18- Doubts

834 70 11
                                    

Pagod na pagod si Fenris nang bumalik siya sa kanyang sariling kwarto pero magaan ang loob niya.

Una, may natulungan siya ngayong gabi.

Pangalawa, she just met a very handsome boy. Okay, a very handsome Knight who didn't seem bad at all. Mukhang mabait pa nga.

Kapag nakita n'ya si Knight Blood bukas, ano kaya ang magiging reaksyon n'ya? Ngingiti? Babati? Naku, baka deadmahin lang siya nito. Masarap pa naman 'yung kausap, NOT!

Tahimik na ang maliit nilang tambayan na pinalilibutan ng kanilang mga living quarters. Tulog na ang lahat dahil malalim na ang gabi. S'ya na lang yata ang pagala-gala ngayon. Sana lang walang makahuli sa kanya. Madadagdagan pa ang parusa n'ya since Knight Blood planned on giving her one already.

Kakabukas n'ya lang ng kanyang ilaw nang bigla na lamang may tatlong nakaitim na cloak ang umatake sa kanya.

Dahil sa sobrang gulat ay hindi agad nag-register sa kanyang inaantok na utak at pagod na katawan ang nangyayari.

Basta naramdaman na lang niya ang sarili na bumagsak sa sahig at ang pagkalat ng sakit at kirot sa buong katawan.

Three people were kicking her. Tumama ang mga sipa ng tatlo sa kanyang mukha, braso, binti, tiyan, dibdib, likod.

What was going on?

Ano ba'ng nagawa niya para maparusahan ng ganito?

Nalaman na ba ng Grand Knight ang ginawa nila ni Kilmar? Gusto niyang mag-panic. Ginugulpi rin ba ngayon ang bestfriend niya?

"Women don't belong here," iyun ang unang boses na narinig n'ya.

Women. Ito nanaman!

Gusto n'yang sumigaw but she didn't want to give them more reason to bully her just because she's a girl.

Instead, she tried to get up. At first, she failed but she didn't want to just lie there and get beat. She tried again, this time, nagawa niyang tumayo. Itinaas niya ang kanyang mga braso para masangga ang mga atake.

Pero ano ba ang laban niya sa tatlong Knights na mga magagaling na warriors ng kanilang continent?

Bumagsak siya uli. Puno ng pasa at sakit ang kanyang buong katawan.

"Yan ang bagay sa'yo. Ambisyosa!"

"Simula pa lang 'to. Mas marami pang darating."

"Akala mo siguro tanggap ka na namin dahil nananahimik kami. Mark my word, the next times will be worse."

The three started laughing at bago lumabas ng kanyang silid ay sinipa siya uli sa likod.

Fenris groaned in pain. She stayed in a fetal position for a few minutes before getting up. Masakit ang kanyang buong katawan at mukha. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. Wala naman siyang maramdamang serious na injury. At least, nalaman niyang mas malakas na ang katawan niya ngayon. Kung dati siya binugbog, baka nabali na lahat ng buto niya.

This was just the beginning.

This attack wasn't about her escapade outside the castle tonight. It was about her being in here. Being a girl here in the Order.

Seriously, this was getting old. They should start to accept her since she wasn't going anywhere.

Kilala niya ang tatlong 'yun.

Tiningnan niya ang kanyang mga braso at nakitang puno iyun ng galos at pasa. Pilit niyang kinalma ang sarili bago huminga. Wala na siyang lakas na maghibis pa.

She wanted to cry but that would make her feel weaker. She didn't need that right now.

She needed motivation.

The Knights of St. HarfeldWhere stories live. Discover now