Chapter 1

21.3K 384 96
                                    

Warning: Sobrang daming mura.
-

"Shit!" Mura ko dahil pinapaulanan ako ng bala ng kung sinong demonyo.

Nagtago ako sa likod ng kotse. Hingal na hingal ako dahil kanina pa ako tumatakbo, nagtatago, at may sinusundan, lakad takbo ang ginagawa ko matunton lang ang mga hinayupak na mga taong 'yon.

Kailangan nilang magbayad. Kailangan nilang makulong! Sobrang laki ng kasalanan nila sa akin.

Hindi ako pulis. Muntik lang maging pulis pero hindi ako naging pulis.

Pero kahit na ganon, gusto kong gumawa ng isang bagay na pwede kong pagsisihan sa huli o hindi kaya ay pwede kong masabi sa sarili ko na 'good job, Ria. May nagawa kang matino.'

Nanggigigil pa rin talaga ako sa ibang mga pulis na sobrang tagal umaksyon. Oh hindi kaya ay porke mahirap, minsan binabaliwala nalang. Katulad ng nangyari sa amin. Case closed daw dahil walang makalap na matibay na ebidensiya para makulong ang mga hinayupak, naiintindihan ko naman iyon pero may mali eh, paano nila nasabing case closed kung hindi man lang nila sinubukan ang lahat ng makakaya nila para humanap ng ebidensiya! Parang noong nagsumbong kami sa kanila, wala man lang ginawang aksyon tapos malalaman ko lang na tapos na ang kaso? Kaya heto nga ako ngayon, binubuwis ang buhay ko! Makakuha lang ng concrete evidence para madiin ang mga lecheng 'to.

Matagal ko na silang hinahanap. Hindi ko alam kung paano siya nagkaroon ng konesyon sa kanila gayong masasamang tao sila at papatunayan ko iyon. Papatunayan ko rin na sila ang may gawa sa  kanya.

I don't care if I risk my life. I want justice for him.

"Hanapin niyo!" Rinig kong sigaw ng isa.

Sa totoo lang, sobrang mali at napaka-delikado itong ginagawa ko. Pero bahala na. Para sa kaniya, gagawin ko ang lahat.

"Fuck! Sinong tao naman ang nangialam sa mga plano ko? Paanong nakarinig ang mga hinayupak na tauhan ni Salvatore at Nikolay?!"

Nagitla ako sa mga taong narinig kong nagtatago rin sa mga taong pinapaulanan kami ng baril. Tatlong kotse ata ang pagitan namin.

"Hindi ko rin alam, boss. Hindi ko nakita ang mukha. Nakasuot lang ito ng itim na hoodie jacket, itim na mask, itim na pantalon at sapatos."

Bigla akong sininok! Tinakpan ko ang bibig ko. Tinignan ko rin ang suot kong hoodie at lahat lahat ng suot ko, tumpak sa description ni kuya. Shit ako ba ang tinutukoy nila?!

"Isang tao na nga lang, hindi niyo pa nahuli?!"

"Sorry Boss, matinik eh."

Habang nakayuko at naka-bend ang mga paa ko at patuloy pa ring nagtatago humakbang ako paatras.

Eh tangina, tumingin lang sila sa kanan nila makikita na nila ako!

Sino ba sila?!

"Hanapin niyo! Huwag na huwag kayong babalik sa hideout hanggat hindi niyo nakikita ang taong 'yon. He should be punished for ruining everything I've planned tonight!"

Tumango lang iyong kasama niya.

Hanggang sa nakita ng mga taong hinahanap ko ang pinagtataguan ng mga taong nag-uusap na kasama kong nagtatago.

Shit.

Nagbabarilan na sila ngayon at patuloy pa rin akong nagtatago baka matamaan ng bala.

Inilabas ko ang cellphone ko para sana kuhanan ng video. Pwede nang maging ebidensiya 'to kung sakali.

Ngunit sa kasamaang palad!

Umilaw ang flash ng cellphone ko!

Double shit! Tangina. Agad akong nagtago ulit sa likod ng kotse.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon