Chapter 25

5.3K 277 107
                                    

"We're going to stay here for three days, after that we'll move to the next country."

Umawang ang labi ko sa sinabi ni Maksmillian. Ibig bang sabihin non, pupunta kami sa ibang bansa ulit as in sa ibang bansa?

"Teka akala ko ba gagawa tayo ng plano?" Tanong ko. Umiling siya.

"I really captured you in order to not ruin again my plan. Babalik ako sa Pilipinas after five days, settle everything habang wala ka and you'll be with Daryl and Green while I'm gone."

"Boss?" Kunot ang noo ni Daryl. Hindi rin ata inaasahan ang sinabi ni Maksimillian tulad ko.

"Anong ibig mong sabihin Zam?" Green.

"You'll take an eye on her." Tumingin siya sa akin.

"Pero hindi ba ay mas kailangan mo kami kesa sa ibang mga tauhan?" Tanong ni Daryl.

"I got this."

"Ano namang gagawin ko rito, Maksimillian?"

Hindi niya na talaga ako pababalikin muna sa Pilipinas para hindi masira ang plano niya. Ganon ba ang tingin sa akin? Na may kinalaman pa rin ako? Tangina eh, nagkataon lang naman 'yon. Pero bahala nga siya!

Ngayon ko lang din napagtanto na kung magpaplano lang kami bakit sa ibang bansa pa? May plano pala siyang iba. Iba ka talaga Maksimillian.

"Anything. You're not going back to Philippines until I say so."

"Pero akala ko kasama ako?!" Sigaw ko. Nakakainis.

"Yes. That's we're gonna talk about right now. I have some questions to you."

"Shoot." Sabi ko, handa naman kasi akong sumagot sa mga tanong niya. Nagtitigan na naman kaming dalawa.

"Are you telling the truth?"

Nakatingin silang tatlo sa akin na para bang pinag-aaralan ang bawat galaw ng musclesbkobat mata upang manigurong nagsasabi ako ng totoo.

"About?"

"You're just getting evidences last night?"

Tumango ako, kinuwento ko kung bakit ko naisipang magpunta ulit doon. Tumango siya.

"Hindi mo ba ako ginagago, Maria Marian Mariana?"

Agad akong umiling. "Bakit naman kita gagaguhin? Isa nga ako sa ginago ng taong hinahanap mo eh."

"Okay. Let me tell you something then. Alalahanin mo ang gabing may humahabol sa inyo at pinapaputukan ng baril."

Ginawa ko naman ang sinabi niya. Naguhuluhan nga lang dahil ano namang mayroon doon?

"We were also chasing someone that night. We were the ones who chased your cars."

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Sila ang mga nagpapaputok sa amin?! Paano nangyari 'yong kung kalaban nila Maksmillian ang minamanmanan ko?

"Pero bakit, paano?" Tanong ko.

"Ang nakita mong mga 'suspects' na sinabi mong sila ang bumabaril sa sasakyan niyo ay nagkakamali ka. Sila ang tauhan ni Nikolay. Nasa likod ng kotse na sinasakyan niyo ni Nikolay ang kotse nila kaya sila ang alam mong humahabol sa inyo but the truth is behind their cars, were us chasing all of you."

Naikuyom ko ang mga kamao ko. Lahat ng buwis buhay ko para makakuha ng ebidensiya ay walang kwenta dahil kasama pala ni Trevor ang mga lalaking 'yon!

Ang tanga-tangabko. Wala akong kaalam alam!

"I had re-investigated what happened that night. And my guess is sinadyang mahulog sa bangin ang sasakyan. So we couldn't find him anymore. We didn't know what car he's driving, nilito nila kami. So we didn't check the car that fell off the cliff. And we continued chasing the others."

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon