Kabanata 15

543 27 0
                                    

"Sweetie, It's okay If you hurt that's mean you are really love me." Aniya saka ako mahigpit na niyakap, gumanti naman ako ng yakap sa kan'ya saka sinubsob ang mukha sa dibdib niya. Hay nako ang arte-arte ko na talaga kairita!

"Grace, always remember na 'wag ka mag-isip ng kung ano-ano ang isipin mo ay hindi kita iiwan at ipagpapalit sa iba.
Dahil..."

Pinutol niya ang sasabihin tumingala ako sa kan'ya saka siya pinagkatitigan.

"Dahil?"

"I love you too..." Pagtutuloy niya, hindi agad ako nakagalaw, mahal niya na ako? Mahal niya na raw ako?!

"Anton..." Naluluha kong tawag sa pangalan niya agad ko nakita sa mukha niya ang pag-alala, dahil sa reaction ko.

Hindi ko na siya hinayan magsalita at mabilis ko siniil ang labi niya, marahan ko sinara ang mata ko saka ginalaw ang labi sa labi niya. Gumanti naman agad siya ng halik, halata sa kan'ya na nang gigil siya sa labi ko dahil paulit-ulit niya 'yun kinagat.

***

Nagising ako at dali-dali napalingon sa katabi ko. Nandito pa rin siya akala ko iiwan niya ako pagkatapos nang mangyari sa 'min. Dahil playboy siya babaero kapag nakuha na ang gusto ay tapos na. Madali ako napangiti ng makita ko kung gaano kahigpit ang yakap niya sa bewang ko, animoy ayaw niya na ako wala pa sa kanya.

Mas lalo lumaki ang ngiti ko nang maalala ko ang huling sinabi niya bago ako nakatulog.

Mahal niya na ako, matagal ko hiniling na sana marinig ko 'yun sa kan'ya na mahal niya ako, at ito na nga narinig ko na sa kan'ya iyon.

Inikot ko ang katawan ko paharap sa kan'ya saka niyakap siya, siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya naramdaman ko naman mas humigpit ang yakap niya at mas hinapit niya ako padiin sa kan'ya.

Hindi ko akalain maisusuko ko ang pinakainiingatan ko sa kan'ya, pero mahal ko siya at hindi ako nagsising binigay ko sa kan'ya ang una ko.

Pumikit ako saka siya niyakap nang mahigpit ang sarap sa pakiramdam na kayakap ko siya ngayon ng sobrang higpit, masyado pa rin masakit ang pagkababae ko ramdam ko 'yun.

Dahil ng umikot ako paharap sa kan'ya ay bahagyang kumirot 'yun.

"Anton..." Malambing ang tono ng boses ko, saka mas lalong idiniin ang sarili sa kan'ya. Tanging ungot lang ang sagot nito, mukhang mas pagod siya kaysa sa 'kin, well siya naman ang gumawa ng lahat, virgin ako at wala akong alam sa mga gano'n. Nakanood ako, syempre tao lang pero, never ko pa naranasan.

"Mahal mo ba talaga ako?" Palambing kong tanong. Hindi ko alam sa sarili ko gusto ko pa rin masigurado na hindi panaginip ang lahat ng sinabi niya.

"Yes, I really love you..." Antok niyang sagot ngumuso naman ako pigil ang kilig.

Parehas kaming walang saplot at ramdam ko ang lamig sa kwarto, roon ko lang din napansin na gabi na, dahil madilim na sa labas. Bukas ang aircon, pero, hindi gano'n kalamig ang nararamdaman ko, siguro dahil kayakap ko siya.

"Alam mo hindi ko alam na aabot ako sa punto na ibibigay ko ang sarili ko sa 'yo..." Pagsisimula ko, bigla naman niya hinawak ang balikat ko kaya napaangat ako nang tingin sa kan'ya, gano'n nalang ang gulat ko. Dahil nakakunot na ang noo niya.

"Bakit?" Medyo naguguluhan kong tanong, aba malay ko ba bakit naging hugis ampalaya ang noo niya.

"Nagsisi ka ba?" Nagulat ako dahil sa boses niya, para siyang batang nawawala sa mall dahil sa tono niya.
"Hindi."

"I thought nagsisi ka, mahal na mahal kita, Grace alam ko 'yun sa sarili ko, ayokong mawala ka sa 'kin, ipinapangako, ikaw ang papakasalan ko." Malambing ang pagkakasabi niya bago ako kinabig ulit payakap sa kan'ya, gumanti naman agad ako ng yakap, feeling ko nag-aalala siya na baka nagsisi ako na binigay ko sa kan'ya ang sarili ko.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now