Chapter 11

1.9K 110 26
                                    

Gab's POV

November 1 na.

Wala ngayon ang iba naming kaibigan ngayon dito sa bahay ko kasi umuwi muna sila sa kanila. Ang naiwan lang na kasama ko ay sila Shades, Jerson, at James.

Paglabas ko sa kwarto ko, nakakapanibago dahil ang tahimik. Tanging ingay lang ni James na nagmumula sa kusina ang naririnig ko, kaya naman do'n agad ako pumunta.

"Hahaha eh ano naman po ang ginagawa ni Jc kapag gano'n?"

"Naku! Iiyak 'yon tapos tatawagin ako, sisigaw siya ng 'manang! Pengeng short' tapos si Gab naman tatawa lang ng tatawa"

Nag-uusap si James at Manang Jeni.

"Bakit naririnig ko ang pangalan ko?" Tanong ko at sabay naman silang napatingin sakin.

"Hahaha good morning hija, eto kasing kaibigan mo nagpapakwento tungkol kay Jc at sayo" tatawa tawang sabi ni manang Jeni.

"Good morning ate! Hahaha akala ko dati astig si Jc kasi ang yabang niya lalong lalo na pagdating sa itsura niya. Meron din pala siyang side na nakakatawa talaga hahaha"
Napailing nalang ako at nag good morning din sa kanila. Base sa narinig kong sinabi ni manang Jeni, kini-kwento niya nung naihi si insan sa shorts noong elementary kami.

Nakarinig kami ng mga yabag papalapit samin kaya naman napalingon kami sa likod. Si Shades at Jerson, mukhang kagigising lang nila.

"Good morning!" Sabay na sabi namin ni James. Napalingon naman samin yung dalawa.

"Good morning" sabay na sabi nila tapos napalingon si Shades kay manang Jeni. "Good morning po"

"O sige at ipaghahanda ko na muna kayo ng pagkain bago---"

"H'wag na po" mabilis na sabi ko. Agad naman siyang nagtaka. "Aalis na rin naman po kayo mamaya, kami nalang po ni Shades ang magluluto" sabay lingon ko kay Shades na gulat na gulat sa sinabi ko. "Ihanda niyo na po yung mga gamit niyo at ipapahatid ko na kayo"

Tatanggi pa sana siya kaya lang pinilit ko siya kaya wala na siyang nagawa kundi sumunod. Siya lang ang katulong ngayon dito kasi kagabi pa nakauwi sila manang ester. Wala pa raw kasing tao sa bahay nila manang Jeni ngayon kaya hindi muna siya umuwi kagabi. Ngayong umaga pa raw kasi darating ang mga anak niya.

Si James at Jerson pumunta muna sa salas. Manonood na naman ng cartoons si James sigurado habang si Jerson ay nagr-research.

Lumingon ako kay Shades na ngayon ay nakatingin sakin. "Hindi ka sanay magluto diba?" Tanong ko at tumango naman siya agad. "Magluto ka"

"Hindi nga ako marunong" sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at saka ako humalukipkip. "Kahit prito?" Tumango uli siya.

"Kaya nga ikaw na magluto eh"

"Tayong dalawa" sabi ko at saka ako ngumisi. Kumuha ako ng bacon at itlog sa ref, kumuha na rin ako ng tinapay na nando'n lang sa tabi.

"Anong gagawin jan?" Tanong niya, nag-pout naman ako.

"'Di ba halata? Malamang lulutuin" inabot ko sa kaniya yung mga kinuha ko.

"T-teka"

"Basagin ko muna yung mga itlog tapos ilagay mo dito" sabi ko sabay abot ng isang mangkok. Tinitigan lang niya 'yon at wala siyang ginagawa. "Alam mo bang madaming takot magbasag ng itlog kasi baka may sumamang shell? Isa ka ba do'n?" Tanong ko at gulat naman siyang napatingin sakin.

The Only Girl in Boys Campus 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora