Kabanata 17

464 21 1
                                    

Dalawang linggo ang lumipas simula nang umuwi kami galing sa Batangas, masyado ako masaya kaya kahit sa trabaho ay nakangiti lang ako, kahit gusto ko na patayin sa inis ang mga malditang customer.

Sumama pa 'yung Pauline na 'yun, na maldita nakakairita na siya. Lagi niya nalang pinag-malaki na fianceé raw siya ni Anton, baliw na 'yun eh halos buong school alam na ako ang fianceé ng gagong 'yun. Utot niya.

"One large fries and one large iced tea, please." Sabi ng customer sa harap ko, nang mag-angat ako nang tingin ay pilit nalang akong ngumiti sa kan'ya. Si Zanjik lang naman. Buntot ko yata ang lalaking 'to, hindi naman sa nagmamaganda. Crush yata ako.

De joke lang sa isang Rosales lang ako 'no.

"How's your day?" Tanong niya, nag-angat ako nang tingin at ngumiti nalang. Ayoko naman maging salbahe, customer pa rin siya kailangan ko pa mag-ipon ng pera para mabawi ang lupa ng mga Lola ko.

Sinangla kasi ni Tita 'yun kasi wala na kaming makuhaan ng pera nung nakaraan para sa operation ni Lola. Ayoko naman manghiram kay Anton.

"Here Sir, enjoy your meal po." Ngumisi siya saka kinuha ang order lihim naman ako umirap.

Pagod akong umuwi sa bahay, kanina pa ako nahihilo pero hindi ko pinapansin 'yun siguro dahil sa pagod lang.

Gusto ko kumain pero parang may hinahanap ang sikmura ko, parang gusto ko ng apple na binabad sa bagoong.

Napailing ako sa iniisip ko, parang nakakaadwa naman ang pagkain na gusto ko. Pero gustong-gusto ko ang pagkain na 'yun ah kairita talaga.

Kahit pagod ay nagbihis ako ng pang-bahay saka kinuha ko ang wallet ko para pumunta sa palengke, mag-seven pa lang ng gabi sana may bukas na tindahan pa.

Nang makarating ako sa palengke ay laking tuwa ko nang may nabili pa akong apple saka bagoong, para akong batang tuwang-tuwa habang naglalakad pauwi. Agad ako napahinto sa paglalakad nang may humarang sa 'kin na maliit na mataan. Jusmiyo.

"Iha, gusto mo hulaan kita?" Tanong niya pero, hindi pa ako nakakasagot ay kinuha niya na ang palad ko.

"Iha 'wag ka maniniwala basta-basta sa naririnig mo at alagaan mo ang sarili mo dahil posibling may mamatay kung hindi mo aalagaan ang sarili mo, nakikita ko rin na magiging sawi ka sa pag-ibig lalo't na nang dahil sa maling akala. Kaya sinasabi ko sa 'yo, 'wag ka basta-basta maniniwala sa sasabihin o maririnig mo sa taong 'di mo naman talaga kilala ang pagkatao. Maaring ito ang sumira sa masaya mong buhay." Mahabang sabi niya at binitawan ang kamay ko saka naglakad na palayo sa 'kin.

Bigla ako kinabahan sa sinabi niya pero hindi ko siya kilala, tsaka hindi ako naniniwala sa mga hula na 'yan. Hula nga lang eh, 'di naman 'yon magkakatotoo, ang hula ay mananatiling hula.

Umiiling nalang ako saka nagpatuloy sa paglalakad pauwi. Wala ngayon si Anton dahil sinama ng kan'yang Papa sa isang business dinner, may pasok pa ako mamayang umaga kaya kailangan ko rin matulog ng maaga.

Kinain ko lang ang binili ng maubos ko 'yun ay bigla ako kinain ng antok. Nang magising ako ay umaga na kahit tinatamad maglakad ay nag-pasya na ako tumayo, lalakad pa lang sana ako papasok ng banyo ng bigla ko maramdaman bumaliktad ang sikmura ko kaya tatakbo akong pumasok ng banyo saka lumuhod sa inodoro.

Pota suka all you can?! Sumuka lang ako nang sumuka, pagkatapos ko sumuka ay nakaramdam naman ako nang hilo punyeta! Kasalanan yata 'to ng apple na kinain ko kagabi, bakit kasi ako kumain ng gano'n pagkain.

Gusto ko pa matulog pero, ayokong um-absent sayang ang attendance, attendance ang pinaka mahalaga sa college. Kaya kahit inaantok ay pinilit ko ang sarili ko maligo, matapos ko maligo ay dali-dali na ako nag-bihis ng uniform saka lumabas ng bahay.

Naglalakad ako papasok ng school total malapit lang sa bahay ang school ay naglalakad lang ako,

"Pabili nga po." Sabi ko sa tindero ng tinapay, hehehe ewan ko bigla ako nagutom.

"Ilan?" Tanong niya.

"20 pcs po." Sagot ko, nanlaki ang mata niya.

"Sigurado ka?"

"Opo hehehe." Pakibilis! naglalaway na ako rito, mukha talagang masarap ang crispy cheese donut, never ako kumain nito kasi 'di ko talaga gusto ang cheese pero parang ngayon gusto ko sila lantakan lahat.

"Salamat po." Sabi ko saka nagbayad at sinimulan kumain.

***

Tamad akong naka-ubob sa lamesa sa loob ng cafeteria habang tuloy naman nang dada si Jill.

"Alam mo, Grace nacurious lang ako sa bagay-bagay, like mga sex like that kaya nag-research ako kahapon guess what sa mga nahagilap ko." Excited na niyang kwento pero, wala talaga ako sa mood dumaldal, kasi masakit ang ulo ko tsqkq gusto ko ngumuya nang ngumuya kahit kanina pa ako suka nang suka.

Iniisip ko nga baka buntis ako peroz impossible naman may nabuo agad dalawang linggo pa lang 'no kaya impossible 'yun.

"Women can get pregnant five to eight days after having s*x! Grace imagine!" Sigaw niya kaya napaharap ang ibang estudyante na kumain, ako ang nahihiya para sa kan'ya.

Pero anong sinabi niya? Pwede na mabuntis sa loob lang ng W-Walong araw what the aber?

"Tapos eto pa, S*x Positions that can make It easier to get pregnant, ccording to Ob-Gyns Missionary, Doggy sty-"

"Potah! Tahimik! Adwa mo!"

'Di ko siya gets.

Pero, 'di ako makamove-on doon sa una niyang nasabi.

Napalingon ako sa tiyan ko saka marahan na hinaplos 'yun. Pero, paano mangyayari 'yun isang beses lang naman may nangyari sa 'min.

Baka magkakaroon na ako, kaya ganito ang mood ko wala nang ibang dahilan, tama!.

Hindi pa ako pwede mabuntis ipapagamot ko pa ang kapatid ko, tapos pag-aaralin ko pa siya. Marami pa akong pangarap, ayoko maging pabigat. Gusto ko sila nalang pabigat huwag lang ako

Pero, kung buntis nga naman ako. Wala akong magagawa kundi mahalin at alagaan ang batang 'to. Dahil wala naman siyang kasalanan sa kasalanan ng magulang niya, nasa tamang edad na ako pero, hindi ito ang tamang edad para maging magulang.

Pero, buntis nga ba ako? Paano kung buntis nga ako, tanggapin niya kaya ang bata na dinadala ko? Pananagugan kaya ako ng playboy nakatulad niya? Kung ako... Hindi pa ako sigurado kung handa na ba ako maging ina, paaano pa kaya siyang... Mahal ang kalayaan niya?

Deal With The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon