Chapter 21

5.3K 240 32
                                    

Zam

Pumunta ako ng kwarto ko at naligo para mahimasmasan. I didn't expect na ganon ang tama ng Nectar na 'yon. Ang anghel ng pangalan ang demonyo kapag tinamaan.

I was about to lay on my bed when I saw the first aid kid on my table. Ako na kasi ang gumagamot sa sugat ni Mawi hanggang sa gumaling. She had a scar on her forehead because of the stitches but I gave her some cream for that para kahit papaano ay hindi ganon halata.

And then I remembered her feet. She got a lot of wounds. Again.

Sa sobrang takot niya siguro at dilim ng tinakbuhan kanina ay ilang beses siyang nadapa.

She wasn't even wearing her slippers when I saw her in that state.

Ang akala ko nga ay ang mga tauhan ko ang may gawa ng marami niyang sugat sa paa, tuhod at hita. I almost lost myself when I saw her like that, I almost grabbed the gun from one of them and shoot them all.

Tsk. Why did I even think like that?

I know she was about to cry when she saw me. Pero pinigilan niya iyon dahil hindi naman siya umiiyak sa harapan ng ibang tao bukod sa pamilya niya. Pinapakita niya na matapang siya. Pinapakita niya na kaya niya. Pero hinding hindi mapipigilan ang lahat ng 'yon sa pagguhit sa mga mata niya. She's just trying to act like she can, like she's strong but she's not.

I sighed.

Kinuha ko ang kit at lumabas ng kwarto para puntahan siya sa itaas. Hindi niya pa siguro nagagamot ang mga sugat niya.

I knocked but no one answered. It was already late so I'm expecting that she's fast asleep.

Hindi nakapatay ang ilaw kaya nakita ko agad ang kabuoan ng kwarto. Wala siya sa kama.

"Mawi?" I called.

No one answered, I checked the balcony and bathroom but she wasn't there as well.

Kinabahan na naman ako. Saan na naman kaya pumunta ang babaeng 'yon? Wala naman nag-alarm na may lumabas or pumasok ng gate.

When I checked her bed there I saw her lying on the floor. Nakabaluktot at hawak ang ulo.

Why the hell is she sleeping on the floor?!

I tapped her cheek but stopped. Hindi ko naman gustong gisingin pa siya.

I just carried her and put her in the bed. Pinagpapawisan siya ng sobra.

Kumunot ang noo ko. Her room was cold though. Kumuha nalang ako tissue at pinunasan ang pawis pagkatapos ay inayos ang buhok na tumatabing sa maliit niyang mukha.

"Ang tigas ng ulo mo."

I looked at her feet. She's wearing a pajama. Inilihis ko nalang ito hanggang tuhod. Mabuti nalang at hindi siya nagising, baka pag-isipan pa ako ng masama. Malinis na rin ito dahil nakaligo na siya but there are deep cuts. Dumudugo ang ilan.

Sinimulan kong gamutin ang maraming gasgas at sugat lalo na sa talampakan niya. I just shook my head.

"Ito ang napapala mo. Sa susunod makinig ka sa akin." Bulong ko kahit na hindi niya naman ako maririnig.

After treating her wounds on feet, legs, and knees, I went to her side again to treat her arms.

Natapos ako at tumitig sa kanya. Hindi lang siya matakaw kumain, tulog mantika rin.

I caressed her cheek using my thumb. "I'm sorry, I shouted at you. I was just really worried about you, Mawi."

"And you're right, I'm like them. I kill people too but not the innocent ones."

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon