10- Who Is Blood?

996 80 6
                                    

Kahit mabigat ang katawan ay bumangon pa rin si Fenris para sa kanilang morning exercise. Wala namang problema sa paggising ng alas singko sa umaga pero talagang hindi maganda ang pakiramdam niya nang umagang 'yun.

Pero dahil isa siyang motivated na Apprentice, bumangon siya nang walang reklamo. Kahit na masakit din ang muscles niya dahil sa rigorous nilang physical training.

Breakfast na nang makausap niya si Kilmar. Wala pa ring tumatabi sa kanila sa mesa pero hindi na lang nila inintindi iyun.

"What a brotherhood, huh?" naiiling na komento ni Kilmar sabay higop ng soup.

"Hayaan mo na. We're fine without them," sagot ni Fenris saka ngumisi. "My injury is getting better."

"Nagpunta ka sa infirmary?"

"No. The wound is already dry. It still hurts like hell but I think it's getting better. I'll go to the infirmary later para matingnan ng doctor."

"That's good para makapag-train ka na nang mas maayos," tumangu-tangong sagot ni Kilmar. "You'll see Kruz there too."

Malungkot na tumango si Fenris. Hinatid nila sa infirmary si Kruz kagabi dahil binugbog ito ng grupo ni Elliot.

"Ano ang punishment nina Elliot?" tanong niya.

Isang ngisi ang naging sagot ni Kilmar.

"Please tell me they got kicked out," aniya na pinagdaup pa ang mga palad. She didn't see Elliot and his goons during the morning exercise kaya bigla siyang naging hopeful.

"I wish but no. The Grand Knight pardoned me and gave my punishment to them."

Fenris giggled. "Justice!"

"Right?"

"We didn't even do much to be punished."

Nagkibit-balikat lang si Kilmar.

Nagpatuloy sila sa pagkain at nang natapos ay nagpunta si Fenris sa infirmary.

"We can remove your brace today," anang lalaking doctor. Nakita n'ya pa roon iyung dalawang nurses na naka-assign na kanya a few days ago, sina Blue at Kastor.

"Talaga po? That's good news," nakangiti niyang sagot.

At 'yun nga ang ginawa ng doctor.

"Si Kruz nga po pala? Kumusta?"

Hindi tumigil ang doctor sa pagtanggal ng kanyang brace. "Apprentice Hully is doing good. Wala namang seryosong damage sa katawan n'ya. Just few bruises and cuts. Right now, he's sleeping. Pwede na siyang bumalik sa training bukas."

Fenris felt relieved. She wanted Kruz to feel better and resume training. They needed it para hindi na sila ma-bully.

"Move your shoulder," anang doctor kaya ginawa n'ya 'yun. "Good, good. Looks like your burn is healing well."

"Talaga po?"

"Yes. We have a special salve that helps wounds and injuries heal faster. I will apply it on your wound."

"Thank you po," aniya.

The salve the doctor was talking about was white and smelled herb-y. It was cool to the skin but it sent warmth all throughout the wound.

"This feels amazing," she commented.

"A few more applications and you're going to be healed."

Bumalik si Fenris sa training n'ya. Medyo kabado siya dahil one-on-one combat daw ang gagawin nila ngayon.

The Knights of St. HarfeldWhere stories live. Discover now