Chapter 6

2.4K 137 30
                                    

Gab's POV

Second day ng event ngayon at dahil nga mamayang gabi pa ang bukas ng horror house namin, naglibot libot muna kami sa ibang booths at tents. Ang kasama ko ngayon ay syempre si Shades, si James, Jerson at insan.

"Ano'ng uunahin natin?" Tanong ni insan habang nakatingin sa paligid. Kakakain lang kasi namin, at ngayon hindi namin alam kung alin ang una naming puntahan sa dami ng booths na nasa paligid. May mga palaro rin at ang daming papremyo, karamihan ay mga stuffed toy.

"Laro muna tayo" sabi ni James at saka hinawakan ang braso ko tapos hinatak ako sa isang mini game. Sumunod naman samin si insan, Shades, at Jerson.

Yung laro na 'to ay parang yung laro sa amusement park na pinupuntahan namin, kaya lang dito, kailangan mong patumbahin yung sampung lata gamit ang isang bola. Kumuha ng tig-iisang bola si insan, Jerson, at James, habang kami ni Shades ay nanonood lang sa kanila.

Lumingon ako kay Shades nang kalabitin niya ko.

"Bakit ayaw mong maglaro? Parang ganyan din naman yung sa amusement park ah" tanong niya at ngumisi naman ako.

"Alam mo Shades, kapag naglaro ako sa mga ganyan malulugi lang sila, kasi lahat ng 'yan kaya kong ipanalo" mayabang na sabi ko habang tatango tango.

"Tsk, kahit kailan talaga hindi nawawala yung yabang mo" bulong niya ng medyo nakangiti.

"Eh ikaw? Bakit ayaw mong sumali sa kanila?" Ako naman ang nagtanong. Lumingon siya kala insan bago sumagot.

"Kasi hindi ka sumali"

"Eh?"

Lumingon siya sakin tapos ngumiti ng kaunti. "Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan, at saka gusto ko lang naman makasama ka, kahit wala akong gawin basta nandito lang ako sa tabi mo ayos na ko"

Nag-iwas ako ng tingin at palihim na napangiti, bakit ba kasi ganyan siya magsalita ngayon?

Hinawakan ni Shades yung kamay ko kaya naman tuluyan na 'kong napangiti. Pinanood namin sila James maglaro at akalain mo, si insan nanalo, hahaha kaya tuwang tuwa siya ngayon.

"Hahahaha o ano? Kaya niyo 'yon?" nagyayabang na sabi niya habang pinapainggit yung premyong nakuha niya. Stuffed toy yung pinili niya, ngayon ko lang nalaman na mahilig pala siya sa mga gano'ng bagay.

"Tsk, sinwerte ka lang" ani Jerson.

"Oo nga insan, chamba lang yun" sabat ko naman kaya sinamaan niya kami ng tingin ni Jerson.

"Huu, mga inggit lang kayo" sabi niya pa ng may malawak na ngiti sa mga labi, pero nung mapatingin siya sa kamay namin ni Shades bigla yung nawala.

Napangisi ako at napatango tango, ngayon ako naman ang mang-aasar.

"O talaga insan? Baka ikaw yung naiinggit?" tapos mas hinigpitan ko pa yung hawak sa kamay ni Shades kaya asar siyang tumingin sakin.

"Tsk, isusumbong kita kay tita" sabi niya at ang sama ng tingin niya sakin! Hala...

"Uy insan, joke lang yun" sabi ko pero umiling iling siya.

"Sasabihin ko lagi kayong PDA" tapos tumango siya at umakbay kay James, tapos nauna na silang maglakad. Taka namang sumunod sa kaniya si James.

"H'wag kang mag-alala, hindi niya 'yon gagawin" nakangiting sabi ni Shades at tumango naman ako. Alam ko naman 'yon.

Napansin kong ang tulin maglakad ni Jerson, parang hinahabol niya si insan at James.

"May problema ka ba, Jerson?" tanong ko sa kaniya kaya napalingon siya sakin.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now