CHAPTER 12

213 4 0
                                    

WARNING: MATURED CONTENT AHEAD!🤔

"Nay ako na pong bahala sa kanya."- sabi ko. I was watching her kanina pa. Uminom ng mag-isa, yong best friend niya busy sa mga bisita kaya di nasasamahan. Hindi ko alam kong bakit tila inaagaw niya ang aking atensyon. Ayaw ko namang lapitan siya pero parang may sariling utak itong paa ko.

"Kilala mo siya apo?"

"Opo Nay, actually friend siya ng kapatid ko."- nakangiti kong sabi.

"Manang, di ba ang g-gwapo niya? Hehehe di ba manang?"- napapangiting sabi niya.

Napapailing ko siyang tiningnan. Ano bang problema ng babaeng ito at umiinom ng ganon karami?
Para bang hiniwalayan ng boyfriend. Ayy teka, may boyfriend kaya to? Napakasadista eh, wala sigurong tumatagal nito.

"Nakong bata to, lasing na nga talaga. Ohh sige, paki alalayan nalang siya apo at nang makapagpahinga na siya. Mukhang busy si Lily eh, ipapaalam ko na lamang sa kanya na natulog na ang kanyang kaibigan sapagkat nalasing."- sabi ni Nanay Nelly.

"Sige po Nay, ako napong bahala sa kanya."- sagot ko at bumaling kay Angela. Tinitigan ko muna siya. Nakapikit parin siya habang nakahawak sa kanyang ulo. Namumula na ang kanyang mukha at medyo magulo na ang kanyang buhok. Sige inom pa dae.

"Bakit ka ba kasi nag lasing?"- tanong ko. Inilagay ko ang kanyang kamay sa aking batok at hinawakan ko siya sa kanyang bewang upang alalayan. May kakaiba akong nararamdaman pero ibinabaliwala ko lamang.

"A-ano bang paki m-mo? At hindi ako... ako lashing, hek."- sagot niya at hinampas ako sa dibdib gamit ang kanyang walang lakas na kamay. Tsk, kita mo kahit lasing sadista parin.

"Hindi daw lasing."- bulong ko.

"Hindi nga shabi. Hoi ikaw, alam mo bang nashashaktan.. ako?"- sabi niya at itinuro ako.

"Bakit? C'on let's go upstairs, ihahatid kita sa guest room."- sabi ko at muli siyang inalalayan.
Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa gayong wala akong responsibility sa babaeng ito at hindi pa naman kami ganking magkakilala.

"Bakit mo...to g-ginagawa?"

"Ahh, kasi naaawa ako sayo. Mukhang kasing kailangan mo ng tulong. "

"Wag m-mo akong hawakan, hindi...... hindi ko kailangan ng tu...long."

"Hey, baka mahulog tayo. Hey, stop it."- suway ko ng marahan niya akong inilayo sa kanya. Anong problema nito, siya na nga tinutulungan eh siya pa ang may ganang magalit.

"Di... di ko kailangan ng awa. Lalo na galing sha..yo."- iling-iling niyang sabi.

"What? Let's go, wala ka namang choice."

"Ayaw."- napabuntong hininga ako. Wala akong choice kundi buhatin siya.

"Di ko sabi-wahhh umikot na... na naman ako." - sabi niya at napatakip ang kanyang kamay sa kanyang mukha. Natatawa ko siyang binuhat habang siya ay likramo ng likramo dahil nahihilo daw siya.

"Will you stop hitting me? Tsk, pag di ka titigil hahalikan kita."- pagbabanta ko. Napakasadista talaga.

"No, ga..lit ako shayo!"- sigaw niya, nangunot naman ang aking kilay. Galit? Sa anong paraan? May ginawa ba ako?

"But why?"

"Cheee, babaero!"- sabi niya kasabay ng pagpasok ko sa kanya sa guest room.

Falling In Love To A Womanizer | OngoingWhere stories live. Discover now