Kabanata 16

494 24 0
                                    

"Magbihis kana." Utos niya sa 'kin bago siya tumayo, ngumuso naman ako.

'Di ko naman kasalanan na hindi ko inalala ang monthsary na sinasabi niya. Lumabas na siya ng kwarto kaya tumayo ako at parang lumpiang na naglakad papunta sa closet ng kwarto. Laking gulat ko ng makakita ako nang madaming damit doon na tama lang ang sukat sa 'kin.

Planado nga lahat, magaling kang gago ka.

Kumuha nalang ako ng isang simpleng dress habang ang panloob ko naman ay one shoulder na one piece.

Lumakad ako papunta sa tabi ng kama saka tinignan ang kahon na regalo niya, binuksan ko 'yun laking tuwa dahil birthstone ko 'yun.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon niluwa no'n si Anton, na bihis na bihis na. Ngumiti siya sa 'kin saka lumapit. Ay hindi na siya tampo?

"Gutom kana?" Tanong niya agad naman akong tumungo ngumiti naman siya bago ako binigyan ng halik.

"Masakit pa?" Tanong niya nag-iwas naman ako ng tingin saka umirap.

Malamang pero, ayos pa rin nakakalakad pa naman ako.

Sa ginawa niya kanina ay parang ayaw niya na ako palakarin, buti nalang malakas ako.

"Let's go." Yaya niya saka ako hinila patayo, nagpahila naman ako hanggang sa makalabas kami sa bahay, lumakad kami papunta roon sa maliit na bahay na nakita ko kanina.

"Uhm... May tao pa ba rito sa Isla, maliban sa 'tin?" Tanong ko.

"Wala na." Tumungo ako.

Tumigil kami sa tapat na maliit ng bahay, may kinuha siya sa bulsa at susi 'yun agad niyang binuksan ang pinto at umawang ang bibig ko ng makita kung ano nasa loob noon.

Tanging mga sinding kandila lang ang nagsisilbing ilaw, habang ang isang bilog na mesa na may mga pagkain, sa isang naman upuan ay may mga pulang rosas, lumingon ako kay anton pero ngumiti lang siya saka ako inalalayan umupo sa upuan kung nasaan ang mga rosas saka ang mga iyon ay binigay sa'kin.

"Salamat..." Nahihiya kong sabi, dahil mukhang pinaghandaan niya ang lahat. Tapos ako kinalimutan ko lang.

"Hindi gan'yan ang Grace nq minahal ko." Nagulat ako sa sinabi niya, kaya dali-dali ako nag-angat nang tingin.

"Ano?" Med'yo inis kong tanong.  "Joke." Tumawa siya. Kahit kailan basag trip 'tong gagong 'to.

Umirap nalang ako saka nilipat ang tingin sa pagkain. May sinigang, kare-kare, adobo, inihaw na manok, at iba pa halos lahat 'yun ay favorite ko kaiinin.

Iba talaga magpakilig ang lalaking 'to.

"Gutom na ako." Sabi ko saka binigyan siya ng pagkain sa plano. Mukhang nagulat pa siya pero, ngumiti nalang ako


***

Tahimik akong nakaupo rito sa tabing dagat, nasa may bahay si Anton at nagpaalam na maliligo muna kaya ng ma-bored ako sa loob ay naglakad-lakad ako sa tabing dagat hanggang sa mapagod ako at maupo nalang ako.

Sobrang saya ko ngayon, ito na yata ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko. Isipin mo 'yun nakipag-deal lang ako sa playboy na 'to na hindi ko akalaing mamahalin ko.

Pinangako sa sarili ko noon hindi ko igagaya ang sarili ko sa Papa ko.

Sa papa kong nagka-anak sa iba na mas pinili niya ang babae niya noon pero, bumalik pa rin sa amin. Wala akong galit sa naging babae ni Papa dahil alam kong biktima siya ng pagmamahal. May ibang klase kasi ng kabit, merong ginusto niya mismo, meron naman hindi niya ginusto, at hindi niya alam na kabit pala siya.

Ang naging pangalawang babae ni Papa ay biktima lang siya ng mga pangako na hindi totoo, umaalis si papa dati para sa business meeting niya, 'yun pala umuuwi sa babae niya. Pero sa akala ko na alam ng kabit niya na kabit siya pero, nagkamali ako. Walang alam si Tita. Ang alam niya ay single si Papa at matandang binata.

Nagalit ako sa papa ko dahil awang-awa ako kay Tita Sil, na silaw siya sa pangako ni Papa. Akala niya walang asawa si Papa nang makilala niya ito at ito ang sabi sa kan'ya niya tpapa.

Doon ko napatunayan na, hindi lahat ng kabit ay sila ang may kasalanan.

May mga naging kabit na hindi nila ginusto at hindi nila alam. Ang masakit talaga lang is, 'yong inakala mong niloko ka, may babae siya 'yon pala, ikaw 'yong babae niya. Nagka-anak sila, si Rae.

Kaya simula ng oras na 'yun na nangako ako sa sarili ko, kapag ako ang nagmahal hindi ako hahanap nang iba. At pagnangako ako sa altar ay tutupadin ko ang lahat ng sasabihin ko roon. Kung maghahanap man siya ng iba, kasalanan niya na iyon, wala akong kasalanan doon.

Natigil ako sa pag-iisip nang may umupo sa tabi ko, agad naman ako napalingon.

Ngumiti ako. "Madaling araw na pero, nandito ka pa rin." Sabi niya saka inabot sa 'kin ang isang jacket. Agad ko naman sinuot 'yun saka ngumiti muli at binalik ang tingin sa dagat.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsakop ang mga daliri namin, hindi na ako nagtaka dahil 'yun naman sad'ya ang hilig niyang gawin.

"Alam mo ba gustong-gusto ko ang dagat." Pagkwekwento ko, never ako nag-share sa mga tao ng mga gusto ko lalo na ng mga dinadamdam ko pero, kapag si Anton ang kasama ko nasasabi ko lahat ang gusto kong sabihin.

"Kaso may kilala akong tao na takot sa dagat, ayaw na ayaw niya sa dagat." Mapakla akong ngumiti. "Mahal ko siya kaya, kahit gustong-gusto ko ang dagat ay lumayo ako sa dagat para makasama siya." Pagtutuloy ko.

"Pero, ngayon galit ako sa kan'ya dahil may kasalanan siyang nagawa sa isang tao na sobrang bait, hindi ko alam bakit niya nagawa 'yun." Mapait ako humalakhak, wala naman talaga ako balak isali sa usapan na 'to ang namatay kong kapatid pero hindi ko maiwasan.

"Nanakit siya ng damdamin ng tao kaya galit ako sa kan'ya." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Grace, masama magtanim ng galit sa isang tao." Giit nito, alam mo 'yung feeling na gusto mo tumawa kasabay na may galit na damdamin. Mahal ko 'tong tao na 'to, tapos sinaktan lang pala ng isang taong mahal na mahal ko noon.

"Before, galit na galit ako sa isang tao, dahil sinaktan niya ako." Kwento niya, kahit hindi niya sabihin sa 'kin kung sino 'yun. Alam ko na naman kung sino ang tinutukoy niya.

"Pero, nagpapasalamat ako sa kan'ya dahil sinaktan niya ako, na bata pa lang ako natuto na agad ako at namulat pero... Natuwa ako lalo dahil..." Dagdag niya nagulat ako kaya napalingon ako sa.kanya, deretsyo siyang nakatingin sa dagat.

"Dahil?"

Tumawa siya saka ako nilingon hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko saka marahan na hinalikan 'yun.

"Kasi nakilala kita, kung hindi niya ako sinaktan hindi ako matuto at hindi kita makikilala at mamahalin." Sinakop ng isang palad niya ang kabilang pisngi ko saka marahan na pinisil 'yun.

"Mahal na mahal kita, Grace, mas mahal pa kita sa babaeng minahal ko noon, akala ko wala na akong mamahalin iba. Pero, ng makilala kita roon ko nalaman ang salitang move-on at pag-asa, binigyan mo ng pag-asa ang puso ko para magmahal ulit, at ikaw ang naging dahilan ko para mag-move on."

"Kaya 'wag mo 'ko iiwan ha? Kasi baka hindi ko na kayanin mag-mahal muli ng iba. Mahal na mahal kita, I really love you so much, Mary tgrace. Ikaw lang ang hihintayin ko sa altar." Ngumiti siya saka marahan na hinalikan ang noo ko, gusto ko umiyak dahil sa tuwa pero, ayoko maging nega sa paandar ng gagong 'to.

"'Wag mo 'ko iiwan, okay? Kahit anong mangyari natatakot ako baka iwan mo 'ko." Niyakap niya ako, kahit may pagtataka sa sarili dahil puro 'yun ang hiniling niya buong araw na 'wag ko siya iwan ay ngumuti nalang ako sa marahan na tumungo.

"Hindi kita iiwan, pangako ko 'yan."

This time, tutuparin ko ang pangakong 'to.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now