38- The Ancient Powers

908 87 24
                                    

Mabilis na pumasok si Fenris sa office tent at nadatnan n'ya roon ang kanyang mga magulang, si Maryan, si Linus at si Cole. 

Isang malaking ngisi ang nabuo sa mukha ng huli at agad itong humakbang palapit sa kanya.

"Hi," ang laki pa rin ng ngisi ni Cole na para bang may masamang balak.

"What are you doing?" nakasimangot na sumunod si Linus sa kapatid kaya nakaharap na ang dalawa ngayon sa dalaga.

"Magpapakilala," hindi natinag ang ngiti ni Cole. "I'm..."

"Cole. I know you," pagtatapos ni Fenris at mas lumawak pa ang malawak nang ngisi ng lalaki. Posible pala 'yun.

"Sabi ko na nga ba sikat ako eh," anito na hinimas pa ang baba.

Napangiwi si Fenris at napailing naman si Linus.

"Tigilan mo na nga 'yan. Ang tanda-tanda mo na," anang nakakabatang Bloodworth saka pasakal na inakbayan ang nakakatandang kapatid pabalik sa mesa ng pamilya ni Fenris na puro nakangiti.

"Eh ano ngayon kung matanda na ako? Nakikipagkaibigan lang naman ako ah," reklamo ni Cole pero hindi naman pumalag.

"Ano'ng pinag-uusapan n'yo?" tanong na lang ni Fenris na lumapit na rin sa mga magulang.

Nakita niyang nagkatinginan muna ang kanyang pamilya bago tumango ang kanyang ama.

"We are expecting a bloody and deadly war against the Grand Knight and his witches. Pero hindi lahat ng nandito ay kayang makipaglaban. We have liabilities. We can't risk everyone," sagot ni Maryan.

"That's why I'm here. I'm the evacuation expert," salo ni Cole na nagtaas pa ng kanang kamay na parang nanunumpa sa watawat.

"We are going to ask the people for their decision. If they want to stay, they can stay and fight. Pero sisiguraduhin natin na maiintindihan nila ang danger kapag nag-stay sila," anang Mama Warin niya.

Nanlumo si Fenris. "Kaya ba natin sila? Tatlong witches lang meron tayo."

"Four, actually," ani Maryan. "Knight Hood... I mean, Reid swore to fight against the Grand Knight."

Hindi nakasagot si Fenris. Tama ba na magtiwala sila sa Master Knight? Tiningnan niya ang kapatid. Kung tutuusin, magkapatid pala sina Maryan at Reid.

Ang weird lang.

"Is it really alright to trust him?" Linus voiced out her concerns. Parehas pala sila ng iniisip ng binata.

"I'll make sure he will not betray us," ani Maryan. "Besides, kailangan n'yang bumawi sa mga kasalanan n'ya."

"I will come back as fast as I can," sabi naman ni Cole.

"Ang mga evacuees ang atupagin mo. Your role is also very crucial," sagot ni Linus.

"As a matter of fact, I will tell the old ones, the children and those who don't want to fight to prepare. You're leaving soon," ani Warin na tumayo na.

"I will go with you," ani Juy at sabay na ngang lumabas ng tent na 'yun ang kanyang mga magulang.

"See you, guys, later," sabi rin ni Maryan saka lumabas na rin.

"So... where are these gods you were talking about?" ani Cole na pinagdaup pa ang mga palad. Mukhang excited pa nga ito na makilala ang Purebloods na dati nilang sinasamba.

"They're not gods," walang-ganang sagot ni Linus.

Cole feigned a shocked expression. Napatakip pa ito ng bibig. "Hindi nga? Shocking."

The Knights of St. HarfeldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon