Chapter 18

4.9K 224 37
                                    

Bumaling ako sa kinaroroonan ng dalawa at nandon pa rin sila sa malayo. Kumaway sa akin si Daryl at ganon din ako.

"Pst. Aso! San ka galing ha?" Tanong ko sa aso na akala mo naman ay sasagot. Hinimas ko ang ulo niya, lumapit siya sa akin at dinilaan ang pisngi ko.

"Ikaw ah, tsansing ka. May iba pa bang tao rito sa isla bukod sa amin huh?" Tanong ko ulit. Tumahol siya.

Tapos tumakbo siya papalayo, napatingin ako doon sa dinaanan namin kanina. May papalapit. Sigurado akong si Maksimillian 'yon. Tumayo ako at tumingin don sa aso, doon na rin ako tumakbo at sinundan ang aso.

"Hoy, teka lang! Hintayin mo 'ko!" Sigaw ko.

Pumasok kami sa mapunong parte ng isla. Hindi na tumatakbo ang aso ngayon kundi naglalakad nalang kaya naabutan ko.

Napansin ko ang buong lugar, parang wala naman talagang ibang nakatira kundi kami kasi puno halos ang makikita. Pero saan nanggaling 'tong aso?

Nawawalang alaga ba ni Maksimillian? Eh sa yaman non mag-aalaga ba siya ng ganitong aso? Wala naman atang breed eh.

Tapos kung mag-isa lang 'tong aso, paano 'to nabuhay?!

Tangina.

Bakit ko ba pino-problema 'tong aso? Kailan pa ako nahilig sa aso?!

Pero hindi naman iyon ang pinupunto ko. Gusto ko lang malaman kung may iba pa ngang tao sa islang ito. Kasi kung oo, bakit nagsinungaling sa akin si Maksimillian? Ah baka kasi kapag nalaman ko tatakas ako. Pwede rin.

Pero sa napag-usapan namin, wala na akong balak tumakas. Maayos naman na ang tinitirhan nila Nanay, Tatay at Aga, may nagbabantay din sa kanila, mayroon din silang allowance. Ayokong magka-utang ng loob kay Maksimillian kaya itong pangi-ngidnap niya sa akin, iniisip ko nalang na dinala niya ako rito para magtrabaho at para naman maging safe ang pamilya ko pagkatapos nitong gulo na hindi ko alam kung paano nabuo.

Medyo malayo na ang narating namin ng aso, lakad takbo kasi kaming dalawa. Sinusundan ko lang naman siya.

At doon ako nakarinig ng mga nag-uusap. Nanlaki ang mga mata ko. May tao! May ibang tao sa isla!

Tumago muna ako sa isang puno, habang yung aso ay dere-deretsong naglakad doon sa mga kalalakihan. Nakasilip lang ako at tinitignan sila.

"Dog san ka galing? Kapag ikaw nahuli ni Boss lagot ka." Lumuhod ang isang lalaki, siya ata ang may ari sa aso.

Lumingon si Dog sa kinaroroonan ko. Bigla akong nagtago. Kinabahan ako, bakit may balak atang ipahamak ako ng asong 'yon!

"Doglas anong mayroon?" Tanong ng lalaki kay Dog na para bang napansin kung bakit tumingin sa gawi ko ang aso.

Shit. Well trained ata ang asong 'yon?!

Narinig ko ang mga tuyong dahon na naapakan nung lalaki habang papalapit sa akin, sumiksik ako sa puno at pumikit.

Pero nakahinga nalang ako ng maluwag nang may tumawag sa kanya at agad naman siyag pumunta doon.

Bakit feeling ko mamamatay na ako? Sino ba sila?

Naghintay lang ako ng ilang segundo bago ko tinanggal ang tsinelas na suot ko tapos walang ingay akong naglakad at tago sa mga puno para silipin kung anong meron.

Para na naman akong spy sa ginagawa ko. Pero na-miss ko 'to!

Nang magkaroon ako ng malinaw na visual at doon ulit nanlaki ang mga mata ko. Sa tingin ko ay nasa kabilang parte na kami ng isla, nakikita ko na kasi ulit ang dagat sa gilid. Ganon ba kalayo ang nilakad ko at hindi ko napansin? O malapit lang talaga? Hindi ko mawari.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon