Kabanata 11

495 26 1
                                    

Bwisit na bwisit ako nang makauwi ako dahil sa lalaking 'to. 'Di man lang ako sinabihan.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, nakalagay na sa maleta ang mga damit ko at magbabakasyon daw kami.

Tutal naka sem-break kami tsaka tapos na ang first sem namin. Hindi naman siya interested sa sport fest kaya, pupunta nalang daw kami sa batangas.

"Uy." Tawag pansin niya sa 'kin pero, hindi ko siya pinapansin, mali pa rin ang desisyon niya isama ako nang 'di sinasabi sa 'kin gusto ko man 'wag sumama pero anong magagawa ko? Inempake na ng gago ang lahat ng gamit ko.

Badtrip! What if ayoko sumama?

"Bakasyon lang 'to, makakapag-pahinga ka roon." Sabi niya pa pero, hindi ko pa rin siya pinansin at nanatili nakatingin sa bintana.

"Grace."

"Mary grace."

"One."

"Dalawa."

"Magsasalita ka or hahalikan kita?" Seryoso at nagbabanta ang tono niya kaya mabilis akong humarap sa kan'ya saka umirap.

"Gago ka talaga!" Sigaw ko, saka binalik ang tingin ulit sa binata. Malakas naman siyang tumawa.

"Alam mo, Sweetie 'wag kana magalit, gusto ko lang magbakasyon tayong dalawa." Panlalandi niya, paano ko nasabi? Taena boses 'yan ang landi, pero alam kong panlalambing din 'yun pero, para sa 'kin panlalandi 'yon. Dahil malandi siyang nilalang.

"'Wag mo 'ko ma-sweetie sweetie malandi ka!" Galit kong sigaw, tumawa naman siya. Isang tawa mo pa manununtok na ako.

Hindi na siya umimik at pinagpatuloy nalang ang pagmamaneho. Nasa NLEX pa lang kami kaya hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Pagkagising ko ay nasa kama na ako.

Nasaan naman ang gagong 'yun? Iniwan lang ako rito? Aba gago nga.

Mabilis ako luminga-linga sa paligid hanggang sa makita ko ang orasan sa tabi ng kama.

Nine na ng gabi? Aba malupit.

Napabaling ako sa pinto ng kwarto nang bumukas 'yun at pumasok si anton.

"Saan ka galing?" Tanong ko agad habang nanatiling nakaupo sa kama. Ngumisi naman siya saka binaba ang dalawang paper bag na buhat niya.

"Miss me?"

Umirap naman ako. "Miss me mo mukha mo." Pagtataray ko saka tuluyan tumayo at pumunta ng banyo.

Nag-tooth brush muna ako saka naghilamos at lumabas ng banyo.

Nakasuot ako ng simpleng white dress simula pa kanina kaya gusto ko na magpalit ng damit. Akmang lalagpasan ko lang siya ng bigla niya ako hilahin paupo sa hita niya.

"Galit ka pa?" Tanong niya 'di naman ako sumagot, pilit ko inaalis ang kamay niya nakapulupot sa bewang ko.

"Sorry na... Gusto ko lang naman kita makasama eh." Panlalambing niya saka pinatong ang baba sa balikat ko.

"Bitaw." Utos ko.

"No."

"Bitaw sabi!"

"No, sabihin mo muna hindi ka galit."

"Bitaw antonio para kang bakla."

"'Di ako bakla."

Umirap nalang ako saka pinipilit pa rin inaalis ang braso niya sa bewang ko. Gagong 'to bakit ba ang higpit ano 'to may super glue?

"Sweetie, mag-dress ka nalang lagi bagay sa 'yo." Saad niya habang nakapatong ang baba sa balikat ko. Nilingon ko siya mula sa salamin.

Hindi ko matatawag ang relasyon namin dalawa bilang mag-boyfriend at girlfriend. Una, hindi ko siya boyfriend pangalawa fiancé niya lang ako biglang pagpapangap.

Pero, para kami mag-jowa.

Walang label. Gano'n. Siguro? 'di ko rin alam.

"Tumigil ka." Utos ko kasabay na malakas kong pinalo ang braso niya nakinadaing niya.

"Napaka mapanakit mo!" Singhal niya habang hawak ang braso pinalo ko. Umirap naman ako saka naglakad palapit sa maleta pero agad ako nagtaka ng makita ko ang mga damit kong nakatupi na sa closet kaya bumaling ako kay Anton.

"Inayos mo?" Tanong ko, tumungo naman siya habang hawak pa rin ang braso hinampas ko. Gusto ko makonsenya pero saka na.

"Sweetie, ang cute ng undies mo." Bigla niyang saad na kinalaki ng mata ko.

"Gago!" Singhal ko saka dali-dali kumuha ng jogging pants at white t-shirt at tatakbo bumalik ng banyo.

Nang makapagbihis ako ay agad ako lumabas dahil nagugutom na ako. Sakto naman nakita ko si ariel naghahanda na ng hapunan.

"Anong pagkain?" Agad kong tanong saka naupo sa harap niya.

"Kare-kare favorite mo, tsaka, barbeque." Saad niya saka umupo sa tabi ko at pinagsandukan ako ng pagkain.

Matagal-tagal ko na rin kasama si Anton sa bahay niya. Almost three or four months na rin lagi niya ako pinagsisilbihan. Parang sa school lang almost four months na ako stress, BBA pa, Grace. May second semester pa. Parang tatlong linggo semester break namin pero may sports fest tapos enrollment ulit for second semester.

"Kain na." Utos niya, tumungo naman ako, tutal gutom na rin ako eh. Pagkatapos namin kumain ay niyaya niya akong lumabas, ayaw ko sana kaso wala naman din ako gagawin sa loob ng kwarto kaya sumama na ako.

Hawak niya ang kamay kamay ko, naglakad palabas ng kwarto hanggang sa marating namin ang tabing dagat.

"Anton." Tawag ko.

"Hmm?"

"May tanong ako," bumuntonghininga, kaya napatigil kami sa paglalakad.

"Ano 'yun?" Deretsyo ang mga mata niya nakatingin sa'kin.

"Naka move-on ka na ba?" Tanong ko, akala ko hindi niya agad sasagutin 'yun pero nagka-mali ako. Malaki siyang ngumiti sa'kin saka hinawakan ang isang kamay ko gamit ang isang kamay niya.

"Oo naman. Matagal na, hindi kapa dumating, masyado pa ako bata noon." Sagot niya habang ang mga mata ay nasa kamay ko at hinihimas ang engagement ring ko.

"Pero, first love mo siya." Gusto ko sampalin ang sarili ko dahil hindi ko mapigilan ang magtanong. Hindi alam ni Anton na kapatid ko ang ex niya.

"You know grace... Yes she was my first love but, not my true love, I was to young that time and fooled by love, I don't really understand what's is the true meaning of love."

Mariin ko kinagat ang pang ibaba kong labi dahil hindi ko maitago ang ngiti na gusto ng kumawala.

"Talo ng true love ang first love, Grace kaya, stop thinking, okay?" Sambit niya saka ngumiti sa 'kin ngumiti naman din ako.

"Paano, kapag sabihin kong gusto kita?" Pagtatanong ko. Ay tanga! daldal ng bibig ko 'di matali! Handa na po ako umiyak.

Sumilay naman ang ngiti sa labi niya saka marahan na inabot ang braso ko at hinila palapit sa kan'ya. Hindi agad ako naka-react dahil sa gulat. Mabilis niyang pinulupot ang braso niya sa bewang ko bago nilagay ang baba niya sa tuktok ng ulo ko.

"Good. Gustohin mo ako, mas gusto ko 'yun." Saad niya kumunot naman ang noo ko dahilan nakinatingala ko sa kaniya.

"Huh?"

"Gusto kita, Grace matagal na, alam kong alam mo 'yun hindi mo lang pinahahalata. May sisiguraduhin lang ako."

"Saan?"

"Sa puso ko." Sagot niya.

Akmang magsasalita ulit ako pero, mabilis niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko saka nilapat ang labi niya sa labi ko.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon