Chapter 13

5.8K 253 63
                                    

ANO RAW?! ANONG SINABI KO?

Tumikhim ako.

"A-ang ibig kong sabihin ay, susunod na ako sayo."

Tangina. Anong pinagsasabi kong 'sayo na ako?'

Parang tanga.

Mabilis akong pumasok sa loob. Hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko dahil sa kapalpakan. Bahala na nga.

"Are you okay? How the hell did you make it outside without me noticing?" Tanong niya. Sinamahan ko nalang siyang kumuha ng kutsara, baso at plato habang kinukuha niya sa oven iyong niluto niya.

"Sa labas ako dumaan."

"You mean, sa bintana? Sa veranda?!"

Tumango ako.

"Jesus! Napakakulit mong bata ka. Nilalagnat ka pa, paano kung nabalian ka ng buto?"

Ang OA, tatay ko ba siya? Maka-react akala mo talaga worried. Kasi kung Nag-aalala talaga ang lalaking to sa akin edi hindi nalang sana ako kinidnap.

"At paano mo naman nalamang tumatakas ako?"

"The alarm beeped. The trees, the wall and the gate are motion controlled." Tapos kinindatan ako at ipinataong ang steak sa mesa.

Tangina. Wala talaga akong takas kung ganon? Hindi nga niya ako nakitang tumakas sa kwarto pero dahil sa lecheng high-tech na naka-install sa paligid ng gate ay nahuli pa rin ako.

"Yes. Kaya huwag mo nang tatangkain ulit."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"This whole island specially the house has this really high-tech security for safety and protection purposes obviously. Malalaman ko kung may intruder kahit nasa pampang palang siya. O kahit nasa bukana ng isla."

Nilagay niya sa plato ko ang steak, tapos yung baked potatoes at nay nilagay na sauce.

"Share mo lang?"

"Yes. I must be proud of my inventions."

Tangina siya ang may gawa non? Ano bang tao ang lalaking 'to? Ang galing. Pero bakit naman sobra siyang sigurista pagdating sa safety niya? Ano kayang mayroon sa kanya?  May koneksyon ba 'yon sa mga lalaking mina-manmanan ko na sa kasawiang palad ay mina-manmanan din pala niya noong gabing una kaming nagkita?

"Edi wow."

Umiling-iling lang siya at nagtungo na sa kabilang upuan, katapat ko.

Tinitigan niya ako habang nakapatong ang siko sa lamesa at nasa kamay nito ang baba.

Nailang ako kaya yumuko ako para magsimula ng kumain.

"Aside from your family, Mawi. Do you have a special someone? You know boyfriend?"

Muntik na akong mabilaukan sa tanong niya.

"Wala kang pake."

Ngumisi siya.

Doon ko lang naalala ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat makulong lang ang nga taong 'yon.

Dahil kay Trevor.

Nabitawan ko ang hawak ko.

Trevor...

Ilang linggo ko na siyang hindi nadalaw sa ospital.

"Why? Is there something wrong?"

Bumalik ang isip ko sa reyalidad. Umiling lang ako.

Shit. Trevor.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon