Kabanata 14

466 20 0
                                    

Tumigil ako sa pinto ng two story na bahay, hindi ko mabuksan ang pinto dahil wala akong susi kaya nilingon ko si Anton na naglalakad pa rin papunta sa gawi ko.

Napaka bagal naman ng lalaki na 'to, potaena niya nang bwibwisit na naman siya kaaga-aga, bouncing pa talaga. Bola ba ang boobs ko?

"Susi." Walang emosyon kong utos sabay nilahad ang kamay ko, agad naman siyang may kinuha sa bulsa niya at binigay sa 'kin. Binuksan ko ang pinto at agad ako humanga nang makita ko ang loob.

Maganda ang bahay sa labas pa lang, dahil gawa iyon sa kawayan pero, napaka ganda nang pagkakagawa lalo sa loob, animoy isalumang bahay.

May maliit na sala at kusina, puro gawa rin sa kawayan ang mga kagamitan, pati ang sofa at lamesa sa living room ay kawayan pati ang counter ng kusina ay gawa rin sa kawayan. Lumingon naman ako sa kabilang bahagi at doon ko nakita ang hagdan na gawa rin sa kawayan.

Sa parteng gitna ng bahay ay may mga cabinet na gawa naman sa punong kahoy sa tingin ko, kumikinang pa ang mga 'yun at halatang bagong gawa.

Pati ang sahig ay gawa sa kawayan, lumingon ako sa mga bintana pati ang mga 'yun ay gawa sa kahoy. Nilingon ko si Anton ng marinig ko siyang ngumisi.

"Oh?" Pataray kong inabot sa kan'ya ang susi ng bahay saka tatakbo pumunta sa hagdan, pati sa pag-akyat ay tumakbo ako muntik pa nga ako madapa, tanga kasi.

Bumulagta sa 'kin ang isa pang-mini living room tapos, ang dalawang pinto. Sinilip ko ang isa at banyo 'yun habang ang isa naman ay ang kwarto, pumasok ako sa kwarto may malaking kama sa gitna habang may mini sofa naman sa gilid at may television din.

Lumakad naman ako papunta sa balcony nang bahay, amoy na amoy ko ang sariwang hangin galing sa balcony parang ang sarap tumambay roon.

Dali-dali akong lumingon sa pinto ng kwarto nang marinig kong bumukas 'yun pero, halos kainin ko ang sariling laway nang marinig kong i-lock ni Anton ang pinto. Ano naman binabalak nito?

Halata sa mata nito na may binabalak siya, hindi ko alam kung masama ba or hindi.

Ang mahalaga mahal ko siya, nye nye. Walang connect.

Tinaasan ko siya ng isang kilay at hindi nagpa-apekto sa pag-lock niya ng pinto. No, I'm strong.

"Anong ginagawa mo rito?" Mataray kong tanong saka nakapamewang na naupo sa duluhan ng kama.

"Baby bak—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil mabilis ako dumampot ng unan at binato iyon sa kan'ya.

Boom sapol.

"The heck? Bakit?" Kunot noo niyang tanong, aba nagtanong pa ang gago.

"Gago ka, baby huh?!" Inis kong sigaw saka ulit kumuha ng unan at binato 'yun sa kan'ya, mukha naman siyang natauhan sa narinig niya.

Alam niyang sweetie ang tinatawag niya sa 'kin tapos tatawagin niya ako sa ibang call sign, taena 'to nakakainit ng ulo.

"Oh, I'm sorry sweetie." Hingi niya ng tawad pero, hindi ko siya pinansin at humiga nalang sa kama at nagtalukbom, naiiyak ako ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman kasi ako ganito na iiyak nalang basta kapag nasasaktan.

Pero, sa simple sabi niya lang ng baby parang mamatay na ako sa sakit sa puso ko, sweetie naman kasi ang tawag niya sa 'kin tapos tatawagin niya ako sa ibang call sign hindi ko alam pero, nasaktan ako. Baliw na yata ako, tama nga si Tita hindi maganda ang pag-ibig, kaya siguro matandang dalawa iyon.

Dali-dali ko inalis ang mga luha sa mata ko ng maramdaman kong lumubog ang kabilang side ng kama, kagat-kagag ko ang pang-ibabang labi para pigilan ang sariling hindi humikib. Bakit kaba umiiyak, Grace?! Simpleng 'baby.' lang naman 'yun. Dati ka bang siraulo, 'te?

Mas naiyak ako nang maramdam kong yumakap siya sa 'kin mula sa likod, hindi ko alam mas bumilis ang pag-patak ng luha ko parang ulan sunod-sunod na pumatak. Siraulo na nga.

Napaka-emotional ko na ngayon, 'di naman ako rati ganito, kairita!

"Grace, humarap ka rito." Hindi 'yun pakiusap, kundi utos 'yun, umiling ako at mas lalong isiniksik ang sarili sa unan, ayokong makita niya akong umiiyak. Dahil sa bagay na 'yun napakababang dahilan iiyak na agad ako.

"Grace." Nauubos ang pasensya niyang tono kaya dahan-dahan akong gumalaw paharap sa kan'ya pero, hindi ko siya tinignan at dali-dali tinago ang mukha sa dibdib niya.

"Umiiyak ka ba?" Hindi ba Obvious? Umiling naman ako.
"H-Hindi." Pumiyok kong sagot narinig ko naman ang malalim niyang buntong hininga. Dahan-dahan niya inalis ang isang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko saka iyon nilipat sa baba ko at inangat ang mukha ko patingin sa kan'ya.

Feeling ko ang pula-pula ng mukha ko dahil sa hiya, sino ba naman siraulo ang iiyak nang dahil sa dahilan ko. Baliw na yata ako.

Sumisinghot ako at ramdam kong basa pa rin ang mata ko at patuloy pa rin pumapatak ang luha, pinahit niya iyo saka hinalikan ang noo ko.

"Grace, I'm sorry 'di ko naman alam na masasaktan ka sa sinabi ko, tell me ano pa ang problema?" Tanong niya, 'di agad ako sumagot, pinalis ko muna ang luha ko saka sinubukan yumuko pero agad niyang pinigilan ang mukha ko, kaya wala akong nagawa.

"Hindi ko alam, basta nasasaktan ako." Sagot ko, hindi ko naman kasi talaga alam wala naman nakakaiyak sa ginawa niya, ang arte ko na yata ngayon.

"Tell me, bakit ka nasasaktan?" Tanong niya ulit. Mariin ko kinagat ang pang-ibaba kong labi saka suminghot-singhot.

"N-Nasaktan a-ako nung tawagin mo akong b-baby, kasi feeling ko iba ang nakikita mo sa 'kin. F-Feeling ko wala lang talaga ako sa 'yo, d-dahil simula naman t-talaga w-wala naman tayo." Pagsisimula ko nararamdaman ko kumirot ang puso ko kaya pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Naisip ko rin kasi, paano kung ang call sign nila ng Ate ko noon ay Baby? Hindi naman porket bata pa sika that time 'di nila alam ang bagay na iyon.

"Naisip ko na para akong tanga kasi wala naman tayo, t-tapos, alam kong nagpapangap tayo. Pero eto ako nasasaktan sa simpleng bagay na sinabi mo." Umiiyak ulit ako saka pilit pinipigilan humagulgol.

Pinahid ko ang luha ko saka nag-iwas nang tingin.

"Kasi nakipag-deal lang naman ako sa C-Campus p-playboy ng school namin, kaya wala akong karapatan magtampo at masaktan." Tignan ko siya sa mata, deretsyo at seryoso siyang nakatingin sa 'kin.

"Lalo na ang mahalin ka..." Dagdag ko pa...

Deal With The Playboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now