24- They're Not Friends

843 81 17
                                    

Fangs, sharp and long. Bumaon ang nga 'yun sa leeg ni Fenris at agad na bumaha ang kanyang dugo.

Binalot ng sakit ang buong katawan ng dalaga. Nagsimulang bumulwak ang dugo mula sa kanyang dibdib hanggang sa nakatayo na siya gitna ng tubig na hanggang tuhod.

Pero teka... hindi pala 'yun tubig kundi dugo.

Pataas nang pataas ang dugo hanggang umabot na 'yun sa kanyang beywang.

Mas lumalim pa ang pagbaon ng mga pangil sa kanyang leeg na halos maputol na 'yun.

Mas tumaas pa ang dugo na umabot na sa kanyang leeg, sa kanyang bibig, sa kanyang ilong.

Hindi na siya makahinga.

Sumigaw ng malakas ang dalaga. Sumigaw siya ng malakas kahit na nalulunod na siya sa sarili niyang dugo.

"Fenris! Fenris, it's alright. You're safe," isang boses ang narinig niya. Though it was gentle, there was urgency to it.

Biglaang nagmulat ng mga mata si Fenris habang habol ang kanyang hininga.

Panaginip lang pala. Tiningnan niya ang paligid pero nag-iisa lang siya roon.

Whose voice was that she heard awhile ago?

Makakahinga na sana siya ng maluwag nang bigla naman niyang maramdaman ang kirot sa may dibdib niya.

Gamit ang sinag ng buwan mula sa labas, she looked at herself. Nakahiga siya sa isang komportableng kama na may puting sheets. Puti rin ang suot niyang t-shirt at nang sumilip siya sa neckline ay nakita niyang nabalot ng benda ang kanyang dibdib.

"How many times should I save you?"

Muntik nang mapatalon sa gulat ang dalaga nang biglang may nagsalita mula sa madilim na sulok ng kwarto.

"S-Sino ka?" she asked though may idea na siya kung sino 'yun.

Isang click ang narinig niya at agad na bumaha ang liwanag sa buong silid kaya napakurap ang dalaga.

Gulat na napatingin ang dalaga sa silid na kinaroroonan. It wasn't her bedroom. Masyadong magarbo iyun na parang silid ng isang mansyon. The ceiling was high, glass ang isang buong dingding, may magarang chandelier sa vaulted ceilings.

She looked at Knight Blood. Suot pa rin nito ang sweatsuit na suot nito n'ong sinipa nito si Elliot.

This wasn't his bedroom either.

She tried to sit up but she failed. Masyadong masakit ang dibdib niya.

Dibdib n'ya. Kutsilyo.

Bumaha sa alaala niya ang nangyari at napasinghap ang dalaga. Tumingin siya sa Knight at nalaman niyang mataman itong nakatitig sa kanya.

Fangs.

Agad na binaha ng takot ang dibdib ng dalaga nang maalala ang mapupula nitong mata. Ang mga pangil nito.

She moved closer to the headboard. Namumutla siya sa takot.

"Lumayo ka sa akin!" sigaw niya. "Lumayo ka! Halimaw!"

Bumuntung-hininga si Knight Blood bago muling umatras sa sulok.

Hindi namalayan ni Fenris na umiiyak na pala s'ya. Nanginginig pa siya sa sobrang takot.

"I will never hurt you. You have to know that," mahina nitong sabi.

"W-What are you?" halos pabulong niyang tanong dito. "And please, 'wag kang magsinungaling. I saw you. You looked... you but not you."

The Knights of St. HarfeldOnde as histórias ganham vida. Descobre agora