Wakas

763 33 5
                                    

Nandito lang ako sa garden ng bahay namin naglalakad-lakad, next week na kasi ako manganganak kaya lakad ako nang lakad kahit nahihirapan na masyado.

Wala ang magaling kong asawa at may inaayos siya kaya ako lang ang nandito sa bahay, pagka-anak ko ay itutuloy ko ang pag-aaral ko.

Pupunta ngayon si Ate Rae, Tita, Kael, at Margaret kasama raw ang boyfriend nito. Si Margaret ay pinsan ko sa part ng mama ko malayong pinsan kung baga, nakilala ko siya sa reunion at madalas kami mag-usap dahil makulit siyang bata at napaka cute. Tsaka malapit lang siya sa akin.

Mga two or four years din ang tanda ko sa batang 'yon. Natigil ako sa paglalakad nang bigla sumipa si Baby, kainis naman eh 'di ko alam na nangangarate pala ang batang ito.

"Ate Grace!" Sigaw mula sa likod kaya napalingon ako at nasisiguro ko si Margaret 'yon dahil madaldal ang bibig ng babaitang 'yon.

"Nasaan si Ate?" Tanong ko kay Tita na kasama ngayon si Kael. Sa mga nagdaang buwan ay gumaling na si Kael nakakalakad na siya at maayos na siya magsalita.

"Tinakas ni Zanjik, ewan ko kung saan dinala pagkagising ko ay wala sa kwarto niya tapos tumawag siya sa 'kin kinuha raw siya ni Zanjik kagabi." Umiling si Tita saka natawa habang kwento natawa nalang din ako.

Madalas magkasama 'yon lalo na nung mga panahon na gusto namin mag-bonding ni Ate kaso nag-sagpi ang mag-pinsan at ayaw kami parehas paalisin sa mga tabi nila.

Nagkwekwentuhan kami habang nakain ng meryenda na inihanda nila manang dell, nang biglang tumunog ang phone ko.

"Hi, Meisha. Kamusta?"

"Eto bored pa rin, want mo ba mag-shopping? Libre ko." Yaya nito palibhasa hindi na niya kailangan magtago todo shopping na ulit ang babaitang 'to.

"Hindi muna pero, punta ka rito sa bahay If want mo dumaldal by the way nagluto si Manang ng favorite mo."

"Really? Okay okay tatawagan ko lang si Xander and deretsyo ako d'yan at 'di ba want mo ma-meet 'yung designer ng gown mo para sa biggest social people ball."

"Yes, sino nga ulit 'yon?"

"Si Ate Pink, sama ko si Ate Erika, friends naman sila."

"Sige, bye."

Ibibaba ko ang phone sa lamesa saka tinignan si Margaret na kausap ang boyfriend niya, mukhang masungit 'yung lalaki pero halatang mahal na mahal niya si Margaret at inaalagaan niya talaga. Makalat at makulit si Margaret kahit Eighteen na ay para pa rin bata kaya gano'n nalang siya alagaan ng boyfriend niya.

"Kobi, kamusta naman kayo nitong pinsan ko?" Tanong ko, ngumiti naman siya sa 'kin bilang pag-galang.

"Okay lang kami ni Marga, still in love with each other, nothing changes." Malambing ang tono ng boses nito at napansin kong panay ang pisil nito sa mga kamay ni Marga. Kilig naman si Gaga.

"Good for both of you."

Dumating na sila Meisha nang matapos kami kumain, well natagalan siya kasi gusto pa siya samahan ng boyfriend niya, bakasyon ngayon kaya wala silang mga klase, ay este meron pala kaso tapos na raw class nila, ba't ko nga nakalimutan 'di uso bakasyon sa college, si Kobi and Marga are senior high habang si Meisha naman ay first or second year college mas matanda ako sa kaniya ng two years I think kasi dapat nasa thrid na ako.
Nakilala ko siya sa isang Business dinner nandoon ang De marco, Rosales, Ocampo, Espartero, Lim, Ferrer, at marami pang mga sikat na pamilya na kilala sa buong bansa.

Friendly naman siya kaya naging close rin kami at magkakaibigan naman ang asawa at boyfriend namin.

"Hi, Ate Erika." Bati ko sa kasama niya ang asawa ng Kuya niya maganda si Ate Erika at simple lang.

Gabi na nang magsi-uwi silang lahat, unang umuwi sila Kobi dahil nakatulog na si Margaret sa braso niya kaya binuhat nalang niya ito hanggang sa makarating sila sa sasakyan, si Meisha naman ay kung hindi pa susunduin ng boyfriend niya ay wala pang balak umuwi, parang kay Alexander nga lang nasunod ang babaitang 'yon habang si Ate Erika naman ay sinundo ng isa sa mga tauhan ng Lim at si Ate Pink naman ay sinundo ng asawa niya.

Sila Tita at Kael ay umuwi na rin sa bahay nila.

Naghihintay lang ako sa kwarto dahil wala pa rin si Anton, nasaan na kaya lalaking 'yon kairita siya.

Nang bumukas ang pinto ng kwarto namin ay dali-dali akong tumayo saka tatakbong lumapit sa kan'ya.

"I miss you..." Bulong ko saka siya hinalikan sa labi, ngumisi naman siya.

"I miss you too, wife. Kumain kana ba?" Tanong niyaz umiling naman ako gusto ko sabay kami kakain.

"Tara kain na tayo, gusto mo ba lutuan kita?" Tanong niya ulit, sunod-sunod naman ako tumungo na parang bata, kinuha niya ang kamay ko saka ako marahan inalalayan hanggang sa makarating kami sa kusina.

Halos lahat ay tulog na tangi kami nalang dalawa siguro ang gising ngayon. Pinaupo niya ako sa dinning area na halos tapat lang ng kusina, kahit pagod siya ay nagagawa niya pa rin ako pagsilbihan.

Inaalalayan na kasi siya ni Tito sa pag-handle ng business nila, tapos nag-aaral pa rin siya. May asawa pang iintindihin pag-uwi.

Kumuha siya ng gulay, karne, at prutas sa ref. Hindi ko alam ang lulutuin niya basta bawat galaw niya ay pinapanood ko.

Halos kalahating oras ko rin siya pinapanood magluto hanggang sa matapos siya nilapag niya sa harap ko ang isang fruit salad, adobo na favorite ko ngayon tska ginisang gulay.

"Thank you." Malaki ang ngiti kong pasasalamat hehehe biglang nagutom lalo ang tiyan ko. Pumunta siya sa likod ng upuan ko saka ako niyakap.

"I love you..." Bulong niya saka paulit-ulit binigyan ng halik ang tuptop ng ulo ko.

"I love you too, Aber." Ngumiti ako ng malaki habang siya naman ay natawa nalang.

Masyado na ako masaya sa buhay ko, tadhana na mismo ang nag-gawa nang daan para mahalin ko ang isang katulad mo.

It's just a deal before, but now it's not a deal anymore because, it's a love and destiny made this kind of love. I hope this is for forever, not just temporary. Infinity.

Wakas

***

Social Media Account:

Facebook: Ilaria Del Fierro WP (Bcs)
Twitter: @B_C_S_WP
Instagram: @b_c_s_wp

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now