Kabanata 13

503 22 0
                                    

Lumingon ako sa kan'ya saka siya sinamaan nang tingin, lagi nalang niya ako natatalo. Tumawa naman siya at tumayo, hindi ko naman inaasahan na hihilahin niya rin ako patayo at naglakad papunta sa pinto habang hawak ang isa kong kamay.

"Saan tayo?" Tanong ko habang naglalakad kami.

Hinila niya lang ako basta hanggang sa makalabas kami ng kwarto. Nilingon niya ako pero, ngiti lang ang binigay niya sa 'kin, doon ko lang napansin na iba na pala ang damit niyang suot nakaayos na siya, suot nito ang white v-neck shirt habang summer shorts naman ang pang-ibaba.

Nagtuloy-tuloy kami hanggang sa makarating kami sa harap ng dagat, may bangkang nagkatayo roon, lumingon ulit ako kay Anton.

Huminto kami sa harap ng bangka, kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam bakit kami nandito.

"Nakahanda na po ba?" Tanong ni Anton doon sa isang lalaking may hawak sa bangka.

"Opo, pati po ang mga pinahanda niyo sa kabilang Isla ay ayos na." Sagot nung lalaki, mas lalong kumunot ang noo ko.

Isla?

"Pupunta tayo sa Isla?" Excited kong tanong, nakangiti naman siyang tumungo. Hala! Ngayon lang ulit ako makakasakay sa bangka, tapos pupunta pa kami sa Isla.

Nakasuot ako ng X-cross na neckline top habang ang pang-baba ko naman ay alazzo, meron akong paanloob na peek-a-boo na one piece.

"Anong meron? Bakit tayo pupuntang isla?" Sunod-sunod kong tanong habang inaalalayan niya ako makasakay sa bangka.

Narinig ko siyang bumuntong hininga saka nakitang umiling-iling.

May nasabi ba akong mali? Sa pagkakaalala ko naman wala ah.

Hindi siya umimik hanggang sa magsimula na gumalaw ang bangka. Hawak niya ang kamay ko at pinagsakop ang mga daliri namin, lihim naman ako napangiti saka tumigin sa dagat.

"Ang ganda..." Nakangiti kong sabi habang nililibot ang paningin, may natatanaw na akong mga Isla kaya mas lalo ako namangha. Tamang chill muna, Mary Grace bago sumabak sa second semester.

"You like it?" Tanong niya sa 'kin, nilingon ko siya saka sunod-sunod tumungon.

Binalik ko ulit ang tingin sa dagat saka pinag-masdaan nang maayos ang paligid.

Halos isang oras din daw kasi ang byahe papunta sa kabilang Isla pero ayos lang sa 'kin kung ganito naman kaganda ang dagat na dadaanan namin.

"Wala ka bang naalala?" Medyo nagulat ako sa tanong niya, kunot noo ko siyang nilingon.  "Huh?" Naguguluhan kong tanong, wala naman ako dapat alalahanin dahil iniwan ko sad'ya ang cellphone at wallet ko sa kwarto kaya, ano dapat maalala ko?

"Wala? Meron ba dapat ako maalala?" Inosente kong tanong sa kan'ya, ngumiti lang siya sa 'kin saka ako iniharap ulit sa dagat at bahagyang hinila palapit sa kan'ya, inihiling niya ako sa dibdib niya. Sanay na ako mahiga sa dibdib niya sa halos ilang buwan na namin magkakilala at magkasama.

Tanda ko pa nung nag-twenty-one birthday siya, ang sabi ng Mama niya ay mag-dinner kami isinasama ako ni Tita pero sabi ni Anton 'wag na, ang gusto lang niya ay ang makasama ako. Parang hinaplos ang puso ko ng araw na 'yun feeling special ako sa kan'ya.

Feeling nga lang eh.

Deretsyo at tahimik ako nakatingin sa dagat, nang gulat kong linigonin si Anton na hawak ang kamay ko at hinihimas ang sing-sing sa daliri ko, deretsyo at seryoso siyang nakatingin doon na parang may iniisip.

"Ano iniisip mo?" Mahinahon kong tanong, nilingon niya ako pero, hindi siya tumigil sa pag-himas sa sing-sing sa kamay ko parang ayaw niya 'yun mawala sa kamay ko.

"Wala naman, naisip ko lang kung kasya ba rito ang tatlong sing-sing." Sagot niya, umawang naman ang bibig ko sa sinabi niya pero, agad ko naman iniwas ang tingin. Ano raw? Tatlong sing-sing?

Sira yata ulo nito bakit naman niya naisip na lagyan ang daliri ko ng tatlong sing-sing daig ko pa ang manok na nakatali.

"Ano ba sinasabi mo?" Medyo naiinis kong tanong, sino ba naman kasi matino mag-iisip nang gano'n. Ano ako nag-pakasal sa tatlong lalaki? Tapos 'di maka-move on kaya 'di tinatagtag ang sing-sing, ka-ulol.

"Well... This ring." Turo niya sa sing-sing na nakasuot sa 'kin.

"Is just an simple ring, I mean ginamit lang natin sa pag-papangap." Mahina siya tumawa habang ako ay medyo nalungkot. Bigla ko naalala na pag-papanggap na 'yon.

"Kasi mag-pro-propose ako sa 'yo plus, ang wedding ring natin." Malaki ang ngiti niyang dagdag, bigla naman nawala ang lungkot sa puso ko at agad napaltan ng ngiti, dahil sa mga sinabi niya.

'Di nalang ako umimik at umiwas nalang nang tingin saka hiniling ulit ang katawan sa dibdib niya, niyakap naman niya ang braso niya sa bewang ko na mas kinangiti ko.

Nang makarating kami sa isla ay marahan niya akong inalalayan bumaba sa bangka saka hawak kamay na naglakad papunta sa mga buhangin. Doon ko lang din napansin na parang iisa lang ang bahay sa buong Isla at may maliit na parang tindahan doon sa gilid ng bahagi ng isla. Puro puno at halaman na ang ibang bahagi, puting-puti ang nga buhangin parang ang sarap maglaro.

"Ang ganda-ganda!" Sigaw ko habang nagtatalon, pag-dating talaga sa mga Isla at dagat para akong bata nakakita nang mga ganito, rati kasi ay isang beses lang ako nakapunta sa mga ganito dahil ayaw ni Mama at Papa na pumunta ako sa mga ganito kahit kasama ko sila. Baka mapahamak ako.

Natigil ako sa pagtalon ng ipulupot niya ang braso sa bewang ko, dapat sanay na ako na nilalagay niya lagi sa bewang ko ang braso niya pero, hindi ko maisan magulat dahil minsan may kasamang pag-pisil 'yun, 'yung tipong gigil na gigil siya.

"Stop jumping, your boobs is bouncing." Bulong niya, tumigil ako dahil bigla ako nainis, hay nako ang boobs ko na naman pinag-interesan niya.

"Tumigil ka, Antonio, panira ka ng mood." Sambit ko saka tinagtag ang braso niya sa bewang ko at nanguna maglakad.

Basta kapag tinawag ko siyang Antonio ay alam niyang hindi ko nagustohan ang sinabi niya or 'di kaya galit ako sa kan'ya.

"Sweetie, wait for me!" Rinig ko panghabol niyang sigaw. Umirap ako at mas binilisan pa ang lakad.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now