Chapter 17

5.6K 238 36
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang ako'y kidnappin ni Izmael Maksimillian Kinsley. O masasabi ko bang kidnap pa rin eh willing na akong kasama siya?

Hindi naman naging sobrang mahirap ang buhay ko sa bahay niya. Maroon ako lahat ng kailangan ko. Iyon nga lang sobra na akong na-bored. Wala akong ibang makausap kundi siya lang. Siya sa umaga, tanghali, hapon at gabi. Siya lang ang nakikita ko araw-araw. Feeling ko nga nagiging taong gubat ako tapos si Maksimillian ay isang taong kingina.

Nasa bahay lang ako ng halos isang buwan!

Pero minsan naman ay dumadalaw sina Green at Daryl, doon lang ako nakakakita at nakakausap ng ibang tao.

Sawang-sawa na ako kay Maksimillian sa totoo lang. Samantalang siya parang wala lang. Hindi ata siya nagsasawa sa pagmumukha ko. Hindi ata nabo-bored. Siguro kasi busy din. Laging nasa study room niya kuno. Mayroon pala siyang malaking negosyo. Nagmamay-ari siya ng iba't ibang sasakyang pandagat na naglalakbay internationally, mga cruise ships, pampasaherong barko at mga yate. Grabe!

Nakaka-usap ko rin sila Nanay at Tatay, tuluyan na ngang gumaling si Tatay at Aga. Lagi nila akong kinakamusta sinabi ko nalang na huwag silang mag-alala sa akin okay lang ako, mabait naman itong amo ko. Tapos iyong natatanggap nila buwan buwan na pera na ikinagulat kong mayroon palang ganon ay sinabi ko nalang na iyon ang sahod ko.

Okay lang naman daw sila, nasa maganda pa rin daw silang bahay na sigurado akong si Kinsley ang may pakana at ayos na rin ang kaso ko. Iyon nga lang hindi pa talaga namin alam kung sino ang may gawa ng lahat.

Napag-usapan na rin namin ang tungkol doon ni Maksimillian. Nang araw na 'yon ay pumayag ako na sasamahan ko siya sa paglutas nito kahit na wala naman akong mai-aambag pang iba. Buhay din kasi nila Nanay ang damay kapag hindi pa nagiging maayos ang lahat. Kaya pumayag akong tulungan siya sa kung anong binabalak niya para mahuli ang nga taong 'yon.

Atsaka okay na rin siguro na hindi ako nakikita ng pamilya ko, at least masasanay na sila.

Natigil lang ako sa pag-iisip kong iyon nang kalabitin ako ni Green.

"Oh?"

Kasalukuyan kaming nanunuod ng movie dito sa sala kasama si Daryl. Dumalaw na naman ang dalawa at mula kaninang umaga hanggang tanghali ay nasa study room sila ni Maksimillian. May importante daw silang pag-uusapan. Pagkatapos non ay nagkaayaang mag-billiard ng ilang oras at ngayon ay nanunuod kami. May mga snacks din.

Kahit ano sigurong gawin kong paglilibang sa bahay na 'to ay buryong buryo pa rin ako. Marami ngang pwedeng gawin dito sa bahay niya. May gym, may pool, may mini bar and theater may boxing room, pwede ka ring maglaro ng golf sa malawak niyang garden. Pwede akong gawin ang lahat ng iyon ang kaso ayoko.

Ang akala ko nga pagkatapos naming mag-usap tungkol doon sa una naming engkwentro ay aalis na kami sa islang ito para simulan ang dapat na gawin. Pero ilang linggo na ang nakalipas pero walang nangyari. Ginagago nga ata talaga niya ako.

Kapag tinatanong ko naman siya sabi niya kailangan daw muna niya mag-isip ng konkretong plano bago gumalaw. At may pina-assignment siya sa akin. Iyon ay ang alalahanin ko kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit kami inambush ni Trevor noong gabing iyon.

Sumasakit talaga ang ulo ko sa pag-iisip. Pero blanko. Wala. Hindi naman kasi sinabi sa akin ni Trevor ang dahilan.

"Gusto mong lumabas?" Tanong ni Green.

Doon ako napalingon sa kanya. Parang anghel ang nagsalita nang marinig ko 'yon.

"Pwede ba?"

"Siguro? Saglit lang naman, sabihin natin maliligo tayo sa dagat."

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon