31- The Victor Rewrites History

971 78 16
                                    

Huminga ng malalim si Fenris pero tulad kanina, maalat na tubig ang pumasok sa kanyang baga.

Magpumiglas siya para makahanap ng kahit na konting hangin. But there was nothing. There was just darkness. There was just death.

Pawis na pawis ang dalaga nang nagmulat siya ng mga mata. Unlike the first nightmare, hindi na siya masyadong nahihirapang maka-recover. She steadied her breathing and stared at the ceiling.

Ganito na lang lage sa tuwing nagigising siya. Four mornings had passed since her "death". Hanggang ngayon, hindi pa rin nila alam kung sino ang nagtapon sa kanya sa dagat. She thought it was Elliot's group, pero sabi ni Linus, he watched them (using his ability) the whole time after the incident. Nag-uusap-usap daw ang mga ito sa silid ng mga ito kung sino ang salarin.

Kapag napapatingin si Fenris sa crew, lage na lang siyang suspicious. Sino ang gustong pumatay sa kanya na nandito maliban kina Elliot? The kitchen staff? The crew?

"Ugh!" napaupo siya sa kanyang kama sabay gulo ng kanyang buhok. "Bakit ba ang daming galit sa akin? Hindi naman ako sikat pero bakit ang dami kong haters?"

Iilang katok ang narinig niya mula sa labas ng kanyang cabin. Baka si Linus nanaman 'yan. Lage kasi siya nitong dinadalhan ng pagkain. Sinisiguro nitong safe daw ang kinakain n'ya at walang magtangkang manlason sa kanya.

"Pasok!" sigaw niya sabay muling pabagsak na humiga. Magulo ang kanyang buhok pero wala siyang pakialam. Sanay na naman si Linus sa morning hair niyang tila pinamugaran ng agila. Ilang umaga na rin kasi siya nitong dinadalhan ng agahan.

Bumukas ang pinto at pumasok ang nakakunut-noong Knight Blood na naka-cloak pa at may dalang tray ng pagkain. Bakit gan'on? Bakit ang fresh nito palagi? Kahit magulo ang buhok nito at pawisan minsan ay ang bango pa rin nitong tingnan.

"Remind me, did I sign up to be your caregiver or something? Why do I end up taking care of you all the time?" kunut-noong pambungad ni Linus sabay lagay ng tray sa maliit na mesa sa sulok.

Ngumisi si Fenris. "Gusto mo naman."

Inilagay nito ang hintuturo sa baba nito na para bang napaisip ito. "Okay. True, true. I like taking care of you."

Sabay-sabay na nag- somersault ang mga bulate ni Fenris sa tyan kaya tila nakikiliti siya. Isang matamis na ngiti lang ang nagawa niyang isagot. Baka kasi pumiyok s'ya 'pag pinilit niyang magsalita. Teka, kinikilig ba talaga ang tiyan n'ya o sadyang gutom lang siya?

At agad namang sumagot ang tiyan niya sa tanong na 'yun. Tila kulog pa 'yun sa lakas.

Linus chuckled. "Let's eat."

Mabilis na tumayo ang dalaga at nagtungo sa mesa. "Ang sarap ah," komento niya nang makita ang steak, bacon, eggs, sautéed mixed veggies at orange juice.

"Siempre. You deserve it," sagot nito na naupo na rin.

Lihim na napangiti si Fenris habang inaayos nito ang pagkain niya sa kanyang plato.

"What?" tanong nito nang makitang nakatitig siya rito.

Umiling siya. Hindi lang kasi talaga siya makapaniwala na ganito na ang estado nilang dalawa ngayon.

"Let's eat," masaya niyang sambit sabay hiwa ng steak. "Mmmm..." ungol niya nang kainin 'yun. Napapikit pa siya dahil sa sobrang sarap. "Bigyan nga ng raise ang chef," aniya saka tiningnan si Linus na nakatanga at naka-freeze ang knife at kutsilyo sa steak nito. Ang laki ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Ilang beses itong napakurap saka tumikhim. Nagsimula na rin itong kumain pero panay ang sulyap nito kapag napapapikit siya dahil sa sarap ng pagkain.

The Knights of St. HarfeldWhere stories live. Discover now