Kabanata 1

1K 42 0
                                    

Unang araw ngayon nang pagpasok ko sa school.

First year college na ako sa Wiltson University, BBA ang kinuha kong course.

My family is into business, that's why.

Dahil kaibigan ko naman ang anak ng may-ari ng school namin ay madali akong nakapasok. Nakaayos na ako ngayon ng uniform ng school, kakaiba ang school na 'yun akala ko ay kapag college na ay hindi na mag-uniform pero sa bagay sa iba nga may type A, type B, and C pero kasi, sa kanila ay iba't iba ang uniform ng elementary, high school, senior high, at college.

Purong puti ang sa elementary puting dress ang sa babae at puting polo at itim na pants naman ang sa lalaki, kulay green ang kanilang necktie. Sa high school naman ay maroon na pantalon at light brown na polo ang sa lalaki, sa babae naman ay maroon na palda, itim na sock, at light brown na blouse, at brown naman ang kanilang necktie.

Sa senior high ay dark brown na palda naman na hindi lagpas tuhod, puting socks, at puting longsleeves ang sa babae, sa lalaki naman ay simpleng black pants and dark brown na polo, dark brown naman ang kanilang necktie.

Sa college naman ay kulay itim na palda, puting longsleeves, dark red coat, at puting sock ang sa babae, sa lalaki ay itim na pants at puting polo at kulay itim ang necktie namin.

Pero hindi siya madalas suoting, madalas ay monday lang.

Nang makapag-ayos na ako ay lumabas na ako nang aking kwarto roon ko naman nakita ang aking kapatid at tiyahin na nag-aayos ng mga pagkain dadalhin sa karenderya namin.

"Magandang umaga po, Tita." Bati ko saka humalik sa kan'yang pisngi.

"Mary, gising ka na pala, may baon kana ba?" Akmang bubunot na ng pera si Tita ay pinigilan ko na agad siya.

"Tita, meron po akong pera kaya nga po ako nagtratrabaho ako para sa pag-aaral ko kaya 'wag kayong mag-alala." Nakangiting kong tutol.

"Oh siya, mag-ingat ka roon bata ka, 'wag ka papalipas ng gutom." Paalala sa 'kin ni Tita. Tumungo ako.

"Opo Tita, pasok na po ako baka ma-late pa po ako."

Nilakad ko lang ang school namin dahil malapit lang ito sa apat na school ang magkakalaban dito sa lugar namin marami naman school dito kaso, itong apat ang pinaka sikat at mamahalin, laging nangunguna ang Lee International School, pangalawa ang Jackson International School habang pangatlo naman ang school namin na Wiltson International School at panghuli ang Delemento University.

Mahirap man ang naging buhay namin dahil nasanay rin ako sa marangyang pamilya ngunit nasanay naman nung nagtagal-tagal sad'yang ganito ang buhay maraming pagsubok.

Nang makarating ako sa school ay kita ko agad ang nag-gagandahang building at mga sasakyan ng mga estudyante talagang mayayaman sila.

Dali-dali ko naman hinanap ang department ko kung saan ako nakapalagi. Malaki ang school na 'to pero, kinaya ko naman agad hanapin ang room ko sa pinaka department building namin, dahil hindi naman ako nahirapan dahil sa isang building ay sama-sama nando'n, ang maganda pa rito ay hindi na kayo ang lilipat kundi mismong teacher na kaya nakakatuwa pero, depende rin, may mga magiging kaklase kami na taga ibang course.

Pagkapasok ko pa lang sa room ay kita ko na agad ang mga matang nakatingin nila sa akin, bakit dahil hindi mamahalin ang bag ko? Pakialam ba nila.

"Poor girl." Rinig kong wika nung isang babaeng maarte. Pakialam mo kung mahirap ako.

"Cheap."

"Scholar na naman?" Problema roon?

'Di ko nalang sila pinansin saka nagpunta sa pinaka dulong upuan dahil alam kong ayaw nila ako makatabi.

Wala naman kaming ginawa sa klase dahil na rin nga sa unang araw pa lang din ng pasok pero, pansin ko ang isang lalaking kanina pang nakatingin sa 'kin, agad ako nagulat nang bigla kong maalala kung sino ang taong iyon, dahil siya ang lalaking tinulungan ko sa bar! 'Wag niyang sabihin college pa lang din siya at ka blockmates ko pa talaga!

"You..." Tawag pansin niya sa 'kin nang dumaan ako sa harap niya, tanda pa rin niya ako, taena.

"Yes?" Kinakabahan kong sagot, dahil taena, ikaw ba naman makita katabi niya sa kama nang wala siyang kaalam-alam.

"I have a offer for you." Walang gana niyang sabi sabay abot sa 'kin ng brown envelope, Ano 'to? Malamang envelope, Mary Grace pero, para saan 'to?

Binuksan ko ang envelope at doon ko na kita ang makapal na tig-iisang libo! Ang laki nito! Bakit niya binibigay sa 'kin 'to?!

"Uhm... Sir? Bakit niyo po binibigay sa 'kin 'to?" Taka kong tanong, at anong offer sinasabi niya? Gagawin ko na 'yun, malaking pera 'to para na rin sa pagpapagamot sa kapatid ko.

"Let's have a deal, magpapangap ka lang naman bilang fiance ko." Walang gana niyang sabi nakina laglag ng panga ko.

Anong sabi niya! Fiance?! Wala nga akong boyfriend, fiance pa kaya.

"Hoy lalaki ano'ng trip mo at gusto mo 'ko magpanggap na fiance mo ha?!" Inis kong singhal kailangan ko ng pera at kaya ko maging fiance ng halimaw na 'to pero, bakit ha bakit?!

"Alam kong kailangan mo ng pera, kilala kita, ang company niyo noon ay bumagsak kailangan mo ng pera para sa kapatid mo, 'di ba?" Ngumisi siya, taena stalker ang hanep.

"Pag-isipan mo nang mabuti malaking pera rin 'yan, tsaka 'yang pera na 'yan iyo na 'yan" ngumiti siya sa akin sabay ngisi. "Bayad  ko sa paghatid mo sa 'kin kagabi." Dagdag niya saka ako kinindatan at naglakad paalis.

Ang kapal-kapal ng mukha! Ang landi ng hayop na 'to napaka playboy, peste siya!

Buong maghapon ay nainis lang ako sa lalaking 'yun bwisit siya! Magmumukha akong bayaran babae pero, hindi naman katawan ko ang babayaran, 'di ba? Pero, binayaran pa rin!

Pagkauwi ko ay agad akong nag-ayos ng sarili dahil may pasok pa ako sa fast food pero, bago ako pumasok ay dumaan muna ako kala Tita sa karenderya.

"Tita..." Tawag ko sabay abot ng pera sa kan'ya na bigay sa 'kin ng bwiset na lalaking 'yun!

"Grace, saan galing 'to?!" Sigaw na sabi ni Tita kaya napatakip ako bahagya ng tainga.

"Nagbenta kana ba ng katawan ha?!" Sigaw niya sa 'kin sabay pingot sa tainga ko. Napadaing naman agad ako, gago.

"Ah! Aray Tita— bitawan mo 'ko hindi ako nagbenta ng katawan!" Inis kong sabi saka hinila ang sarili palayo sa kan'ya.

"Aba bata ka, eh saan mo nakuha 'to?" Tanong niya sa 'kin sabay senyas sa pera na nasa kamay niya.

Napairap ako. "Bayad po sa 'kin dahil may tinulunga ako kagabi."

"Bayad sa 'yo dahil may tinulunga ka? Ganito kalaki, niloloko mo ba akong bata ka?" Galit pa ring singhal ni Tita, nagsasabi naman ako ng totoo eh.

"Oo nga Tita, malaki na rin tulong 'yan sa pagpapagamot ng kapatid ko." Mahinahon kong paliwanag, saka sinulyapan ang kapatid kong nahihirapan pa rin maglakad hanggang ngayon halos ilan taon na rin nakalipas.

"Sige na po Tita, alis na po ako papasok pa po ako." Paalam ko saka naglakad na paalis.

Papayag ba ako sa deal na sinasabi ng lalaki 'yung magkano ang sweldo? Malaki ba? Magpapangap lang naman ako kaya ko naman lahat ng trabaho 'wag lang magbenta ng katawan.

Sino pala ang lalaking 'yun? Hindi ko na tanda ang pangalan niya tangi ang malambot na lab— Gago manyak mo Mary Grace. Tinamaan pa naman, Mary ang pangalan mo.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now