. Kanina ko pa napapansin ang mga titig ng mga tao lakip na ang pagtitig ni Anthon sakin. Hindi ako komportable, hindi ko man siya tinitignan subalit ramdam ko ang lalim ng kanyang titig na tila umabot sa kaibuturan ng aking puso.

Nakakapanibago, nakakailang. Tila nagbago ang ihip ng hangin. Noon ay ni anino ko hindi niya napapansin. Ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Para akong invisible sa kanya pero ngayon ay nakakailang. Naiilang ako sa mga titig niya bagaman nagugustuhan iyon ng puso ko.

Hindi ko na siya namataan sa kanyang pwesto kanina kaya nakakahinga na ako ng maluwag. Para akong nasa crowded na lugar, nakakahingal. Para akong sumali sa karira, marahil ay dahil ito sa lakas ng tibok ng puso ko na tila naririnig ko pa kahit may malakas na tugtug sa paligid. Kakaibang tunog napakalas, dumadagundong sa aking dibdib.

"Kuya, pahingi ng drink please. Hoh! Nauhaw ako 'don ahh, nakakauhaw pala pag kinakabahan? Tsk."- agad kong sabi ng ako ay makalapit sa counter. Agad naman akong binigyan ng inumin kaya agad ko itong ininom. Napapapikit pa ako sa sarap sa pakiramdam bagaman mapait-pait ito.

"I know how you can get over with it, and it's not a drink."- naistatuwa ako sa aking kinauupuan, hindi ako nakagalaw at tila natigil ng ilang segundo ang aking paghinga. I know that voice. Hindi ako pwedeng magkamali. Shit bakit di ko siya napansin, jusmeyoo ito na naman yong kaba sa puso ko na tila galing ako sa karera ng takbo. Tila parang hinahabol ako ng mga kabayo. Huminga ako ng malalim bago ako bumaling sa kanya ng dahan-dahan.

"And what is it?"-pormal kong tanong.

"Kiss me and you'll know."-sagot niya dahilan upang matigilan a awko. Did I heard it right? Kiss? Ekikiss ko siya para malaman ko? WAHHHHH! Stop it Angela, walang patutunguhan yang kaabnoyan mo. Wag kang kiligin, ganyan din mga sinasabi niya sa iba. Wag kang magpapadala sa mga nakakaakit at matatamis niyang salita. Wag na wag.

"Baka gusto mong e kiskis ko yang mukha mo sa semento? Mas maganda yata 'yon, ano sa tingin mo?"- nakangisi kong sabi habang nilalaro ang baso sa aking kamay tsaka ko dahan dahang ininom. Kung di lang ako nagpipigil ay kanina pa ako nakangiti. Ako hahalikan niya? Walangya, ayaw kong mag assume. As far as I remembered, babaero parin siya. At ako ang talo kapag ipinagpatuloy ko tong nararamdaman ko. Ngunit sa di ko inaasahan ay bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin na halos magkadikit na ang aming mga ilong. Nagugulat man ay nakikipaglaban ako ng titigan ngunit hindi ko napanindigan at ako ang unang umiwas. Nice Angela, you can't make it. You can't.

"You know what, 'yan ang gusto ko sa isang babae palaban."- nakangisi niyang sabi ng siya ay aking tingnan. Magkalapit parin ang aming mga mukha. Ngumisi ako at binasa ko ang aking labi at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking kamay. Habit ko na to pag nagyayabang ako. Buang, kala niyo kayo lang marunong magyabang?

Naapektohan man ako sa presence niya ay di ko pwedeng ipapahalata mahirap na ma take advantage. Oo nga't gusto ko siya pero no way.

Nakakadistract din ang kanyang mapupulang labi at nag-iba ang pakiramdam ko sa init ng kanyang hininga maging ang amoy ng alak ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. Hindi nato normal, abnormal na yata ako. Kay simpleng bagay naaapektuhan ako.

"Suntok gusto mo?"-sabi ko at inilapit ko ang aking kamao malapit sa baba niya dahilan upang siya ay lumayo habang natatawa. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Wala ka sigurong boyfriend ano?"- natatawa niyang tanong.

"And how do you say so?"-nakataas kilay kong sagot.

"Napakasadista mo kasi."

"Napakababaero mo naman."

"Maldita ka naman."

"Atleast hindi nagpapahalik sa parking lot."- singhal ko. Bwesit na buhay.

"Atleast hindi 'yon nananapak."

"Aba'y gusto mo sapakin kita ngayon na?"- nawawalan ko nang pasensyang sabi. Aba'y gusto kita pero kaya kitang sapakin baka sakaling magbago ka.

"Hey, easy lady. Nawawala poise mo."- natatawa niyang sabi. Buang ka.

"Wala akong pakialam sa poise² na 'yan. Pag ako napikon, makakatikim ka sakin."- nangingiti kong sabi as if ok kaming nag-uusap.

"Parang gusto ko tuloy'ng pikunin ka lalo."- nanlaki ang aking mga mata nang marealize ko kung ano ang ibig sabihin ng kanyang sinabi.

"Gagu."-sabi ko at agad siyang tinalikuran  matapos kong ilapag ang baso. Gago talaga. Yan, ganyan lang habol niya sa mga babae. Makakatim lang tapos na.  He is a playboy Angela, what do you expect? For pete's sake, stop it. Stop as long as you can.

Tumingin ako sa paligid. May nagsasayawan na, nagkakasiyahan ngunit parang naiiyak ako kaya pumunta muna akong restroom at doon ako naiyak.  This is shit! Why I am even crying? Why the hell I am crying? Damn, I'm fuck up.

Nang mahimasmasan ako ay inayos ko ang aking sarili. Hindi ko ito matatakasan lalo pa ngayon at kaibigan siya ng asawa ng kaibigan ko.

Napakaliit ng mundo, gayong sinusibukan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya ay siya namang pinipilit ng panahong magkita kami. Tila sinasadya ng pagkakataon na magkita kami at talagang sunod sunod pa. Kapatid pa siya ng customer ko na siya namang gustong gusto ako para sa kuya niya.

Lumalalim na ang gabi at lahat nag eenjoy. Diko na mahagilap si Lily kaya minabuti kong magpahinga na gayong nahihilo na ako. Nalasing yata ako. Pagbalik ko kasi galing sa restroom ay uminom ulit ako ang kaso hindi ako sanay sa inuman kaya mabilis akong nalasing.

"Ma'am Angela, ok lang po kayo?"- sabi ni Nanay Nelly nang mapahawak ako sa hawakan ng hagdan. Nasapo ko ang aking noo dahil parang umiikot ang mundo.

"May lindol po ba manang? Hek-hek!"

"Nako kang bata ka, ba't naglasing ka. Walang lindol. Hay nako naman. "

"Manang umikot kashi ako k-kala ko may lindol hehehek."-napapapikit ko pang sabi. Ewan ko nalang sa mga nakatingin sakin, bahala sila. Nahihilo na talaga ako, gusto ko nang humiga.

"Manang p-pwede niyo po...po ba akong dalhin sha guest room? Magtutulog na muna ako hehehe, mukha yatang nalashing na ako ehh."- sabi ko. Alam ko ang mga nangyayari pero di ko makontrol ang pananalita ko. Pati katawan ko ay pagiwang giwang, kung walang hawakan siguro ay humandusay na ako.

"Ohh siya sige mabuti pa nga at ng mahimasmas-"

"Nay ako na pong bahala sa kanya."-rinig kong sabi ng isang lalaki sino kaya to. Idinilat ko ang aking mga mata at napangiti.
Ang gwapo.

To be continued,

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now