19- Rich Family Problem

915 72 13
                                    

Tahimik lang si Fenris habang nasa tabi ni Knight Blood. Hindi siya nito kinakausap habang papunta sa pamilyar na hallway kaya nanatili rin siyang tahimik.

Nang buksan nito ang pinto ay pumasok siya nang walang reklamo. Pero nagtataka siya kung bakit siya dinala roon ng lalaki.

"Sit on my bed," seryoso nitong sabi kaya agad na naitakip ni Fenris ang mga braso sa kanyang dibdib.

"Uy, ano 'to, Knight Linus Blood huh?" aniya.

Loko-loko naman pala 'tong lalaking 'to.

"I said, sit on the bed," naiiling na ulit nito saka tinanggal ang suot na itim na cloak at tumambad sa dalaga ang suot nitong puting t-shirt na medyo maluwang, jogging pants na itim at sneakers.

Hindi man lang ito nagsuot ng pormal na outfit sa ilalim ng cloak nito?

Pero ang sexy nitong tingnan kahit balot na balot naman ito. Umiling siya. Hindi siya dapat nag-iisip ng mga ganitong bagay.

"Bakit nga?" aniya na hindi pa rin kumikilos.

Binuksan ng Knight ang drawer sa study table nito at nang muli siya nitong tingnan ay may hawak na itong vial.

"You are so stubborn," naiiling nitong komento pero hindi naman galit. "Please, just sit down."

Ilang segundo pa bago humakbang si Fenris at umupo sa edge ng malambot na kama.

Hinila naman ni Knight Blood ang silya mula sa mesa nito saka iyun inilagay sa harapan n'ya bago ito umupo doon. Magkaharap tuloy sila at malapit sa isa't isa.

"Give me your right hand," seryoso nitong sabi kaya dahan-dahan niyang ginawa ang utos nito.

Agad naman na hinawakan ng lalaki ang kamay niya at muntik pang mapatalon ang dalaga nang maramdaman ang init mula sa mga palad nito.

"I'm sorry. I didn't mean to startle you," anito saka tiningnan siya nang may pag-aalala sa mga mata.

Umiling si Fenris. "O-Okay lang."

He pushed her sleeve upward at agad na tumambad ang kanyang braso na nagkulay purple dahil sa mga pasa.

Napansin niya ang pagtiin-bagang ni Knight Blood. He opened the vial and carefully poured the yellowish liquid. He then gently massage her arm to spread the ointment.

His touch was so light and gentle but Fenris was running out of oxygen. Hindi niya ini-expect na may mangyayaring ganito but she would never complain.

"I should have followed you inside your bedroom," mahinang sabi ni Knight Blood pero rinig na rinig iyun ni Fenris.

"What?"

Nag-angat ito ng tingin kaya napalunok ang dalaga. Ang lapit ng mukha nito sa kanya at kitang-kita niya kung gaano ka-blue ang mga mata nito.

"I kind of followed you last night to make sure you were safe. I thought Elliot and his gang would probably be outside lurking. But I left when you entered your bedroom. I have no idea what happened inside."

Napatitig si Fenris sa mukha ni Knight Blood na ngayon ay bumalik na sa pag-massage ng braso niya. Mukhang focused na focused ito sa ginagawa kaya nagkaroon siya ng pagkakataong pag-aralan pa ang itsura nito.

Kakaiba ang kagwapuhan nito. Kakaiba sa mga lalaking taga-Narguille. Well, siguro ang Papa Juy niya ay ka-level ng kagwapuhan ni Knight Blood. Kahit na nasa forties na ang Papa n'ya ay marami pa ring nagpapapansin dito lalo na ang mga katrabaho. Her Dad was handsome pero may kaibahan pa rin sa tila exotic look ni Knight Blood.

The Knights of St. HarfeldWhere stories live. Discover now