51- Fenris' Death

662 43 2
                                    

"Pa!" sigaw ni Kilmar nang makita ang ama na nakasandal sa pader. Ni hindi ito makatayo dahil sa daming injuries.

Ano ba ang ginawa ng Grand Knight dito?

Napansin n'ya rin ang mga magulang nina Fenris at iilang mga taga-Saas.

"Kilmar! Anak!" nanlaki ang mga mata ng Papa n'ya at kahit na nanghihina at nahihirapan ito ay mabilis itong nakatayo para yakapin s'ya. "Anak ko, akala ko hindi na kita makikita pa. Patawarin mo ako."

Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ama at naramdaman niya ang pagyugyog ng mga balikat nito tanda ng pag-iyak kaya hindi na rin niya napigilan ang pagluha.

Yeah, akala n'ya rin hindi na niya makikita pa ang mga taong importante sa kanya. He almost lost hope.

But they didn't abandon him. They were there for him.

"Kailangan natin silang tulungan," aniya saka bumitaw sa ama. Pinulot n'ya ang mga espada ng mga Knight na binitawan ng mga 'to nang mahuli. Naka-trap pa rin ang mga ito sa kapangyarihan ni Beau.

"Ano ang gagawin ko d'yan?" alarmang tanong ng ama n'ya nang iniabot n'ya ang mahabang espada rito.

"Kailangan ninyong tumulong sa pagbabantay sa mga Knight. Hey, kayo! Come here!" tawag niya sa mga naka-huddle na mga teenagers sa sulod.

Pitong mga young adults at teenagers ang pumulot ng mga espada.

"Bantayan ninyo ang mga Knight. Kapag may kumilos, saksakin n'yo," matigas niyang sabi at agad namang tumango ang mga ito.

Binalingan naman niya ang kanyang ama na titig na titig sa kanya.

"I'm so proud of you, Anak. Sobrang proud," anito saka iniwan na siya at nakisali sa mga kabataang alertong nakabantay na ngayon sa mga Knights.

Huminga ng malalim si Kilmar saka niya sinenyasan si Elliot na kanina pa nasa gilid at nagmamasid.

They were able to pull Linus to the side pero wala pa rin itong malay. Nakita pa nilang may dugong lumabas sa mga tenga, mata, ilong at bibig nito.

"Buhay pa ba s'ya?" tanong ni Elliot na mukhang nagpa-panic dahil hindi na nga kumikilos si Linus.

Lumapit sina Mr. and Mrs. Paynes. Injured pa ang huli dahil sunog na sunog ang kaliwa nitong balikat.

"Wala siyang heartbeat," tarantang anunsyo ni Tita Warin niya.

"Ahhh!!!" 'yun yata ang huling narinig ni Fenris na bigla na lang tumilapon a few seconds ago. She run towards the Grand Knight followed by Maryan.

The battle of spells resumed at hindi alam ni Kilmar kung ano ang gagawin n'ya para makatulong.

"Tabi, tabi," bigla na lang lumapit si Beau at muntik na itong masipa ni Elliot sa mukha nang lumuhod ito sa tabi ng bampira.

"Elliot, let him," ani Kilmar at litong tiningnan siya ni Elliot pero pinili nitong manahimik na lang.

"Ano'ng gagawin mo?" tanong ng Tita Warin n'ya.

"Sumabog lahat ng internal organs niya dahil sa spell na tumama sa kanya. Kung hindi s'ya bampira, paniguradong patay na sana s'ya ngayon. His body healed immediately pero masyadong mabigat 'yung spell kaya hindi pa rin siya gumigising. Kapag hindi naagapan, baka hindi na s'ya muling magigising pa."

"Help him then," biglang sigaw ng papa nina Fenris na si Juy.

Itinaas ni Beau ang dalawang mga kamay at bigla na lamang iyun ibinagsak sa dibdib ni Linus.

"Don't you dare hurt him," may pagbabanta sa boses ni Elliot pero hindi ito pinansin ng witch.

Hindi rin sigurado si Kilmar kung mapagkakatiwalaan talaga itong witch na ito. Kanina lang ay sunud-sunuran ito ni Kruz at ng Grand Knight. Pero ano ba ang magagawa nila para kay Linus ngayon?

The Knights of St. HarfeldUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum