43- Don't Waste Time

769 66 11
                                    

"Who are you?" halos pabulong na tanong ni Fenris sa kanyang kaibigan...no, he wasn't her friend. Not ever.

"I'm the Grand Knight's son," taas-noong sagot ng lalaki.

Hindi na nagulat ang dalaga. Kaya natanggap ito kahit na napakapayat at napakahina nito a few months ago. He had the connection he needed, his father.

"Alam mo, Fenris, hindi na sana tayo umabot sa ganito kung namatay ka na lang noong itinapon kita sa dagat," Fenris gasped.

What did he say?

Napahakbang si Linus habang nanginginig ang nakakuyom nitong mga palad.

"What did you say?"

"Oh, Knight Blood, ikaw 'yung dahilan kung bakit hindi natuluyan itong kaibigan ko eh. Bakit mo ba s'ya sinagip?" naningkit pa ang mga mata ni Kruz nang itanong 'yun.

"You-!" akmang hahakbang na si Linus palapit sa lalaki nang pigilan ito ni Fenris.

"They have Kilmar," aniya.

Tumawa si Kruz pero walang kahit na anong emosyon doon. His laugh was empty. It was just plain evil.

"Ah, Kilmar... my handsome boyfriend," at tumawa nanaman ito na parang nababaliw. "He is safe... for now. He is my leverage so, he's gonna be alive for awhile.

Napatiim-bagang ang dalaga. Wala siyang maririnig na kahit na anong emosyon sa boses ni Kruz. Nakasama n'ya ba talaga ito ng maraming buwan?

"Hindi naman talaga ako gay," pagpapatuloy nito. "I'm straight. As a matter of fact, I find you very attractive, Fenris. But Kilmar was so much easier to... seduce."

"You're sick," Fenris wanted to spit on Kruz's face.

Kruz smirked. Ibang-iba talaga ito sa Kruz na kilala ni Fenris. Ito ba talaga ang totoo nitong pagkatao? Walang kahit na anong emosyon sa mga mata nito.

"And why are you leading them? You're just sixteen years old. The other witches are children of the Grand Knight too," nakakunut-noong tanong ni Linus.

"Ah!" Kruz looked like he was just asked the most brilliant question in the history of questions. "Because I'm smart? The moment I got close to you and Kilmar, I immediately knew you would one day rebel against the Grand Knight. I have been spying on you... for him. He was prepared for everything because of my information. And he is very grateful. So, he gave me a team so I can hunt you."

Hindi nakasagot ang dalaga. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagtiwala siya sa isang ahas. She felt Linus' tight grip on her hand.

Ano na ang gagawin nila ngayon?

"I want to play more but I'm on a tight schedule. My father needs me," sabi nito saka bahagyang lumingon sa witches na nasa likuran nito. "Kill them. And please, make it entertaining."

The ten witches started to chant a spell at the same time. Sabay-sabay din ang paghakbang ng mga ito hanggang sa naitago na si Kruz sa likuran ng mga ito.

Linus stepped in front of Fenris. This time, hindi na pumalag ang dalaga. Lumalaban siya but she knows when to stop. Hindi n'ya kayang makipagsabayan sa sampung witches gayung mortal siya, walang kapangyarihan.

"When I tell you to run, you run," anang binata saka nito itinaas ang mga kamay na para bang nagfo-form ng shield. Parang kay Reid kanina but this one felt different. It felt stronger.

Fenris had no idea which direction to take but run she will. Hindi niya hahayaan na mapatay lang sila rito. Hindi rin siya mag-aaksaya ng panahon para kay Kruz.

The Knights of St. HarfeldWhere stories live. Discover now