Sa deck napadpad sina Fenris at Knight Hood dahil hindi n'ya ito pinapasok sa kanyang cabin. She wasn't comfortable of the thought of him in there alone with her.
Teka, bampira rin kaya ang isang 'to? O witch?
"I love our continent so much," biglang sabi ni Knight Hood na nakatingin sa matataas na building na kita mula sa port.
Hindi sumagot si Fenris but she agreed. She too loved Narguille.
"Too bad the government doesn't care about the people," bago pa man niya mapigilan ang sarili ay lumabas na 'yun sa kanyang bibig.
"The Order cares about peace and comfortable living. A few lives in exchange of the comfort of millions is worth the sacrifice," walang emosyon na sagot naman ng Master Knight.
Zealot. Fanatic, gustong sabihin ni Fenris pero pinigilan na niya ang sarili. Sa halip ay tumingin na lang siya sa unahan.
One day, she could do something to change their beloved continent.
One day.
"You will be gone for two weeks. Be careful out there," anito pagkaraan ng ilang sandali. "I'm busy all the time kaya hindi kita napoprotektahan tulad ng sinabi ko dati dahil-."
"...dahil utang mo sa akin ang buhay mo," pagtatapos niya sa sasabihin nito. Paulit-ulit kasi pero hindi naman ginagawa.
Tumingin sa kanya ang Knight. Kung hindi lang sana ito tuta ng Grand Knight ay baka kuya na ang tingin niya rito.
Pero hindi eh. Kalaban na ang tingin niya sa lalaki.
"You will see some things out there. Those foreign invaders will be dangerous kaya mag-iingat ka," anito.
Foreign invaders. Geez, how Fenris hated them simula pagkabata only to find out that they didn't even exist. The Order just captured fishermen from Vergaemonth.
"I came here just to warn you. Ayokong may mangyaring masama sa aking savior," anitong may naglalarong ngiti sa mga labi.
Pinakalma ni Fenris ang kanyang sarili bago sinulyapan ang lalaki. He really looked good too. May itsura. "Thank you, Knight Hood. I mean... Reid."
"That's a lot better," nginitian siya nito.
"We're gonna leave soon," biglang lumapit sa kanila si Knight Blood nang nakapamulsa sa sweatpants nito. Seryoso ang gwapo nitong mukha at wala man lang kahit konting ningning sa mga mata nito.
"Right. Take care of her, Blood. I just hope you're gonna lead this team well. I still don't understand why you chose an all-apprentice team."
"Training," kibit-balikat na sagot ni Knight Blood.
"Yeah. I guess it's better for them to experience it firsthand before their Knighthood," agree naman ni Knight Hood. "Sige, aalis na ako. Fenris, take care."
Ngumiti lang ang dalaga at agad niyang napansin ang pag-ikot ng mga mata ni Knight Blood.
Problema nito?
"We're leaving," maya-maya ay sabi sa kanya ni Knight Blood nang tuluyang makababa ng barko ang Master Knight.
Agad na binaha ng excitement at takot ang puso ng dalaga. Ito ang unang pagkakataon na aalis siya ng Narguille. Kahit na mananatili sila sa loob ng kanilang maritime territory ay iba pa rin ang pakiramdam.
Nang magsimulang umusad ang barko ay naglabasan sa deck ang kanilang mga kasama.
Ang laki ng mga ngisi nina Kilmar at Kruz na kung titingnan ay parang walang relasyon.
BINABASA MO ANG
The Knights of St. Harfeld
VampireMula pagkabata ay gusto nang mapabilang ni Fenris sa Order of the Purple Lily, ang elite military force ng continent ng Narguille. Pero merong isang problema. She was a girl. And girls were not allowed in the order. Pero paano kung nagkaroon siya n...