Simula

1.7K 49 5
                                    

Maging scholar sa isang school na mamahalin is the best, I don't know pero need ko mag-aral nang mabuti. Nineteenth years old na ako and 1st year college sa Wiltson International School, working student ako, mahirap lang kami dahil maaga namatay ang Ama't Ina ko habang ako at ang Tita ko naman ang nag-aalaga sa kapatid kong may sakit.

Nandito ako sa bar kung saan ako nagtratrabaho may kaibigan ako rito, siya si Evan mayaman sila lagi siya nandito sa bar na ito actually kanila ito kaya niyaya niya akong magtrabaho rito bilang waitress dahil bantay niya naman ako.

"Sir, ano po'ng order niyo?" Tanong ko sa lalaking bagong dating lang. Tumingin ito sa akin.

"Black label." Sabi ng lalaki kaya dali-dali ko naman iyon nilista. Black label ah, lakas ng topak siguro nito, tapang noon, taob 'to for sure.

"Wala na po bang iba, Sir?" Tanong ko ulit.

"Wala na." Sagot niya kaya tumungo na ako at umalis para kunin ang order niya

Pagkabalik ko sa table ay nakita ko si Evan na nakaupo sa tabi ng customer.

"Grace." Bati sa 'kin ni Evan tumungo lang ako at ngumiti.

"Grace ito nga pala si Ariel, Ariel si Grace." Pakilala ni Evan, tinignan naman ako nung Ariel mula ulo haggang paa.

Ganda ko 'di ba?

"Maganda siya." Sabi niya habang nakangisi, umiwas nalang ako nang tingin at nilapag ang order niya.

Nang matapos ang trabaho halos Two AM na ako nakalabas dahil sa daming tao sa bar.

Pagod na pagod na ako at gusto ko na umuwi pero, habang naglalakad ako papunta sa parking lot ay nakita ko 'yung lalaking pinakilala sa 'kin ni Evan pasuray-suray na naglalakad.

***

Third's Pov.

"Sir, ayos lang po ba kayo?" Tanong ni grace sa lalaki habang pinapanood itong nahihirapan maglakad.
"Who are you?!" Pasigaw na Tanong ni Ariel sa babae, hindi niya ito makilala dahil sa sobrang kalasingan. nagulat si Grace sa ginawang pag-sigaw ni Ariel sa kaniya, gusto na niya ito batukan pero, alam niyang wala siyang karapatan.

"Iuwi mo 'ko." Utos ni Ariel kay Grace at hinagis dito ang susi. Sa totoo lang mayaman sad'ya sila Grace noon, may sarili siyang sasakyan noon at may maganda bahay sila noon, kung hindi lang nangyari ang aksidente nangyari sa Ama at Ina niya kasama ang dalawang kapatid, tanging ang isang kapatid lang niya ang nakaligtas, naubos ang pera nila sa utang ng kompanya kaya na lugi ito at nagsara, dahil ulilang lubos siya tanging ang kaniyang Tita ang kumupkop sa kanila ng kaniyang kapatid kaya nagpupursigi siya para lang matapos ang pag-aral niya.

Nang ma-isakay na ni Grace ang binata sa sasakyan nito ay sumakay na rin siya sa driver sit.

"Sir, saan po ba ang bahay niyo?" Tanong niya sa lalaki.

"Sa Monterillia village." Pikit ang matang sagot sa kan'ya ng binata. Dahil marunong magmaneho si grace ay minaneho niya ang sasakyan patungo sa sinabi ng lalaki.

Naririnig niyang dumadaig ang binata na parang bata kaya palihim niya itong sinisilip.

"Ayaw ko... Mag-asawa." Rinig niyang bulong ng lalaki habang pikit ang mata.

"Bakit naman, Sir?" Tanong ni grace sa lalaki habang tutok ang mata sa pagmamaneho.

"Kapag hindi raw ako nagka-girlfriend ay hahanapan na nila ako ng asawa, eh ayaw ko dahil gusto ko pa magsaya."

"Sir, lasing lang kayo." Sabi nalang ni Grace saka pumasok sa village na tinutukoy ng binata, mukhang alam ni Grace na kilala ng Guard ang sasakyan na gamit nila at mabilis lang sila pinapasok nito.

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now