Kabanata 10

530 24 0
                                    

Tama ba ang narinig ko? Hindi ako pwede magkamali pero, paano 'yon magagawa ng kapatid ko? Paano naging sila? Anim na taon na patay ang kapatid ko halos ka edad ko lang si Anton, huwag nilang sabihin twevle years old si Anton at Sixteen ang Ate ko nung naging sila? Anak ng tokwa? Kaya naman pala nagkaganito. Kasi kung Nineteenth na si Anton ngayon, nasa twenty-three si Ate, anim na taon na kasi ang nakaraan. Hindi ko rin naman siguro kung kailan naging sila at— taena muna kasi!

"Aray!" Daing ko nang hindi ko mapansin ng nahiwa ko na ang daliri ko.

"What the— Grace?! What happened?!" Boses 'yun ni Anton mas kinabahan ako. Gagi gising na!

"Son, naghahanda lang kami ng breakfast, hindi ko alam na nasugatan na si Grace!" Aligagang paliwanag ni Tita, umiling ako, wala naman siyang kasalanan.

"Grace, ayos ka lang?" Nag-aalala tanong ni Tita, tumungo lang ako, hinila ni Anton ang kamay ko saka tinignan ang daliri ko nasugatan. Hindi ako nagbibiro med'yo masakit siya dahil malalim din ang hiwa. Talas ng kutsilyo nila eh sa 'min purol.

"Tsk, bakit kasi hindi ka nag-iingat?" Pagpapagalit niya sa 'kin pero, hindi ako nag-react, nanatili akong nakatingin sa kan'ya. Paano naging si Ate ang ex niya?

Parang hindi ko kaya tanggapin na ang Ate ko na sobrang bait sa 'kin siya pala ang babae kinaiinisan ko. Ang babae nanakit sa lalaki gusto ko ngayon. Paano nila nagawang paglaruan ang damdamin ng batang wala pa masyadong alam, imagine! Twelve years old lang siya noon! Based sa kwenta ko, sabi sa akin ni Anton, twenty-four na si Zanjik, bali Twevle si Anton that time, Sixteenth si Ate, habang Seventeenth si Zanjik.

Wala akong masabi kundi, hayop...

Mahirap ipaliwanag pero, alam ko sa sarili ko nahuhulog na ako na hindi naman dapat, hindi ko alam na posible pala mahulog ka sa isang tao na halos isang buwan pa lang...

"Grace." Tawag pansin niya sa 'kin at doon ko lang din napansin na may benda na ang daliri nasugatan ko.

"Grace, I'm sorry." Si Tita.

Mabilis ako lumingon sa kaniya. "Tita, wala po kayong kasalanan." Umiiling kong sabi sa kan'yaz saka tumayo sa pagkakaupo ko.

"Tita... 'Yun po ba talaga ang pangalan... nung ex niya?" Tanong ko habang ang mga mata ay nakatingin kay Anton. Nangunot ang noo niya dahil sa tanong ko.

Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng kapatid ko sa 'yo. Hindi dapat talaga ginawa 'yon. Oo, minor silang tatlo ng oras na 'yon pero, mali pa rin ang ginawa nila.

"Yes."

Tumungo ako saka tumitig sa mga daliri ko. Hindi ko alam sa sarili ko bakit ako nakakaramdam ng kirot sa puso ko na parang ang sakit, dahil ang lalaking trinatrato at inaalagaan ako ngayon at nag-ti-tiis sa ugali na siya pala ang lalaking nasaktan ng kapatid ko noon..

Mabilis akong umiling at nagpaalam sa kanila na mag-aayos na dahil may pasok pa ako. Wala naman sila nagawa nang umakyat na ako sa hagdan at mabilis naglakad paakyat papunta sa kwarto ni Anton.

***

Lumipas ang halos isa yata o dalawang buwan na, 'di ko rin masyado maalala, madalas ko iniisip ang bagay na 'yun. Ate ko siya, at mahal na mahal ko siya pero, simula nang malaman ko na siya pala ang babae kinasusuklaman ko. Imbes na magbago ang nararamdaman ko para sa kan'ya mas tumindi pa. Dahil napaltan 'yon nng galit sa puso ko.

Parang kinasusuklaman ko na naging kapatid ko siya, gustong-gusto ko isumpa na wala akong kapatid na katulad niya. Galit na galit ako sa kan'ya, hindi ko alam sa sarili ko bakit gano'n ang nararamdaman ko. Kung gano'n gusto ko lang naman si anton at wala nang iba.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now