Chapter 19

5K 240 24
                                    

Laglag ang balikat kong naglalakad habang nasa gilid ko ang dalawang may hawak ng braso ko. Nakatulala lang ako at nakatungo sa lupa. kasalanan ko naman eh kung bakit ako nasa sitwasyong ito. Pero hindi ko naman kasi inaasahan na may mangyayaring ganito.

Ang ini-expect ko kung sakaling may ibang tao ay katulad ng mga indigenous people. Mga mababait, mga matutulungin kapag may ibang tao silang nakita. Iyon bang pwede nila akong ayain sa loob ng kanilang tirahan, pakainin at kwentuhan. Tanungin kung anong ginagawa ko rito sa maayos na paraan.

Pero kabaliktaran iyon sa nangyari sa akin dahil iba ang nakita ko, iba ang sumalubong sa akin.

Tumigil sa paglalakad ang mga taong nasa harapan namin at hindi ko na magawang iangat ang ulo ko.

Ang dami-dami ko kasing iniisip kung anong gagawin nila sa akin. Papahirapan ba nila ako? Tototure-in? Tapos papatayin pagkatapos?

Paano na ang pamilya ko?

Tangina kasi parang double kidnap 'to ah!

"Boss." Narinig kong bati ng isang lalaki.

"May nakita kaming babae, sa tingin ko ay ispiya at nanganganib--" Tumigil ang lalaki sa pagsasalita.

May dalawang pares ng paa na suot ang itim na tsinelas sa harap ko.

Hindi pa rin ako nag-angat ng tingin. Tumitig lang ako sa paa na parang ito na ang huling araw na makakakita ako ng paa na suot ang pamilyar na tsinelas.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na iniangat ang ulo ko.

Para akong estatwang nakatingin lang kay Izmael Maksimillian Kinsley.

Nandito siya!

At...

Sobrang sama at talim ng tingin niya sa akin. Igting ang panga at madilim ang mukha.

Galit.

Hindi. I mean...

Galit na galit.

Sumenyas siya sa dalawang may hawak sa akin at tinanggal ang kanilang pagkakahawak sa braso ko.

Hindi ko alam kung bakit para akong naiiyak. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero para siyang tagapagligtas ko sa mga oras na ito.

"M-Maksimillian..." Bigkas ko. "A-anong..."

Pero mas nakakatakot talaga ang uri ng tingin niya sa akin kesa sa mga pinag-iisip kong gagawin nila sa akin kanina.

"Let's go home."

"B-Boss kilala niyo ang babaeng 'yan?" Pareho kaming tumingin doon sa nagtanong.

Tumango lang siya pagkatapos ay nilayasan namin sila. Wala ni isang kumontra. Para lang namin silang dinaanan. Katulad ko ay para rin silang nahihiwagaan sa nangyari.

Boss?!

So ibig sabihin alam niya ang nangyayari sa isla na 'to? At siya ang Boss nila?!

Naglalakad kami ngayon, hindi ko napansin na nasa tabi rin namin sila Daryl at Green na tahimik lang din.

Binawi ko ang kamay kong sobrang higpit ang pagkakahawak niya.

Tumigil siya at tumingin sa akin. Ganon pa rin. Galit na galit pa rin.

"Nasasaktan ako." Sabi ko.

Sinuot ko rin ang tsinelas na nasa braso ko kanina. Nakita ko ang paa, binti, tuhod at mga hita kong sobrang dumi at sobrang daming sugat at mga gasgas. Dahil siguro sa pagtakbo at ilang beses kong pagbagsak kanina. Kahit nga mga damit ko ay sobrang dumi akala mo kung nahulog sa kanal eh.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon