Chapter 7

6.3K 239 5
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko ng dahan-dahan at kasabay non ang pagpasok ng sunod sunod na mga pangyayari simula nang magising ako at nalamang may sunog hanggang sa nawalan ako ng malay dahil may tarantadong nagtusok sa akin ng pampatulog.

Agad akong napa-upo sa kama. Tinanggal ang swero at dali-daling lumabas. May mga taong natutulog sa couches ng kwarto pero hindi ko pinansin ang mga 'yon.

Nilunok ko ang bumabara sa lalamunan ko dahil ayokong umiyak. Nagsisimula na namang sumakit ang puso ko, naninikip dahil naalala ko kung anong nangyari kanila Tatay, Aga at Nanay.

Hindi ko naman alam kung nasaan sila sa ospital na 'to, kaya bumaba ako ng first floor para tanungin sa information desk kung saan naka-confine o kung ayos na ba ang pamilya ko, lalo na sila Aga at Tatay.

Shit. Tangina.

Hindi ko alam.

Natatakot ako.

Wala akong ideya kung ano nang nangyari. Sana lang ay maayos sila.

Nagulat pa ang mga nasa front desk nang makita ako at nasigawan sila dahil hindi na ako makapaghintay kung dito rin ba nai-admit sila Tatay.

Wala akong maintindihan na naman dahil sobrang bilis ng nangyari, papunta na kami sa ospital non pero pinatulog nila ako. Ngayon hindi ko tuloy alam kung ano na, kung paano na.

Kunga maayos ba ang operasyon, nakaligtas ba sila o hindi. Shit. Nanginginig ang kamay ko sa tuwing naiisip kong hindi na sila magigising.

Gusto ko nandon ako eh, kahit mahirap maghintay tungkol sa kalagayan nila at sa sasabihin ng doktor sa labas ng operating room gusto ko nandoon pa rin ako. Pero tangina kasi, pati ako nakatulog.

Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may isang nawala sa kanila.

Hindi ko kakayanin..

Huwag naman sana..

Ako nalang dapat eh... Ako nalang dapat.

Sinabi sa akin ng nurse kung saan ang kwarto nila. Nasa tabi lang pala ng kwartong kinalalagyan ko. Shit. Malay ko ba.

Nasa fourth floor ang kwarto kaya kinailangan ko ulit ng elevator.

Pagpasok ko doon ay nandoon si Nanay nakaupo sa gilid ni Aga. Habang nasa kaliwa naman si Tatay.

Napahinga ako ng maluwag. Kahit papaano nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Kasi ibig sabihin, successful ang operasyon. Kaya nandito na sila sa kwarto at nagpapagaling.

Salamat, Lord. Salamat talaga. Magpapakabait na ako.

Naiutal ko nalang sa hangin.

Hindi ko na rin napigilang maluha at agad na lumapit para yakapin si Nanay na nagulat pa sa ginawa ko.

"Marian..."

"Nay, ayos ka na ba? Sorry, Nay." Iyak ko. Sa buong dalawampu't dalawang taon na nabubuhay ako sa mundong ito, ito palang ata ang pangatlong beses na sobra akong umiyak. Una ay noong nalaman kong may... ipinilig ko ang ulo ko. Pangalawa ay nang nasa ambulansya ako habang nagwawala at ngayon.

"O-oo anak. Ikaw ba? Nasa kabilang kwarto ka eh, bakit ka nandito. Dapat nagpapagaling ka muna doon. Tsaka--"

"Nay, sshhh. Okay lang ako. Nag-alala lang ako ng sobra. Kamusta po sila Aga at Tatay? Sorry po, hindi ko na alam ang nangyari. Tinurukan din nila ako ng pampatulog."

Pinunasan ko ang luha ko, tsaka naman si Nanay ang umiyak. Hinaplos ko ang likod niya, pinapatahan.

"Sobra akong natakot. Akala ko... akala ko mawawa na sila anak."

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon