Kabanata 9

505 26 5
                                    

"Tatayo ka lang d'yan?" Tanong niya sa 'kin at tinapik ang bahagi ng kama kung saan walang nakahiga.

Kanina pa ako nakatayo sa harap niya at nag-iisip kung tatabi ba ako sa kan'ya o hindi.

Eh kasi naman 'yung Mama niya, gantong klaseng damit ang pinasuot sa 'kin. Labas ang kaluluwa ko, Aber.

"Bakit ba kasi kailangan tabi tayo?" Inis kong tanong bago siya mahinang hinampas sa balikat, tumawa naman siya.

"I like your tattoo." Sabi niya saka sinenyas ang hickey na binigay niya sa 'kin kanina, tattoo ang hayop.

"Ako ang nag-tattoo sa 'yo." Pang-aasar niya pa, saka malakas na humalakhak hinampas ko na naman siya.

"Hayop ka kasi! Napaka babaero mo!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Sweetie, hindi na ako babaero ngayon 'no." Pagmamalaki niya. Gago ba siya? Bakit niya ba ako tinatawag na sweetie? Bigla nalang tuloy bumibilis tibok ng puso ko.

"Babaero ka pa rin!"

"Real— sweetie stop! Naiipit ang kapatid ko." Natatawa niyang ipigil habang nakatingin sa 'kin, ano raw? Kapatid?

"Anong kapatid?" Taka ko tanong saka tumigil sa pag-hampas sa kan'ya. Hindi siya umimik at bumaba lang ang tingin niya sa pagkalalaki niya at laki gulat ko nakabukol 'yun.

Gago!

"Manyak!"

Mabilis siya nag-iwas nang tingin sa 'kin.

"'Yung... Dibdib mo kasi!" At talaga sinisi pa ang dibdib ko! Eh talaga naman manyak siya.

"Talagang sinisi mo pa ang dibdib ko eh, manyak ka!" Sigaw ko sa kan'ya at patuloy siyang hinampas.

"Sadista ka!" Daing niya. Inis na inis ko ulit siyang hinampas.

"Sweetie, hindi ko kasalanan ng dahil na makulit ka umalog nang kaunti ang pakwan mo. Anyway, good for you, hindi siya malaki hindi rin siya maliit, normal lang." Nang-aasar na naman. Taena talaga nito!

"Ayoko pa naman ng malaki at maliit." Dagdag pa niya, Hayop talaga!

"Ikaw, abnormal ka! Baliw!" Sabi ko saka nahiga sa kama at binalot ang sarili roon sa kumot. Bahala siya, nakakahiya tuloy.

"Don't worry, Sweetie, I like your boobs." Pang-aasar niya pa. Anak ng tupa.

"I'm sure—"

"Hindi ka tatahimik?" Naiinis kong tanong, napupuno na talaga ako.

"Tatahimik na po."

Parang gago ang isa 'to, normal lang ang boobs ko?! Eh para sa 'kin malaki na 'to. Malay ko ba sa kan'ya na mahilig siya sa kasing laki ng gulong ng sasakyan.

"Tulog ka na?" Tanong niya, kanina pa kami tahimik. Hindi ako sumagot, maya-maya naramdaman ko na lang na tumayo siya, kaya sumilip ako at nakita ko siya kumuha ng unan sa walk-in closet niya saka nag-latag doon sa sofa niya. Anong trip niya?

"Hoy!"

"Oh, gising ka pa pala, bakit?" Tanong niya.

"Bakit ka nand'yan?" Tanong ko. "Tutulog." Tipid niyang sagot.

"Bakit d'yan ka?" Taka ko tanong, siya itong kanina gustong-gusto ako makatabi. Tapos siya ito lilipat. Abnormal talaga.

"Because, may respeto ako sa 'yo." Sagot niya pero, anong konek?

"Alam ko pero, ang tanong ko, bakit ka r'yan matutulog?" Pag-uulit ko sa tanong ko.

"Kasi..."

"Kasi? Ano?"

Deal With The Playboy (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu