34- The Witches

908 77 15
                                    

Litong inilibot ni Fenris ang paningin sa mga Knights na tila wala sa kanilang mga sarili. Iilan na rin ang namatay sa mga ito kaya tumakbo sila para pigilan ang mga Knights.

"Knight Barret! Stop!" sigaw ni Elliot sa ka-close na Knight pero espada ang sumalubong dito. Buti na lang talaga at nakailag si Elliot dahil kung hindi ay baka gumulong na ang ulo nito.

"Knight Good! Knight Browl! Tama na," ani Fenris na niyakap sa beywang si Knight Good at hinila ito palayo kay Knight Browl na bumagsak na. Good beat the hell out of the other Knight na halos wala nang malay.

Pilit nilang pinaglalayo ang mga ito sa isa't isa pero walang silbi rin. Ang dami ng mga 'to habang pito lang sila, no, anim lang pala dahil hindi tumutulong si Linus. Nakatayo lang ito na parang poste ng kuryente.

Mabilis na nilapitan ng dalaga ang Knight at pinandilatan ito. "What are you doing?"

"You have to stop. The Purebloods did this," sabi nito.

"What?"

"The three Purebloods are not ordinary vampires, Fenris. They belonged to the three founding families of Hellville. They have powers. They did this to the Knights. Kapag nalaman nilang pilit nating pinapatigil ito, for sure, isasama nila tayo rito," ani Linus.

"You mean... they made the Knights crazy?"

"No. They're not crazy. Actually, they're in their right mind... kinda. But one of the Purebloods has the ability to control the minds. He's making them see things. Everyone has different scenarios in their heads right now."

"A Brigham," aniya. The family who had telepathy.

Tumango si Linus. "Call them before this Brigham Pureblood gives them hallucinations of their own."

"Kilmar, Kruz, Elliot, Folk, Big Arm, lumayo kayo d'yan! Bilis!"

"But we have to stop them! They're all gonna die!" ani Elliot na nakipag-wrestling na kay Knight Barret.

"Get out of there! Now!" malakas na utos ni Linus kaya kahit na nagtataka ay sumunod ang kanilang mga kasama.

"We have to save them from each other," nasa mukha ni Kruz ang sobrang pag-aalala. Panay din ang tingin nito sa direksyon ng castle.

Alam ni Fenris na nag-aalala ito sa mga kasamahan nila. Gan'on din naman kasi ang nararamdaman nilang lahat. Kahit na ayaw na niya sa Order ay ayaw naman niyang manalo ang tatlong Purebloods na mukhang may balak yatang patayin silang lahat.

"Nasaan ang mga civilians?" tanong ni Kilmar kay Linus. Napatingin din dito ang iba nilang mga kasama.

Hindi sumagot ang Knight. Sa halip ay iniwan sila nito. Nasundan na lang nila ito ng tingin nang bigla nitong inihiwalay ang isang duguang Knight na nakikipaglaban sa pader.

"Is that...?" hindi natapos ni Elliot ang tanong dahil sa disbelief.

"Knight Hood," ani Fenris. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya sina Linus at Reid. Nagpupumiglas pa ang huli dahil ayaw nitong tantanan ang pader.

"Die! Die, you sea monsters!" sigaw ni Knight Hood sabay sipa. Agad itong hinila ni Linus paatras kaya hindi tumama ang paa nito sa kalabang pader.

"Sea monster? Really?" hindi makapaniwalang ulit ni Fenris.

"Papatayin kita, Super Pineapple!" galit na sigaw uli ni Knight Hood.

"Uhm...?" hindi na napigilan ni Fenris ang mapahagikhik. Kahit na nasa gitna sila ng gulo ay nakakatawa naman talaga. Mukhang may sense of humor yata itong Brigham Pureblood. Bakit pinagti-tripan nito itong mga Knights?

The Knights of St. HarfeldWhere stories live. Discover now