Chapter 10

1.9K 113 22
                                    

Jc's POV

Ano na naman ba 'tong nangyayari? May panibagong problema na naman ba?

"Kuya!" Biglang sigaw ni James.

Napalingon kami sa tinitingnan niya, si John. Ibig bang sabihin may iba pang agent na nandito?

Lumapit siya samin at halatang nagmamadali siya. Pati kasi pagsasalita niya ang tulin.

"Makinig kayo. May mga bomba sa paligid. Pinuntahan na 'yon ng team ko kaya hindi niyo na kailangang mag-alala. Ang kailangan niyo nalang gawin ay paalisin ang mga estudyante na nandito"

"Pero masyado silang madami" sabi ni Christian.

"Alam ko. Pero kapag may nakita sila sa mga nangyayari ngayon, posibleng mapahamak ang LIS. Kaya kailangan niyong gumawa ng paraan para mapaalis sila. Sabihan niyo na rin ang iba niyo pang kaklase" tapos tumakbo na siya paalis. Tinawag ko pa sya kaya lang ang tulin niyang nakalayo.

"Ano nang plano?" Tanong ko kala Christian. Nagtinginan kami at nagpakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Ako na ang bahala sa pag-aanounce sa school na tapos na ang event. Kakausapin ko si Carla. Kayo na ang bahala sa iba" - Jerson

"H-hoy Jerson!" Sigaw ko, tumakbo na kasi siya agad paalis.

"Iniwan na tayo ni Jerson" naka-pout na sabi ni James. Napailing iling ako at saka ko siya inutusan.

"Tawagan mo na sila Mike, sabihin mo sa kanila na kailangan nating mapaalis ngayon ang mga estudyante" tumango naman agad si James at inilabas ang phone niya. Tumingin ako kay Christian.

"Sisimulan na natin?" Tanong niya at tumango naman ako.

Naglakad kami at naghanap ng mga estudyante. Sa totoo lang hanggang ngayon wala pa rin akong plano kung ano ang sasabihin ko sa kanila para mapaalis sila.

"Omg! Sila Jc at Christian!" Sigaw ng isang babae kaya naman napatingin ako do'n. Ang dami nila at puro sila mga babae. Sama sama sila sa mini garden ng school.

"Wahhh ang gwapo talaga!"

"Nakatingin sila sakin oh my god!"

Nagkatinginan kami ni Christian at mukhang pareho kami ng iniisip kaya naman sabay kaming lumapit sa mga babaeng 'yon.

"Hi girls" sabi ni Christian at halos mapatakip ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng tili nung mga babae.

Tiningnan ko sila at may itsura naman sila. Pero sa kanilang lahat, isang babae lang ang hindi sumigaw nung lumapit kami, at sa kaniya lang ako nakatingin. Hindi ko napansin na nakatingin din pala siya sakin. Huli na nang malaman ko na nakalapit na pala ako sa kaniya. Hindi ko alam pero biglang hindi nalang ako makapag salita.

Ano bang nangyayari sakin?

"Uhm, hi?" Sabi niya kaya naman natauhan ako.

Napakamot ako sa ulo ko at pilit na napangiti. "Hi haha"

Bakit ba ganito ako? Parang nakalimutan ko na agad na may nangyayaring masama ngayon dito sa school mula nung tumingin ako sa kaniya.

"Tara sa mall, libre ko" rinig kong sabi ni Christian at ayan na naman yung tili nung mga babae, sigaw na pala. Napatingin ako kay Christian at kinunotan siya ng noo.

Seryoso? Mall? Eh maghahating gabi na kaya.

Tinanguan niya ko at sinabing mauuna na siya kaya tinanguan ko nalang siya. Atlis meron nang nakaalis. Aalis na sana ako pero bigla ko nalang naalala na may babae pa nga pala sa tabi ko.

The Only Girl in Boys Campus 2Kde žijí příběhy. Začni objevovat