Chapter 41

5.9K 239 74
                                    

"Trev! Tangina pakawalan mo ako!" Sigaw ko sa dimunyong kaharap ko. Ngunit ngumisi lang siya at sinindihan ang sigarilyo.

Kanina pa ako sumisigaw simula nang magkamalay ako. Sa sigaw ko nalang inilalabas ang takot ko. Takot at galit sa taong nasa harap ko ngayon. Alam kong isang kalabit lang ng gatilyo ng baril niya ay tuluyan na akong mawawala sa mundomg ito.

Masyadong mabilis ang nangyari, ni hindi ko nga inaasahan na makikidnap ako dahil sa daming bantay sa ospital kahit saan man kami magpunta. Ibig bang sabihin non ay napatumba ng mga tauhan ni Trevor o Nikolay ang tauhan ni Maksimillian?

Kaya siguro ang akala ni Maksimillian ay nagtatago pa rin ang gago, pero hindi niya alam na may plano pala siyang ganito.

Para saan?!

Dahil ba alam niyang mahal ako ni Maksimillian? Gagamitin niya ako laban sa kanya? Lagi nalang bang ganon?

Nagpumiglas na naman ako sa upuang inuupuan ko. Nakatali ang mga kamay at paa ko sa upuan.

"Putangina mo Nikolay! Ano papatayin mo ako? Gago ka! Hayop! Pagkatapos mong gawin sa amin ang tangkang pagpatay noon may mukha ka pang ihaharap sa akin?! Tangina mo, kapag nakawala ako rito hindi ko magdafalawang isip na patayin ka rin!"

"Nasaan si Tatay? Tangina mo kapag may ginawa kang masama sa kanya magkikita ma kayo ng kaptid mong si Satanas!"

"N-nasaan..." Pumikit ako at kinagat ang labi dahil sa takot at biglang pagsakit ng ulo ko. "Ilabas mo ang... Tatay ko.." pabulong kong sabi at huminga ng malalim.

Hindi ko alam para na akong mababaliw. Saan nila dinala si Tatay, anong ginawa nila sa kanya?

Sumabay pa ang lecheng ulo ko.

"Shut up!" Sigaw niya at tumayo para sampalin ako.

Napabaling ang mukha ko sa kaliwa at nalasahan ko ang dugo sa gilid ng labi ko sa lakas ng pagkakasampal niya. Mas lalo akong nahilo dahil doon.

"One more fucking word and I'm going to cut one of your limbs."

Hikbi nalang ang naisagot ko. Kilala ko si Trevor, hindi siya marunong magbiro. Iniwan niya ako sa lugar na kinalalagyan namin. Nasa isang port kami, abandonado, pero may mga motorboats, jetski at yate na nakadaong. Iyon siguro ang mga gamit nila.

Madilim sa parteng ito at hindi pa rin natatapos ang pagsakit ng ulo ko, hindi ko n rin maiwasang mapasigaw at iyak hanggang sa pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay.

NAGISING ako nang naramdaman kong kinakaladkad ako ng kung sinong tangina. Nakagapos pa rin ang mga kamay ko. At may naririnig akong putukan sa labas.

Bigla akong nabuhayan ng loob. Si Maksimillian na ba ang nasa labas at nandito siya para iligtas ako?

Sinubukan kong magpumiglas at sumigaw pero naka-busal na rin pati na ang bibig ko. Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kaliwang braso ko.

"The asshole is here. I swear I am going to kill him right in front of you or I am going to kill you right in front of him."

Putangina!

Doon ako kinabahang muli. Umiling ako, alam kong hindi dapat ako matakot dahil malakas naman si Maksimillian at ang kanyang grupo pero sa tingin ko ay malakas din ang pwersa ni Nikolay.

Natatakot ako baka kung mapaano si Maksimillian at kasalanan ko iyon.

Hindi ko naiwasang maiyak. Siniko ko rin siya ngunit hindi siya nagpatinag hanggang sa may bumukas na pinto at sisigaw na sana ngunit bago pa mangyari iyon, bumaon na ang isang bala sa noo nito na galing sa baril ni Nikolay. Napapikit nalang ako sa nasaksihan. Sunod sunod ang pagpasok ng ilan pang armadong kalalakihan ngunit hindi sila makagalaw dahil din sa pag-atake ng tauhan ni Nikolay na kasama namin.

Mafia Boss 4: Captured By HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon