Chapter 35

5.1K 207 26
                                    

Pagkarating namin sa airport ay may naghihintay na sa amin na private plane. Ilang oras lang ang nagdaan ay nasa Pilipinas na agad kami. Para lang kaming pumasyal talaga sa ibang bansa kasi na-bored. Nang dahil sa akin kaya hindi namin na-enjoy ang mga araw na sana ay bakasyon.

"We'll go back to the cruise ship once you're totally okay and stay there for as long as you want together with your family." Bulong sa akin ni Kinsley habang nasa sasakyan niya kami, na parang nabasa kung anong iniisip ko. Nasa backseat kaming dalawa at may nag-dadrive sa amin papunta raw ng ospital ng mga Kho.

Ang ganda ngang i-look forward to ang sinabi niya, ayon lang kung magiging okay ang lahat.

Dahil ayoko siyang mag-alala ulit at mawala sa mood dahil sa kanegahan ko ay ngumiti nalang ako at tumango.

"Salamat."

"For what?"

"Sa lahat. Salamat sa lahat." Sa pagpapaalala sa akin lagi na malalampasan ko ang sakit na ito, sa pagbibigay sa akin ng lakas ng loob na gagaling ako. Sa lahat.

"I'll do anything for you."

Sino kayang hindi mahuhulog ng sobra sa lalaking ito? Aaminin kong sobra akong naiinis sa kanya noong mga unang tagpo pero hindi ko akalain na ganito pala ang isang Izmael Maksimillian Kinsley.

And I will fight for you.

Pakarating namin sa napaka-laking hospital ay agad nila akong dinala sa sosyal nakwarto as requested by Maksimillian. Hays ayaw ko nalang mag-talk.

I was confined here. Agad-agad na nagdiskusyon ang mga doktor na gagamot sa akin kabilang na doon si Dr. Olivier. Pero sila-sila lang muna ang nag-usap. Kasama ko si Maksimillian sa kwarto habang si Kyana ay nagpaalam na umuwi ng bahay nila.

"Matulog ka muna Maksimillian." Sabi ko sa kanya pagkabalik niya sa kama ko pagkatapos niyang kausapin si Daryl.

"I'm fine. We'll just wait the Doctors tapos kung ano ang sasabihin nila."

"Pero wala ka pang tulog, baka malaman laman kung nasa ibang kwarto ka na rin at nakaratay sa hospital bed dahil sa pagod."

Umiling siya. "Don't mind me."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata pero humalakhak lang siya. "Seryoso nga ako."

"Alright. I will sleep later. Hintayin lang natin si Zyrone."

Napansin ko rin na hindi talaga siya mapakali, hindi niya ako gustong iwan kasi walang ibang tao na magbabantay sa akin.

"Sasabihin ko na kila Nanay ang tungkol dito." Sabi ko na ikinatingin niya sa akin, pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Susunduin ko sila."

"Pagod ka, kaya na nilang pumunta rito."

"Okay. Do you need my phone?"

"Oo naman Maksimillian, sinira mo cellphone ko eh."

"I will replace that."

"Huwag na."

Inabot niya nalang sa akin gang cellphone niya, kaso biglang lumabo ang paningin ko kaya kinusot ko ang mga mata ko. Kumurap ako ng ilang beses pero ganon pa rin. Ni hindi ko nga makita ang mga numero sa cellphone sa sobrang labo ng paningin ko. Kumirot ang ulo ko ngunit hindi naman ganon kasakit.

Madalas ay ganito ang nangyayari simula noong kinidnap ako ni Maksimillian pero hindi ko nalang pinapansin. Nasanay  na rin ako.

"Are you okay?" Agad na tanong niya.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon