Kabanata 8

512 25 1
                                    

Nakaupo ako sa kama sa kwarto ni Anton. Imbes iuwi ako sa 'min ay dinala niya ako sa mansion nila dahil 'yun daw ang gusto ng mga magulang niya, pati gabi na.

Pilit ko sinabi na uuwi ako dahil may pasok pa ako bukas pero, sabi niya ay may uniform siya ng school namin at ipapakuha nalang niya ang gamit ko sa bahay kaya wala akong nagawa kundi pumayag na.

Nakatingin ako sa braso ko na may sugat at sariwa pa. Hayop na lalaki 'yun, ano siya pusa? Meow-meow ganern?

Mabilis ko nailipat ang tingin sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Anton na may bitbit na isang red shopping bag at isang basket na hindi ko malaman kung ano ang laman.

"Masakit pa?" Tanong niya, agad naman ako tumungo. Sino ba naman hindi masasaktan? Eh dumugo na nga sa sobrang sakit. Tapos may pasa pa ako sa isa kong kamay demonyo yata 'yung pinsan nito.

"Gusto mo gantihan ko?" Tanong niya sa 'kin, hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi, baka naman may sapak lang.

"Sige ba." Biro ko pero, laki gulat ko ng kumuha siya ng cellphone at dali-dali may tinawagan. Mabilis pa sa bente kwatro oras na hinablot ko ang cellphone niya.

"Sino tinatawagan mo?" Tanong ko.

"Mga taga Delemento University." Seryoso nitong sabi, dali-dali ko naman inagaw sa kan'ya ang cellphone, lumapit siya sa 'kin at sinubukan kunin ang cellphone sa 'kin pero, agad ko 'yun nilayo.

"'Yong school na madaming gangster?" Tanong ko, tumungo naman siya, mabilis ko siyang binatukan dahil sa binabalak niya.

Dahil nga apat na sikat na paaralan lang naman meron sa lugar namin na pinaka sikat, maraming school pero, ito ang pinaka sikat at pinaka mahal. Ang Delemento University ang pinakahuli sa apat, dahil kilala ito dahil sa mga gangster, kung Lee International School ang pinaka mamahalin at matinong paaralan ay ang Delemento University ang pinaka low class na paaralan ngunit mamahalin pa rin dahil karamihan ay mga mayayamang basag ulo lagi ang hanap ang na roon.

"Gago ka talaga 'no!" Singhal ko sa kan'ya saka akma babatukan ulit siya ng dinuro niya na ako.

"Subukan mo batukan muli ako hahalikan kita." Pagbabanta niya. Akala niya natakot ako, 'di niya naman kaya gawin 'yun sa leeg nga lang ako hinalikan eh.

Shit! Naalala ko na naman bwisit na hickey na 'yun. Buti nalang nakahiram ako ng power kay Rill at natakluban ko kanina mainit masyadong 'yung coat 'di keri ng ganda ko!

"Ha! Akala mo sa 'kin takot sa 'yo? Hindi mo ako kaya halikan 'no!" Mayabang ko sabi saka nilapit sa kan'ya ang mukha ko.

"Sige nga?" Hamon ko.

"Hinahamon mo ba ako?" Seryoso niya tanong, saka malakas na ngumisi.

"Oo! Dahil hindi mo naman talaga kaya hanggang leeg ka lan—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang mabilis niya hinapit ang bewang ko at wala ano-ano sinakop ang bibig ko.

'Di naba uso ang biro sa lalaki ito? At lahat ay ginagawang totoo?

Teka— Grace! Itulak mo 'wag kang tanga pero...

"Hmm..." Mahina kong daing ng maramdaman ko napinisil niya ang kabilang parte ng bewang ko. Sais!, syete, otso— lagot ka sa Tita mo, Grace!

Ang ganda ng pangalan mo Mary Grace tapos ang halay nang isip mo.

Marahan ko pinikit ang mata ko ng mas lumalim ang halik niya pero, mabilis din ako na pa mulat nang bitawan niya ang labi ko.

Gusto ko ngumuso dahil aaminin ko nabitin ako! Slight lang naman.

"Leeg lang pala ha?" Nang-aasar ang tono ng boses niya. 'Di ko nalang siya pinansin dahil nahiya ako nang konti. Oo nga siya ang una halik ko sa labi pati sa leeg pero hindi ko naman alam na mas magaling siya humalik ngayon kaysa sa unang halik na ginawa niya   nung lasing siya.

"Bwisit ka!" Inis kong bulyaw sa kan'ya, mahina naman siya tumawa.

Mamatay ka sana sa kakatawa!

"Anyway, patingin ng sugat mo." Saad niya saka naupo sa tabi ko, agad ko pinakita sa kan'ya ang kamay ko nakanina dumugo dahil nga may sugat umiling-iling siya saka binuksan ang basket niya dala na may laman mga benda at iba pa.

"Anong sinabi ko sa 'yo kanina?" Mahinahon niya tanong saka sinimulan linisin ang sugat ko. Alin sinabi? wala akong natandan maliban sa hinahamon mo ba ako.

"Alin? 'Yung hinahamon mo ba ako?" Taka kong tanong, umiling naman siya.

"Ang sabi ko bago kita iwan sa lamesa ay kapag lumapit sa 'yo ang hayop na lalaki 'yun lumayo ka pero, anong ginagawa mo?, at ikaw pa talaga ang humila sa kan'ya." Parang bata niya ako pinagsasabihin hindi naman agad ako nakasagot.

Dahil totoo naman ang sinabi niya binalaan niya na ako kanina pero, 'di ako nakinig. Eh sa abno rin 'yung pinsan niya parang siya rin, mas malala nga lang si Zanjik.

"Sorry na..." Mahina ko sabi saka napapikit ng bigla niya diina ang pag-aano ng bulag sa sugat ko.

"Gago, masakit."

"Sorry." Paghingi niya ng tawad, at  nilagyan ng benda ang sugat ko at tumayo, naglakad siya papunta sa malaki niya closet at bumalik na may dalang dark green na towel saka dark green na roba.

Dark green lahat?

"Mag-shower kana," utos niya saka binigay sa 'kin ang towel at roba na tawak niya.  "Nando'n sa red na shopping bag ang damit at pambura ng make-up mo." Sabay turo niya naman sa red na shopping na nakapatong sa kama agad ko naman kinuha 'yun saka tumayo sa pagkakaupo at humarap sa kan'ya.

"Saan pala ako matutulog?" Pagtatanong ko pero, hindi agad siya sumagot at kinuha ang remote ng tv at binuksan 'yun saka humiga sa kama.

"Dito sa kwarto ko, at bilisan mo maligo. Susunod ako." Seryoso niya saad. Nanlaki naman ang mata ko.

Seryoso talaga siya?!

"Oh, bakit ganan kalaki ang mata mo?" Natatawa niya tanong sa 'kin, sumimangot naman ako sa kan'ya.

"'Wag ka maarte, kala mo naman hindi pa ako nakatabi, for your information, Sweetie naalala ko lahat nung gabi una kita nakita." Nakangisi niyang sabi saka mahina tumawa.

Inis ko dinampot ang unan na nasa tabi niya saka malakas na hinampas sa kan'ya.

"Bwisit ka!" Gigil ko sigaw saka patuloy sa pag-hampas sa kan'ya. Mabilis niya hinabot ang unan saka ako hinila pahiga sa tabi niya at kinulong sa braso niya.

"Sweetie, 'wag mo ako saktan pwede ba? Parang gusto mo halikan kita dahil lagi mo ako sinasaktan." Nang-aasar niya sabi mabilis ko naman siya tinulak saka tumayo sa pagkakahiga at akmang hahampasin ko siya ng salohin niya ang kamay ko.

"Isa pa... Kada isang suntok or 'di kaya kahit ano pananakit 'yan bibigyan kita ng hickey sa leeg mo, hanggang sa buong leeg mo mamula." Malandi ang boses niyang banta sa 'kin, mabilis ko binawi ang kamay ko sa kan'ya.

"Ginagalit mo ako!" Bulyaw ko, tumawa naman siya.

"Joke lang 'yun, nirerespeto kita, Sweetie, kaya don't worry."

Hindi ko na siya pinansin at mabilis na hinablot ang red na bag dahil hindi ko maintindihan ang puso ko sa sobra bilis.

Napapikit ako nang makapasok ako sa banyo saka sumandal sa pinto.

Ano ba itong nararamdaman
ko... Sinabi niya lang na nirerespeto niya ako bigla nalang bumilis ang puso ko kanina ka pa simula ng halikan ka niya, ano bang nangyayari sa 'kin?!

No... Ang lalaki ay sumpa, pera... Mas masaya ang pera kaysa ma in love sa lalaking maraming pera pero, medyo both.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin