Chapter 16

5.3K 238 29
                                    

Sa wakas ay pinayagan ako ni Maksimillian na makausap ang pamilya ko. Nag-explain ako sa kanila pero base sa sinabi sa akin ni Kinsley kasi hindi ko naman pwedeng sabihing kinidnap niya ako baka mas mag-alala pa sila lalo at hanapin ako. Sinabi ko nalang na huwag sila mag-alala. Naging mabuti na rin ang kalagayan nila Tatay at Aga.

Gusto kong umiyak habang nasa video call kami pero pinigilan ko dahil nanunuod sa akin si Kinsley.

Miss na miss ko na ang pamilya ko. Hanggang kailan ba ako kailangan ng lalaking 'to?

Pagkatapos ng aming pag-uusap ay kumain kami ng sabay sabay.

Tapos pumunta kami sa parang office ni Maksimillian kasama sina Green at Daryl.

Umupo ako sa isa sa mga anim na upuan na pumapalibot sa long table. Nasa dulo si Maksimillian at nasa tapat ko naman ang dalawa.

"Anong gagawin?" Tanong ko.

"We're here to talk, seriously. And I want you to answer me honestly. At kung kaya mo, huwag kang magmura kahit sa araw lang na ito."

Inirapan ko nalang siya.

"Anong pag-uusapan?"

"It's about the very first time we encountered each other. Anong ginagawa mo sa site na 'yon?"

Tumango-tango ako. Lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin kaya hindi ko rin tuloy maiwasang maging seryoso.

"May tanong muna ako."

"Ano 'yon?" Daryl.

"Paano ako makakasiguro na hindi talaga kayo kasabwat nila? Malay ko ba kung charot charot niyo lang ang lahat. Hawak niyo pa naman ang pamilya ko."

Ang sabi kasi sa akin ni Kinsley ay nakabantay ang tauhan niya sa pamilya ko.

Bumuntong hininga si Maksimillian at hinilot ang sentido. Nakukulitan o naiinis na siguro siya sa akin dahil paulit-ulit ako sa tanong na iyon kahit na medyo naniniwala na akong wala talaga silang kinalaman o kaya ay walang balak na masama.

Naninigurado lang talaga. Mahirap na.

"Hindi ba at nakita mong nakipag-barilan kami sa mga taong 'yon noong gabi ring 'yon?"

"Hindi ko alam. Hindi ba at tumakbo ako, tapos sinundan ako niyan?" Turo ko kay Maksimilliam sa tanong ni Green.

Pero syempre naalala kong nagpaputok nga ng baril ang mga minamanmanan ko.

"We are not allies. They were really our targets that night and you ruined everything."

"Hoy Izmael Maksimillian Kinsley, for your information. Ikaw at itong dalawang 'to ang sumira sa plano ko. Kung hindi lang kayo nandoon, makakakuha  pa ako ng  dagdag na matibay na ebidensiya para mapatunayang masasamang tao sila. Pero nang dahil sa inyo, wala. Pumalpak ako. Kaya huwag mo akong sisihin. Nanggigigil pa rin ako sayo sa tuwing naaalala ko ang gabing 'yon." Tumaas ang boses ko pero kumunot naman ang noo nila.

"You're getting what?"

"Evidences! Kaya ako nandoon kasi kailangan ko iyon. Kailangan ko silang mapakulong."

"Didn't you know that what you were doing is really dangerous? Anong laban mo sa mga taong 'yon? They are all armed!"

Pumikit ako. Sumasakit ang ulo ko sa mga 'to.

"Sa tingin niyo ba hindi ko alam ang pinasok ko?"

"Exactly!" Sabay sabay nilang sigaw sa akin.

"Okay kalma, ako rin naman." Sagot ko. 

Napailing silang tatlo.

"You're out of your mind."

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon